Two

1.2K 41 1
                                    

Sa tahanan ng mga Palpalin todo todo din ang bilin ni Mary sa kanyang kapatid na si Nadine. Iisa din ang madalas niyang bilin dito, ang iwasan niya ang kapatid ni Mikay na si JR dahil kilala itong pilyo at palikero. Baka daw matulad ang kapatid niya sa ina ni Mikay na iniwan ng kanilang ama at hindi na nagpakita pa.

"Kapag makita pa kitang palagi ka sa plaza makukurot ko na iyang singit mo Nadine! So please listen to your ate. I send you to that prestigious school for you to learn. Huwag mo namang sayangin ang ginagastos ko sayo para lamang mapunta ka sa pamliyang iyon!."

"Ate naman, eh wala naman silang ginagawang masama ah. Tsaka friends naman kami ni JR.."

"Friends!? Nakuu Nadine, sa simula lang yang kunwari friends friends! Kapag nakuha na ang gusto lalayuan ka ng mga lintik na yan! Kaya sa akin ka makinig for goodness sake!" sermon sa kapatid habang nagliligpit ng kanilang pinagkainan.

Tatlo silang namumuhay. Kasama nila ang kanilang Lola Letty. Actually, si Aling Letty ang naging yaya ng kanilang ina. Anak ng isang mayamang pamilya ang ina nina Mary pero dahil sa sumama ito sa ama ni Mary itinakwil ito ng kaniyang magulang na grandparents ni Mary. Si Aling Letty na ang gumagabay sa kanila at ito din ang may alam sa mga baking pastries at tinuruan ang mga ito na itinuring na din niyang apo. Kaya naman sa kanilang lugar sila ang sikat na may pinakamasarap na pandesal at monay.

"Wala naman sigurong masama na maging kaibigan ko si JR kasi mabait naman siya sa akin. Kayo lang naman ni Ate Mikay ang may awayan sa isat isa. Ni Hindi nga namin alam kung ano ang pinag awayan niyong dalawa no." Sagot nito sa Ate niya.

"Huwag na Huwag mong ma Ate Ate ang Mikay na yun! Hindi mo siya kapatid at hindi ako papayag na maging kaibigan mo ang kapatid niya! Malilintinkan ka sa akin Nadine! Naku pagdating talaga sa lalaki na yun kinikilig iyang pilikmata mo. Ang panget naman ng JR na yun. Mas gwapo pa sa kanya si Chris.."

"Chris? Chris Pepico yung kargador sa palengke? Ate naman hahaha baka naman eh may mali sa paningin niyo. Mas gwapo kaya si JR sa-"

"Panget! Pati Ate niya panget din!" pasigaw na sagot ni Mary. Napapakamot na lamang si Nadine sa inakto ng kapatid.

"Sa dami ng lalaki si Chris Pepico pa ang natipuhan ng Ate ko, Hindi kaya ginayuma siya nito?.."tanong sa sarili.

"Oh nasa labas pa lang ako ng bahay naririnig ko na boses ng Ate mo ah. Si Mikay na naman ba?"

"Naku Lola, tumpak. Ewan ko nga ba diyan kay Ate kung Bakit mainit ang dugo niya dun sa magkapatid."Sagot ni Nadine saka nagmano dito.

"Hmm, noon pa yan. Kahit noong magkaklase pa sila. Nagpaligsahan kasi sila sa klase para makuha ang mataas na karangalan. Eh napunta kay Mikay kaya hindi yun matanggap ng Ate mo. Pati sa teacher eh mas peyborit si mikay at hindi ang Ate mo. May natepuhang lalaki ang ate mo eh si Mikay ang gusto kaya ayun nag alburuto. Hay naku ewan ko nga ba. At Ayan pati negosyo nila medyo may hawig din. Mamaya niyan pati sa lalaki iisa ang gusto.."litanya ng tita niya. " Natigil nga lang yun noon kasi umalis na tayo sa Olongapo at lumipat dito. Yun nga lang dito din pala lumipat sila Mikay kaya ayan nagsimula na naman sila magpagalingan."

"At kami ni JR nadadamay sa awayan nilang dalawa. Anong kinalaman namin sa mga pinag awayan nila noon ? Ito talaga si Ate minsan masyado din eh. Ayaw talaga tanggapin ang katotohanan na may mas magaling pa sa kanya, na mas may maganda pa sa kanya at mas may matangkad pa sa kanya ganun yun."

"Hindi yan magpapatalo ang Ate mo. Wala sa kalendaryo niya ang ganun. Sana nga magkaayos na sila At kalimutan na lamang Yung mga hidwaan nila sa isat isa. Teka Nadine bukas samahan mo nga ako dun kay Tita Sara mo at magpapagupit ako." Turan ng Lola niya. Tita Sara is Mary's Gay friend. Magaling na hairstylists sa Marikina.

Exactly Where They'd Fall (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon