Princess👑20

8.9K 282 37
                                    

Halos ayaw ko nang gumising. Antok na antok pa ako pero kailangan kong bumangon. May activity kami ngsyon at bawal umabsent. Attendance is a must!

Gabing gabi na din kasi ako nakabalik sa kwarto ko. Bumalik kami sa dati ni Zaico. Wala ng bitterness na pumapagitna saamin. We treat each other as bestfriends. We bond just like real bestfriends do. Nakakatuwa nga dahil kahit papaano, nawalan ako ng isang proproblemahin dito. At nangyari lahat ng iyon kagabi.

I picked my phone on the side table. Nakita kong seven am na. Hindi nalang ako kakain para hindi ako magmadali. May snack time naman. Ayaw ko din tumaba dito.

Volleyball daw ang gagawin namin ngayon. Since sa open space namin gaganapin, at kailangang kumportable ang suot, I chose to wear a black short and a white loose shirt. Kumportable ako dito. Feeling ko nga nasa bahay lang ako eh. Sinuot ko na din ang rubber shoes kong buti na galing kay kuys Azure.

Speaking of kuya Azure, ano kayang pinag-usapan nila ni Zac at hindi na tunawag sa'kin si kuya? Hindi manlang mag text!

Inayos ko muna ang buhok ko, high ponytail. Nag powder din ako at kaunting lip tint. Tinignan ko ang sarili ko sa isang full size mirror bago napangiti. I look like a cool girl slash hot.

Binuksan ko na ang pinto at halos mapaatras ako nang makita ko si Zac na nakasandal sa sarili niyang pinto. He's wearing a black khaki shorts and a black t-shirt. Naka itim din siyang sapatos. Tinignan ko ang mukha niya at sobrang mag aalab nanaman. Ang ata ata galit siya?

Hindi ko parin nakakalimutan yung kagabi! Nasa office sila ni Saysay at dalawa lang sila. Gusto kong tanungin kung nagtagal ba sila doon pero wala akong lakas ng loob.

Naglakad ako sa kaliwa at agad naman siyang tumayo. Sinundan niya ako. Halos langhapin ko na ang buong pagkatao niya dahil sobrang bango niya! Baka naman pinangligo niya na yung pabango niya para sa'kin?

Wow, ang kapal mo Samantha. Kailan ka pa kumapal ng ganyan?

"Now you're ignoring me. Nagkabalikan na kayo kaya ganyan ka?" Napatigil ako nang nagsalita siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "What are you talking about?"

Matunog siyang ngumisi. "Diba gumising ka ng gabi para makipagkita kay Zaico?"

Nanlaki ang mata ko doon. How did he know about it? Nakita niya ba kami o may nagsumbong?

"Now what? I hit it? Nakipagkita ka nga?" Galit ang boses niya para halata namang nagpipigil. "after I confess my feelings to you. After I have back the love you have for me. Ganito? Are playing with me?"

Napanganga na talaga ako. I feel so insulted. Malandi ba talaga ang tingin niya sa'kin na kapag matapos kong aminin na mahal ko siya, maghahanap ako ng iba? Napailing ako.

"Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin mo sa'kin," galit na galit ako ngayon. "Simula palang malandi na talaga ang tingin mo sa'kin. Kamusta ka naman kung gan'on? You let yourself stuck inside a room with Saysay. Anong tingin sa'yo?"

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko, nagbabago ang ekspresyon niya. Pero sa huli, madilim parin.

"Saka na tayo mag-usap. O kaya 'wag na tayong mag-usap. Kahit. Kailan!" sinigaw ko 'yon sa mukha niya bago naglakad paalis. I walked as fast as I can. Hindi ko talaga inaasahan na iisipan niya ako ng gan'on. Kung nagseselos siya, aminin niya!

Ayaw kong magpaliwanag. Ayaw kong magpakiwanag ngayong galit ako.

Naglakad ako papuntang open field. Sumasabay ang nakaipit kong buhok sa paglalakad ko. Malayo palang ay nakita ko na sila Kyline na naka jogging pants lang at t shirt. Si Saysay naman ay shorts at sports bra. Hindi nalang siya mag panty para makuha niya na si Zac.

The KING's Princess                  [Wyorck series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon