This story will end soon. Private ko na mga new stories ko. To protect my works amen!
"What's the meaning of this?"
Ang salitang nagpahiwalay sa kanilang magkadaop na mga kamay. kung kanina punong puno sila ng saya ngayon para silang nawalan ng dila na hindi makapag salita. Namumutla at kinakabahan dahil sa tatlong nilalang sa kanilang harapan. Iba ang kanilang tinginan. Kaya ang dalawang babae, unti unting napayuko na halos maiyak pa lalo na si Mikay. Hindi niya kayang makita ang lungkot sa mga mata ni Mary. Mas gusto niya yung matang nakikita niya nung mga nakaraang araw lalo na kung magkasama sila.
She admitted, she became a different person when she's with her. Every day, she prayed na sana tuloy tuloy na ang pagiging okay nilang dalawa. And sana maging katanggap tanggap din ang friendship nila sa kanilang mga kaanak. Nagkatinginan sila ni Mary saka nahihiyang napaangat ng mukha.
"What's the matter guys? Cat got both of your tongue?" Justine asked in a bitchy way. Lahat ba naman sila eh seryoso ang mga mukha.
"M-Mary uwi na ako.."mahinang sabi niya saka tinanguan ang kapatid na aalis na sila. She took a few steps when Justine call out her name.
"Viv! Wait.." then Mikay turned her head and she saw a wide smile flashed on Justine's face. Maging si Nadine nakangiti din. "Come here?"sabay lahad niya ng kamay. Naguguluhan namang bumalik si Mikay at natuon ang mga mata niya sa nalilitong si Mary. Pagkalapit niya kay Justine bigla siyang napasabi ng...
'GROUP HUGGGGGGG! FINALLY THEY ARE OKAY NA!!!"
At nagyakapan nga sila sa gilid ng daan at ang mga shoppers nakikitingin sa kanila na ikinataas ng kanilang mga kilay, ang iba no care.
"Ate Mikay, ate Mary, masayang masaya kami na okay na kayo sa wakas.."mangiyak ngiyak na wika naman ni Nadine at inakap na ang ate Mary niya na ngayon ay maganda na ang mga ngiti.
"Aherm, pero ha madami kayong kailangang ipaliwanag kung kilan at paano nangyari na okay na kayo." si Justine ulit. Nagkatinginan na naman sina Mikay at Mary. "I guess babalik ako sa London na panatag na. Na wala nang magpatayan sa subdivision niyo ano."
"Hahahaha! Hindi na no. Kapagod kaya makipag away sa ate mo."mabilis na sagot ni Mikay at nginuso pa si Mary na napaismid at dumila pa sa kanya.
"Ikaw nga diyan eh."sabad ni Mary.
"Dahil okay na ang lahat can we just go shopping together?" si Justine. "It's my treat guys.."
"Talaga ate Jas?!" si Nadine. "Gusto ko pa naman....yung...make up."
"Kanino ka naman nagpapaganda?"tanong agad ni JR.
"Bibili lang ng make up nagpapaganda na sa iba? Hindi ba pwedeng kailangan naming mga babae yun?" si Nadine.
Nabatukan tuloy ni Mikay si JR.
"Alalahanin mo, pwede naming hiramin yun ni ate Mary mo.."
"Hahahaha! tama ka diyan senorita.."at napunta kay Mary ang mata ng lahat. "What?!"
"Ate ano tawag mo kay ate Mikay?"si Nadine.
"Ahmm...senorita?" sagot nito na ikinaismid ni Nadine at napatingin sa mga kasama niya na sina Justine at JR at pigil ang mga sariling matawa.
"Senorita..."ulit ni Nadine.
"Ikaw ate ano naman ang tawag mo kay ate Mary?"tanong ni JR na napangisi. Napasulyap muna siya kay Mary at napapakamot sa batok sabay sabing...
"My Queen.."
"Oh....my.....sheytttt!!!" reaction ni Justine.
"Kinikilig ako hehehe..Ehhh..."si Nadine.
BINABASA MO ANG
Exactly Where They'd Fall (COMPLETED )
Short StoryThey say, keep your friends close and your enemies closer. Bakit nga kaya? May magbabago ba sa awayan ng dalawa Mikay at Mary malayo o malapit man sila sa isat isa? ............... "Para siyang pimples!" gigil na wika ni Mikay sa kausap niyang numb...