Princess👑3

12.8K 411 35
                                    


Princess 3
Room

Kasing dilim ng pangalan niya ang ugali niya. Iyan ang napagtanto ko sa mga araw na andito ako. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako takot savkanya. Ang alam ko lang ay enemy ang status namin ngayon.

Where's your class?

Sorry, ah, exclusive lang kasi 'yon sa mga magagalang na tao.

Maaga palang ay nandito na ako sa garden. Nakapag ayos na rin ako at hindi na ako nag gown. After I took a bath, I wore a high-wasted black shorts and a white cropped top. Since I was in the mood to wear a combat, I wore one and it's white.

Last night, I was planning to renovate this garden. Ako pa ang nasasayangan dito. Gusto ko siyang gawing magical kagaya ng dati. Alam kong magical din ito noong una. Hindi lang talaga naalagaan. Siguro kung andito ang nga magulang nila ay maayos pa ito pero wala na ang nga magulang nila. Namatay dahil sa ambush.

Wala rin gaanong dumadaan dito. Ni gwardya ay wala! Kaya naman kinuha ko na ang hard broom at nagsimula nang mag walis. Sayang din naman kasi ang oras, wala pa rin namang official na mga activities.

"Too early for that, miss."

"Oh!"

Nagulat talaga ako. E, ang aga pa kasi kaya hindi ko in-expect na may royalty nang gising. It's Augustus.

Pinasadahan niya ako ng tingin from head to toe. Naka formal attire siya at halos mapa kunot noo ako.

"Dapat palaging ganyan ang suot? Hindi ko alam eh," sabi ko 'tsaka nagpatuloy sa pagwawalis.

"Good morning."

Nilingon ko siya. Ang akala ko ba ay hindi siya namamansin? Ang sungit kasi ng mga mata niya at parang palaging galit. Pakiramdam ko rin May gusto siyang malaman sa akin pero hindi lang masabi. Well, that's just my mere assumptions.

"Good morning, too," bati ko nalang pabalik at nagpatuloy sa pagwawalis.

Nakita kong naupo siya sa isang swing na may sandalan.

"Why are you doing this kind of stuff?" Tinuro niya ang walis.

"Aside from boredom, gusto ko rin pagandahin itong garden. Mahilig kasi ako sa gardens. Share ko lang naman," sagot ko nang hindi siya nililingon.

Madami kasing tuyong dahon na nakakalat. Actually, kung unang beses mo palang dito, aakalain mo na may gubat dahil sa dumi. Hindi ko ba alam kung bakit hindi manlang nila maharap ang ayusin ito eh ang dami naman nilang servants.

Sinilip ko ang kasama ko at nakita ko siyang nag ce-cellphone at nakangisi. Nakakapagtaka naman ang isang 'to. Ngayon ko lang kasi siya nakitang nagbago ng expression.

So weird!

Habang nililinisan ko ang loob ng fountain, na hindi naman nakasindi, biglaang may ingay akong narinig. Sabay pa yata kaming tumingin ni Augustus sa mga bagong dating. Itong kasama ko naman hindi manlang nagulat. Relax na relax pa.

"Oh, there they are!"

Pagkita ko ay si Absiddy ang nagsalita. Lahat sila ay naka formal— wait, bakit nandito silang lahat? Maliban lang kay Zac.

Pakielam ko nga pala doon?!

"Andito lang pala kayo," sabi ni Jennie saka kumindat sa'kin. Napa 'eh' ako dahil ito na naman sila.

"Nag de-date yata!" sabay na sabi ni Leon at Ezekiel habang natatawa.

"Hindi ah!"

At saka ang nag de date magkatabi o kaya nagsasaya. Nagsasaya ba kami? Sabihin ko sana pero parang tunog defensive.

The KING's Princess                  [Wyorck series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon