"Melody.""Hmn?"
" Tara kina Claud. Birthday ng mommy nya."
"Sunod na lang ako Ainnika. Tatapusin ko lang tong report ko."
"Okay. Pero punta ka ha. Aantayin ka namin don."
"Sige. Ingat ka."
"Salamat. Ikaw din. Sumunod ka ha."
"Oo na po."
Kinailangan ko pang itulak sya palabas ng kwarto ko dahil mukhang wala pang balak tumigil kakabilin sakin. Nang makaalis na sya at natahimik na ang mundo ko ei binuksan ko ang bintana ng kwarto ko.
Saktong sakto namang nakita ko sa labas ang kapatid ko at nakikipagtawanan sa boyfriend nyang si Neon.
Hays... Ang gwapo talaga ni Neon. Yun nga lang malabong mapansin nya ko since kapatid ko ang gusto nya
Magkaklase kami sa ilang subject pero ni minsan di pa kami nagkaroon ng pagkakataong mag usap. Ni hindi nga kami nagpapansinan ei.
Hindi ko rin alam kung kilala ba nya talaga ako.
Biglang nanlaki ang mata ko nung makita kong maghalikan sila ng kapatid ko. Nakatalikod sakin si Madeline at si Neon ang syang nakaharap kaya nakita ko pa nung balingan nya ako ng tingin habang hinahalikan ang kapatid ko.
Saglit na tumigil ang mundo ko habang nakatingin ako sa mata nya pero feeling ko nainsulto ako ng sobra nung makita ko syang ngumisi at kumindat pa.
Argh. Player.
Mabilis na isinara ko ang bintana pati kwarto ko habang nanghihinang napaupo sa kama ko.
Damn. Mali. Di nga pala dapat akong magkagusto sa kanya. Dahil bukod sa pag aari na sya ng kapatid ko, ayoko sa prinsipyo nya pagdating sa mga babae.
At simula ng araw ding iyon, iniwasan ko na sya at sinigurado kong hinding hindi na magku krus pa ang landas naming pareho.
BINABASA MO ANG
Im Inlove with the Player
FanfictionPink Melody Sebastian is known for having a good heart. She is the crowd's favorite since she is soft and gentle with everything. But meeting the jerk and a playboy John Neon Santibañez who happens to be her neighbor makes her peaceful world upside...