Nanlaki ang mga mata ni Mary dahil sa halik na ginawa nilang dalawa. Namumula din si Mikay at di niya alam kung magpapaitak na lang siya o gawin ang inuutos sa kanila. Pilit siyang ngumiti sa naiilang na si Mary. Ngunit naagaw ang atensyon nila ng makarinig ng palakpak."Whooo!! Mag asawa nga kayo!!"pumapalakpak na wika ni manong.
"Pre ang gaganda nila pero mga tomboy pala. Tsk sayang.." turan ng isang kasama ni manong sa paglilinis ng kalsada.
"Salamat po sa suporta."pilit na kaway ni Mikay sa mga tao.
"Hehehe opo mag asawa po talaga kami at ahm naghihintay na lang na ikasal kami para legal."Kinakabahang wika naman ni Mary at napakagat labi. Sumabad din si Mikay para magmukhang kapani paniwala ang palabas nilang dalawa.
"Tama po siya." Saka napangisi kay Mary at may paakbay akbay pang nalalaman. "Kulang po sa budget eh. Di ba Da-Darling ko? Hehee."sabay kamot sa ulo. "Kasi po Lang Ano Eh.. Walang d-datung.."Wika nito at napangiwi.
"Yung kamay mo.."Si Mary.
"Sorry.."Pabulong na anas ni Mikay sa kanya.
"Nakuw problema nga yan. Teka, Mando, andiyan ba kapatid mong si Joven?"
"Oo. Bakit?"
"Eh baka pwede niyang tulungan itong dalawang ito. Sige na, kawawa naman. Tingnan mo oh madungis sila. Ganda lang ang meron mga yan.."
Nakuha naman ng mamang si Mando ang tinutukoy ng kumpare niya. Nagkatinginan Lang ang dalawa at nakikiramdam sa susunod na kaganapan.
"Walang problema. Tara dalhin yang mga yan sa bahay. Mabuti na lang at bumagyo hindi nakapunta sa opis niya si Joven. Naku mga iha walang problema sa pera. Wala kayong babayaran hehehe.."turan nito at nasa dalawa ang mga mata. Ngumisi lang ang dalawang babae sa lalaki.
.......
Habang sinusundan ang mga kalalakihan panay bulungan ng dalawa."Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Mary.
"Malay ko. Sinundan ko Lang sila."nguso niya sa mga lalaki at pumasok sila sa malaking bahay na hindi man lang tinablan ng bagyo maliban sa mga tumbang puno na tumama sa bubong.
Nakita ng dalawa na bumulong si manong Mando sa lalaking nadatnan nila sa bahay at napatingin ito sa dalawang babae. Mga ilang segundo niya din ito tinitigan the he got up and went to a certain room. The rest, they just stayed at the living room and waited for the man to come back. Then he showed up bringing a piece of paper and put down on the center table.
"Nakuu mga magagandang dilag, sinasabi niyo ba sa aking tanggapan na talagang nagmamahalan kayo at hindi napipilitan lamang?"he asked Mary and Mikay.
"O-OPO!" Chorus ng dalawa.
"Ikaw iha." Turo kay Mary. "Anong pangalan mo, edad at tirahan.?
"Ah Mary Antonette Palpalin and I'm 28 blah blah.."sagot nito sabay tingin sa naguguluhang si Mikay. Si Manong may sinulat sa form. Kunot noo na ang dalawang babae.
"Ikaw naman iha, pangalan mo, edad at tirahan.?"
"Ahm Michaela Vivienne Bolcan 28 at nakatira blah blah.."sulat ulit si Manong at saka hinarap ang dalawang nahihintakutan.
"Paki sulat mo nga dito ang pangalan mo, hirap ispel eh."
Sumunod naman si Mikay. Hindi naman gaanong makita ni Mikay kung anong klaseng form ang sinusulatan niya. Inabot ni Mikay ang papel sa kanya. Tiningnan niya ito saka may sinulat sa form.
"Hmmm... bueno kayo ba ay baguhan dito?"
"Yes po. Kaya medyo naliligaw pa. Hehe."sagot ni Mikay na napipilitang tumawa.
BINABASA MO ANG
Exactly Where They'd Fall (COMPLETED )
Short StoryThey say, keep your friends close and your enemies closer. Bakit nga kaya? May magbabago ba sa awayan ng dalawa Mikay at Mary malayo o malapit man sila sa isat isa? ............... "Para siyang pimples!" gigil na wika ni Mikay sa kausap niyang numb...