Eight

430 21 3
                                    




Simula nang mag ingkwentro ang dalawa, nag iiwasan na ang mga ito. Hindi na din sila pwedeng pumunta ng palengke. Pinaban sila ng may ari. Nahirapan man silang tanggapin dahil parehong hindi makikita si Chris, tinanggap na Lang nila ang kapalaran. Tanging si JR lamang ang inuutusan ni Mikay. Si Mary naman, nagpapautos sa mga tao niya sa bakery.

Tuloy ang buhay. Natapos na ang bahay ni Mary at nabalitaan niyang darating ang kapatid niyang briton galing London Bridge. Nakalipat na din sila para makaiwas sa kanyang kapitbahay na si Mikay.  Sila na lang ang nag tulong tulong sa paglilipat ng mga gamit at pag aayos nito sa bagong bahay.

Ilang araw na sila dito sa bagong bahay. Meron na din silang bakery kaya tuloy ang business ni Mary. Para kay Mary dito na siya magsisimula ng tahimik na pamumuhay kasama ng kapatid. Bawal na din magkita ang mga ito. Kaya bantay sarado si Nadine maging si JR din.

Tagaktak ang pawis ng dalawa sa paglilinis at pag aayos ng mga kagamitan. Ilang linggo lang kasi darating na ang kapatid ni Mary. Kaya linis dito linis doon. Nasa kanyang kwarto na ang dalaga at naglalagay ng mga bagong kurtina ng may mahagip ang mga mata niya.

"Oh new neighbor? Nice, I hope na friendly sila. At kayang makipag sabayan sa mga kagaya namin."sambit sa isipan. Hinintay niyang makita na lamabas ng sasakyan ang may ari ng bagong bahay.

Nanlaki ang mga mata ng makita niya ang taong lumabas ng sasakyan. Napasapo na naman sa kanyang ulo si Mary.

"Sinusundan ba talaga ako ng kamalasan?"tanong sa isipan ng makita niyang nagbababa ng mga gamit si Mikay mula sa jeep na inukupa. Nagtatago siya sa bintana at sinisilip ang mortal niyang kaaway. "What the hell!? Sila pala ang nag mamay ari niyan? Sa dami naman ng magagandang lugar dito pa talaga ang napili ng taga Estasyon tiktilaok na patayuan ng bahay para sa mga winners..Hmm, angat pa rin ako sa kanya. Itong bahay ko, galing sa perang pinaghirapan ko. Yung kanya, duh galing sa premyo. At mas maganda naman ang design ng bahay ko no."nakairap niyang usal sa sarili.

"Te?"

"Ay palaka! Ano ba Nadine?!" asik niya sa kapatid. Napangiwi naman ang Nadine dahil sa reactions ng ate niya.

"Eh kasi nakita nitang may sinisilip sa labas kaya tinawag kita."

"Ah wala, may bagong lipat. Tiningnan ko lang."

"Talaga? Sino?!"excited niyang tanong. Hinarang ito ni Mary ng akmang lalapit sa bintana.

"Naku, wag mo nang alamin. Sige na, ayusin mo na yung kwarto at make sure bagong sapin ang ilagay mo ha. Alam mo naman yung ate Justine mo, nangangati kapag maalikabokan ang balat.."

"Opo, ito na nga po inaayos na eh."sagot naman ni Nadine na nasa kabilang kwarto lamang. Ni hindi na nagsayang ng oras para tingnan ang kanilang bagong kapitbahay. Hindi na kasi sila nagkikita ni JR dahil sa mga ate nila.

Maayos na nakalipat sa bagong bahay nila si Mikay. Tuwang tuwa naman ito dahil malayo na siya sa kanyang mortal na kaaway. Dahil kalilipat pa lamang, makalat pa ang kanilang bahay. Unti unti nila itong inayos hanggang sa matapos nila after one week of sorting out all of their belongings.

Mikay went back to business. Sa tulong ng kapatid, naging maayos ang lahat sa kanila. Habang nasa kusina, pasilip silip siya sa bintana para tingnan ang mga naglalakihang bahay sa bagong subdivision.

"Grabe, ang lalaki ng mga bahay dito JR.."

"OO nga Te tska meron daw swimming pool dito na malapit tsaka basketball court."

"Talaga? Nakuuu, makaligo nga doon.."

"Sige Te, ligo tayo doon bukas. Ang init kasi eh.."

Minadali na nilang tapusin ang mga gawain. At wala na silang narinig pa tungkol kay Mary.

Exactly Where They'd Fall (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon