Seven

478 21 2
                                    




Pagkalipas ng ilang linggo back to business na naman si Mary. Isa sa mga plans niya ay kung paano makalipat ng lugar malayo sa kanyang mortal na kaaway. Kaya nagtanong tanong ito sa kanyang mga kakilala sa society. And may naisuggest sila agad sa dalaga. Ito ang napag usapan nila ng kapatid after niya makita ang nasabing lugar.

"Te, kailangan ba talaga nating lumipat doon? Paano na ang pwesto natin sa palengke?"tanong ni Nadine.

"Syempre tuloy pa rin. Doon tayo kumukuha ng pangkabuhayan natin no. Pero mas mainam kung medyo iba na ang magiging environment natin. Tsaka, yung sister ko balak niya magbakasyon dito tapos ganito ang sitwasyon ng ating bahay. Ano para tayong sardinas na magsiksikan."

"Eh kasi ate, ikaw lang ang nagsusumikap at kumikita sa ngayon. Balak ko din sanang makatulong."

"Nads, okay na sa akin na makita kang nagsusumikap diyan sa pag aaral mo. Basta ba ipangako mo sa akin na magtatapos ka at nakuuu iwas iwasan mong mapalapit diyan sa JR na yan! Sinasabi ko sayo.."

"Wala no! Diko nga nakikita yun eh.."nakayukong sabi ni Nadine sa ate niya. Ngunit sa likod ng kanyang isipan guilty na siya. Kung pwede niya lang sabihin na boyfriend na niya ito.

"Aba dapat lang. Hanggat kaya mo umiwas then iwasan mo!"singhal ng kanyang ate at tinapos ang mga ligpitin sa nasabing silid.

.......................

May dumating na bisita sa tahanan ng mga Palpalin. Ito ang kausap niya tungkol sa binebentang bahay sa isang subdivision. May dala dala itong mga brochure para ipakita sa dalaga ang napupusuan nitong mga bahay. Nakikitingin din ang kapatid niya.

"Mukhang maganda itong sa corner ah. Bet ko siya."tiningnan ito ng lalaki at biglang napakunot ng noo.

"Actually nabili na ang property na ito ng isang company. Pa raffle daw nila at yan ang mapapanalunan." esplika niya. Tumango lamang si Mary at muling pumili. Nahirapan siya dahil yung pinaka bet niya na pwesto sana eh binili na pala ng nasabing company. Kung anumang pa raffle yun.

"Ito maganda din ito. Bet ko siya.."

"Tingin nga te.."si Nadine. Napa wow naman ito ng makita ang magiging kaayusan ng bahay kapag natapos na ito. "Te ganda niya. Mas bet ko siya Te. Tingnan mo Ang ganda ng balkonahe. Sarap diyan magbilad sa araw."

"Wow ang feeling mo Nadine ha."

"Grabe nag imagine Lang Te, feeling na agad?"

"Pero tama ka. Bagay na bagay sa pwesto ng ating magiging bakery to."

"Naku Te, parang nakikinita ko na ang mga namimili na pumipila sa mga paninda natin."masayang turan ni Nadine sa ate niya. Gumanti din ng ngiti si Mary sa kanya. Gagawin niya ang lahat para sa kapatid niya.

"Maganda nga eh. Naeexcite na ako tuloy kahit na hindi pa siya tapos."sagot nito sa kapatid.

"Alright, kung ito na ang napili niyo sige ipapaayos ko na ang papers para mailipat sa pangalan niyo ang pagmamay ari ng nasabing bahay."

"Sige ho, bali bukas pupunta ako sa bangko para ayusin ko din ang way of payment."turan ni Mary sa kausap na real estate.

"Oh sige, kung anuman ang maging problema eh tawagan mo na lang ako. Nasa sa iyo naman yung numero ng aking telepono. Paano Mary ako'y tutuloy na para masimulan na ito sa lalong madaling panahon."paalam ng real estate agent sa magkapatid. Inabot na niya dito ang ilang papers na kailangan pirmahan ng dalaga na magpapatunay na siya ang may ari ng nasabing bahay.Malugod itong tinanggap ni Mary.

Ngiting panalo ang dalaga ng mapasakamay ang nasabing titulo. Naiisip na niya na finally makalayo na siya sa taong kinasusuklaman niya. Ang taong hindi matanggap ng kanyang sistema.

Exactly Where They'd Fall (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon