Finale

1.2K 33 28
                                    


Dalawang araw matapos ang pangyayaring hindi inaasahan ni Mary, ang araw kung saan nagising na ang taong inaasam niyang makita ngunit ito naman ang araw na nakalimutan siya nito, nagpasya pa rin ang dalagang bumalik sa hospital para kamustahin ito. Masakit man sa kanya ang malamang nakalimutan na siya  pilit niya na lang itong inuunawa.

Hindi naman niya masisisi si Mikay kung nakalimutan siya. Una, nabaril ito at maaring natrauma dahil sa tinamo niyang sugat at naapektuhan ang utak kaya pansamantalang nabura siya sa memorya nito. Pilit niyang binabalikan yung pangyayari sa araw na yun.

Flashback

"I'm sorry po hindi kita kilala.." ang paulit ulit na nagplayback sa utak niya. Nagmamadali si Mary na pumunta sa kung saan mailabas lamang niya ang sama ng loob na nararamdaman. Ni hindi na niya ininda kung nabangga siya. Gusto niya lang ang makalayo a mailabas ang sakit na nararamdaman niya.

Sa kakatakbo niya, nakarating ito sa chapel ng nasabing pagamutan. Dahan dahan siyang naglakad papasok saka tinungo ang harapan na bahagi ng chapel kung saan may mga imahe doon na nakadisplay.

Sapo ang mukha at basang basa na ng luha ang mga kamay niya. Yumuyugyog ang mga balikat niya. Napaluhod si Mary at kinakausap ang imahe na para bang kaya din siyang sagutin ng mga ito.

"Bakit naman po nagka ganun? Huhuhu! Kulang pa po ba ang parusang binigay niyo sa akin sa kamay ni Austin? Madami po ang nadamay. Hindi lang kapatid ko at muntikang mawalan ng pamangkin, ilang alagad ng batas ngayon pati yung taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal nadamay din."wika nito at sunod sunod na pumatak ang kanyang mga luha. "Ito po ba ang parusa sa akin dahil sa pagmamahal ko sa kapwa ko babae? Akala ko ba kayo ang mas makakaunawa sa mga katulad namin. Anak niyo naman po kami ah."dagdag pa niya.  Nagulat naman si Mary ng may umabot ng tissue sa kanya. Paglingon niya, babae na halos ka age niya lang din.

"Mukhang kailangan mo nito kaya inabutan kita.."turan ng nasabing babae. Napatingin si Mary sa nasabing babae at nahihiyang inabot ang nasabing tissue.

"Salamat."sambit nito ng makuha na niya ang tissue at pinunasan ang mga luhang nagsipatakan.

"Sige lang, iiyak mo lang yan para gumaan yung pakiramdam mo."wika nito habang ang mga mata niya ay nasa unahan. "Ganyan din ako dati kapag sobrang bigat na ng dibdib ko at hindi ko na talaga kaya, ayun iyak na lang."and she sighed. "Ano pa bang magagawa natin maliban sa umiyak, magmukmok, tanggapin ang katotohanan at ituloy ang buhay."

Matamang pinagmamasdan ni Mary ang katabi. Nagtataka naman ito dahil nagawa nitong mag open up sa kanya. Akmang lilingon sa kanya ang nasabing babae kaya mabilis siyang nagbawi ng tingin at napayuko. Pinunasan niya na lang ang mga mata niyang kanina pa basang basa ng mga luha. Pati sipon niya nakikidalamhati na din sa kanya.

"Problema sa puso no?"muling tanong ng babae sa kanya.

"Uhm yeah.."

"I see. As usual. Problemang madalas pagdaanan ng karamihan lalo na tayong mga kababaihan."wika nito. "Minsan nga eh, kapag paulit ulit kang sinasaktan, nagiging bato ka na. Yun bang, you don't care anymore if they will hurt you because you get used to it."nang mapasulyap sa kanya si Mary, saktong lumingon din ang babae. Nakita niya itong napangiti sa kanya."Sus, sa ganda mong yan, nagawa ka pa niyang saktan?"para bang hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig at nasaksihan. Pilit namang napangiti si Mary.

"Actually, hindi niya naman ako niloko eh. Aherm, nagkaron lang siya ng memory loss at isa ako sa mga hindi niya maalala."malungkot na wika ni Mary saka tumingin sa harapan na kay lungkot ng mga mata niya. "Nabaril siya at naapektuhan ang kanyang utak. Ayun, nakalimot."

The woman's mouth was slightly opened because of what she heard from Mary. She stared at her and felt pity at the same time.

"Oh god I'm so sorry to hear that."sambit ng babae.

Exactly Where They'd Fall (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon