Masama ang loob ni Mikay nang lisanin niya ang kanilang tahanan. Isang malungkot na tingin ang pinukol niya sa tahanan ng mga Palpalin nung mga oras na paalis na siya. Parang dinudurog ang puso niya sa mga nangyayari sa kanila. Yung inakala niyang tuluyan na silang maging masaya ay mauudlot lang pala.
"Ang sama sama naman ng naging kapalit ng aming sandaling kasiyahan. Hiram lang ba yung sandaling nakasama ko siya at naging masaya? Ngayon babawiin mo kasi nararapat siya sa iba? Ganun ba yun?" ilan sa mga katanungan ni Mikay. Bitbit ang bag niya saka tuloy tuloy na siyang naglakad papunta sa sakayan ng tricycle.
Pagdating sa sakayan ng tricycle, kinausap niya ang nasabing driver at nagpahatid sa sakayan ng jeep na medyo may kalayuan mula sa gate ng nasabing subdivision. Pwedeng lakarin pero baka naman aabutin siya ng siyam siyam.
Magulo ang isip niya. Malungkot din ang puso dahil sa pagtalikod niya sa taong naging dahilan ng mga saya at ngiti niya.
Lulan ng tricycle ng mag ring ang kanyang phone. It was Justine. Pinagmamasdan niya lamang ito at muling binalik sa loob ng kanyang bag.
"Sorry Justine, hindi ito ang tamang panahon para pag usapan ang tungkol sa buhay buhay nating lahat. Alam ko naman na masaya kayo dahil sa wakas meron nang nagmamahal sa ate niyo. Sino ba naman ako di ba?"
Napapailing na wika sa sarili ni Mikay. Sinandal niya muna sa gilid ang ulo niya at pinipigilan ang umiyak.
Nag text muna ito sa kapatid niyang si JR. Hindi na din siya nakipag kita sa mga dati niyang kaibigan simula nung maging okay sila ni Mary. Baka daw may masabi ang mga ito sa kanila.
"Sana, magiging okay na ako sa pupuntahan ko. Medyo may kalayuan pero keri na yun. Sanay naman ako sa buhay na pang mahirap eh. Ang mahalaga, makalimot man lang ako kahit sandali at sa pagbalik ko sa bahay, kaya ko nang harapin ang buhay na yun nga, mag isa na naman."
"Miss dito na po tayo sa sakayan."
"Okay po kuya, ito po ang bayad ko."
"Salamat ma'am."
"Walang anuman po."
Hinanap muna ni Mikay ang sasakyang papunta ng Valenzuela. Nakahilira ang mga jeep at isa isa niya itong pinagtitignan.
"Nova Bayan...Zapote...Makati...Divisoria...Parang Marikina...MOA...Valenzuela. Ayun."sambit sa sarili niya. "Mamaya pa naman siguro ito aalis kasi wala pang laman. Bili muna ako ng makakain."usal sa isipan.
Kaya naman naghanap ito ng tindahan nang sa ganun makabili ng pwede niyang papakin habang nasa byahe. Pagkabigay sa kanya ng mga nabili niya, naglakad na ito pabalik sa sakayan nang bigla siyang may nakabanggaan.
"Uy manong sorry po."hinging paumanhin niya at tiningnan ang lalaking nakabangga. Nakita niya na parang nagulat din ang lalaki ng makita siya.
"Parang nakita na kita."saad ng lalaki.
"Ho? Saan naman ho?"
"Hindi ko maalala pero yang mukhang...hmmm...teka lang..."natahimik siya ng ilang saglit. Naghihintay naman si Mikay sa sasabihin niya.
"Eh manong baka hindi ako yun."
"Hmm, hindi ako maaring magkamali. Nasa dila ko na yung pangalan mo pero hindi ko masabi sabi."
"Baka nga po kasi hindi ako yun. Tsaka, hindi lang po kayo ang nagsabi niyan sa akin, madami na po kayo."
"Di ba, may kasama kang isa pang babae? Di ba tomboy kayo?"diretsahang tanong ni Manong sa namumulang si Mikay. Napatingin si Mikay sa paligid dahil narinig ng ilan sa mga naroon ang sinabi ni Manong.
BINABASA MO ANG
Exactly Where They'd Fall (COMPLETED )
Historia CortaThey say, keep your friends close and your enemies closer. Bakit nga kaya? May magbabago ba sa awayan ng dalawa Mikay at Mary malayo o malapit man sila sa isat isa? ............... "Para siyang pimples!" gigil na wika ni Mikay sa kausap niyang numb...