2 days laterSi Mary nakalabas na. Pero meron pa siyang mga session sa psychiatrist. Dumalaw ito sa kapatid niyang si Justine bago pupunta sa hospital kung saan dinala si Mikay at base sa natanggap nilang balita, nasa ICU pa rin ang dalaga at hindi pa rin ito nagigising.
Ilang beses din siya nakipag kita sa psychiatrist para assist siya ng ano na ang mga nakikita sa kanya na pagbabago. So far, nakitaan siya ng improvement. Although may mga slight traumatic reactions pa siya lalo na kung makakita siya ng lalaki na hindi niya kilala. Accoding to the doctor malalagpasan din daw niya yun.
Dead on arrival naman si Austin dahil sa tinamo niyang sugat mula sa pakikipag barilan niya sa mga kapulisan. Kaya wala nang pwede ikaso sa kanya. Wala na ding magawa ang mga magulang nito dahil alam nila ang pinagdadaanan ng kanilang anak lalo na kung hindi ito makainom ng kanyang gamot.
Hindi na nag aksaya pa ng panahon si Mary para tingnan siya. Dahil hindi niya maatim na tingnan ang taong sumira sa pagkatao niya at pangarap. Madami din siyang buhay na ngayon ay nakikipag paligsahan kay kamatayan.
Dumating na din sa bansa ang ina at kapatid ni Justine at ngayon nasa iisang silid sila. Of course, si Xander na ang nag ayos ng lahat bilang ama ng dinadala ni Justine. Sinabi ni Justine nung oras na magising ito.
Nasa ganun silang pag uusap ng dumating si Mary kasama si Nadine. Hindi pa rin nakausap ni Mary ang ama. Until now iniiwasan muna niya ito. Naratnan ni Mary sa silid ni Jas ang kapatid na si Jewel, ang ina nito, at si Xander na full support para sa needs ni Justine at ng kanilang magiging baby.
"Hi ate..." bati ni Justine. Lumapit naman sa kanya si Mary sabay halik sa pisngi niya at humalik sa tummy nito. Yumakap din siya sa kapatid na si Jewel at sa ina nito.
"Sit here ate."turan ni Jewel. Tumabi naman si Jewel kay Nadine. Sine panay english ni Jewel nanahimik si Nadine baka dumugo ang ilong.
Umupo si Mary sa bed side ni Justine at hinimas himas ang maliit niyang umbok. "Hey baby, keep growing. Look oh, ang daming naghihintay sayo. Lumaban ka ha, si mommy mo nga naging fighter eh dahil sayo."wika ni Mary sa magiging pamangkin niya.
"Hehehe for sure nakikinig yan sa tita niya."sang ayon naman ni Justine.
"Naku, excited na yata ang apo ko na maka bonding ang mga tita niya."natatawang wika ng ina nina Justine. Ngingiti ngiti lang si Xander.
"Kapag babae kami na magturo ng fashion tapos shopping.."si Nadine.
"When it comes to fashion, leave it to me."natatawang biro ni Jewel.
Kaya naman nagtawanan ang lahat sa kanilang mga pinagsasabi.
"Jas, pupuntahan ko muna si Mikay ha. Until now sabi ni JR hindi daw siya nagigising?"turan ni Mary.
"Ate, don't worry about me okay. Look may mga bantay na ako. Ate Mikay needs you right now."sagot naman ni Justine. "And para meron namang kapalitan si JR. Sabi ni Nads, gutom daw siya kasi wala siyang pera."
"Ganun ba. Sige bibili na lang ako ng pagkain para may makain siya doon. Hirap din na wala siyang kapalitan. Hindi niya din maiwan ang ate niya for sure."
"Huwag kang mag alala Mary, andito na kami para bantayan si Justine. If may mga bibilhin sa labas, andiyan naman si Xander since siya ang may alam dito. Kanina nga siya na ang bumili ng mga pagkain namin sinamahan lang siya ng dalawa."turan ng ina ni Justine.
"Salamat Tita."
"Kami nang bahala dito Mary, si Mikay wala talaga siyang tulong kasi sila lang ng kapatid niya doon." turan naman ni Xander.
BINABASA MO ANG
Exactly Where They'd Fall (COMPLETED )
Short StoryThey say, keep your friends close and your enemies closer. Bakit nga kaya? May magbabago ba sa awayan ng dalawa Mikay at Mary malayo o malapit man sila sa isat isa? ............... "Para siyang pimples!" gigil na wika ni Mikay sa kausap niyang numb...