One

2.1K 46 14
                                    




Bolcan Residence

Mikay at your service

"Good morning to my beautiful ate Mikay!!" bati ng kanyang kapatid na si JR at humalik sa pisngi ng ate niya na busy sa paghahanda ng lulutuing bibingka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Good morning to my beautiful ate Mikay!!" bati ng kanyang kapatid na si JR at humalik sa pisngi ng ate niya na busy sa paghahanda ng lulutuing bibingka. Malapit na kasi ang pasko kaya madami siyang kailangang lutuin.

"Uy! Uy! Umuwi agad pagkatapos ng klase mo ha. Kailangan mong tumulong sa akin lalo na at malapit na magpasko."paalala niya sa pilyong kapatid.

Kakamot kamot sa ulo si JR at nakasimangot. "Ehh, ate may laro kami ngayon ng basketball eh."

"Naku! Ayan ka na naman sa mga excuse mo eh. Basta umuwi pagkatapos ng klase kung ayaw mong bawasan ko allowance mo!"

"Psh! Oo na." simangot niyang sagot at kinuha ang sling bag at nagpaalam. Pero hindi pa siya nakahakbang nagsimula na namang mag ala machine gun ang bibig ng ate niya.

"At JR ha. Iwas iwasan mo nga yang maharot na kapatid ni Mary. Hindi ka ba kinakabahan na malahian tayo ng mga ganung klaseng babae? Jusko, walang pinagkaiba sa ate niyang sosyal. Tingnan mo nga ang bibig, ang pula. Ang damit halos kita na ang kaluluwa. Ano nagkaubusan ng tela?!"

"Ate naman, hayaan mo sila kung ganung style ang gusto nila no.."

"Hayaan? Kasi tuwang tuwa ka na ganun sila manamit kasi nagpyesta ang mga mata mo sa magkapatid. Naku JR ituloy mo yan, bukas meron ka nang kuliti(tulog ka kasi baby kaya todo research ako, whew)."

"Hala ate hindi ko sila binobosohan. Good boy yata ito."at nagpogi sign sa ate niya. Gwapo naman kasi si JR at maganda din si Mikay. Napatakan kasi sila ng ibang lahi ng magtrabaho ang kaniyang inang kinuha na ni Lord sa Olongapo. Isa itong tindera sa bakery. At ito din ang nagturo kay Mikay ng masarap na recipe ng bibingka.

Hindi naman po kasi sila biniyayaan ng kayamanan dahil ang madalas nilang marinig sa kanilang nanay eh ang mag aral silang mabuti dahil iyon lamang ang tanging maipamana sa kanilang magkakapatid. Ito ang kanilang kabuhayan ang magtinda ng bibingka sa tabi ng simbahan kapag malapit na ang pasko at kapag may mga fiesta sa mga malalapit na bayan sa Olongapo City.

Doon kasi sila pinanganak pero nung umalis na ang mga kano at pumunta ng amerika, sinubukan pang humabol ng ina ni Mikay at nagmakaawa sa ama nitong navy na si George DC Washingtone. Maliliit pa sila noon. Sa kakahabol niya sa kanilang ama, hindi niya nakita ang tumatakbong aso kaya siya nabundol nito. Tumilapon ang kawawang ina ni Mikay sa gitna ng kalsada kung saan nasagasaan ang paa niya ng rumaragasang kariton na nawalan ng break dahil sa kalumaan at punong puno pa ng panindang  buko.

Napasigaw sa sakit ang kawawang ginang. Muli siyang tumayo at sa kasamaang palad natamaan ito ng lumilipad na tsinelas mula sa mga batang naglalaro ng tumbang preso at tumama sa kanyang nguso. Natamaan ang ilong niyang hindi naman ganun katangos kaya ayun dumanak ng dugo sa kalsada.

Naglabasan ang mga kapitbahay upang siya ay saklolohan. Isinakay sa pedikab upang dalhin sa pagamutan. Nakarating sa batang Mikay ang nasabing balita.

Exactly Where They'd Fall (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon