CHAPTER 12: BETTINA

6 1 0
                                    

"Where is that Bettina?" I asked angrily.

"Bet--who?" Kung kanina ei naguguluhan lang sya ngayon ei kunot na kunot na ang nuo nya.

" Bettina. Yung kasama mo."

"Hindi ko nga kilala yon."

"Bat sabi nina-----oh shit!" Parang gusto kong bumukas ang lupa at lamunin na lang ako. Gagong Shawn yon. Napakapahamak talaga.

Maang na tumingin ako kay Neon sa napakagat labi.

"Ahm, Neon... Ano fake news lang. Pasensya na. Mauna na ko ha. Sorry ulit." Nagmamadaling nilagpasan ko sya pero di nya ko pinayagan.

"Not so fast Melody. Anong Bettina ang pinagsasabi mo jan?" Tanong nya habang pigil-pigil ang braso ko.

"Ahm. A-nong Bettina? Ako ba yon? Hindi kaya ako. Sige mauna na talaga ako. Kelangan ko pang magpasa ng nobela. Kelangan kasi rush at saka para akong binubulutong makati paa ko------" di ko na alam pinagsasabi ko and mukhang di rin naman nya pinapaniwalaan yun.

Gosh mukha akong tanga nakakainis.

Lagot ka talaga saking Shawn ka.!!!

Gaga ko kasi ei. Bakit ba naman sumugod sugod ako dito basta....

"Melody."

Di ko sya nilingon. Nakatayo lang ako at nanatiling nakatalikod dahil alam kong hanggang ngayon ei pulang pula pa din ako.

Shocks. Kahihiyan nga naman. Bakit sakin pa. Kakaasar naman oh.

"Melody!"

"Sinisigawan mo ba ko?" Baliw na kung baliw pero naiinis naman ako ngayon.

"Hindi. Ikaw kasi ayaw mo lumingon ei." He said with hint of exasperation.

"Ayoko."

"Ano ba kasi yung sinasabi mo? Sinong Bettina? Fuck, di ko nga kilala yon. Wala akong kilalang Bettina."

"Sure ka? Bat sabi nina Shawn?"

"Shawn? Anong sabi nila? I told them na magpapalit lang ako ng damit panglaro...then you came. Parang sasabak sa gera."

Argh... Talaga naman. Kakainis.

"Mauuna na ko.May gagawin pa ko ei." Paalis na sana ako pero mahigpit na hinawakan nya ang braso ko upang pigilan ako.

"Ano ngayon sayo kung may Bettina nga na nandito? Anong gagawin mo?" he asked na nagpatigil sa pagpupumiglas ko.

"N-Neon ano ba? W-wala lang sakin yon. Bitawan mo na nga ako."

"Wala lang sayo pero kanina galit na galit ka na." There's a hint of amusement on his eyes na im sure nakapagpapula talaga ng pisngi ko.

He seems like enjoying the situation now.

"Mali lang yon. W-wag mo na pansinin. Saka bitaw nga-------"

Oo bumitaw sya. Pero para lang itulak ako sa pinakamalapit na pader sa pwesto namin.

Di naman masakit pero nakakagulat.

"Neon ano bang------OMG!!! Wag kang lalapit sakin....ISA!!!"

"Bat takot kang lumapit ako? Dahil ba natatakot ka sa reaksyon mo habang nasa malapit ako?" He asked.

"O-oyyy, assuming ka ha... U-umalis ka nga!!!...Neon!!" Tili ko.

Pero parang wala syang narinig. Nanatili lang syang nakatitig sakin. Nagsimula naman akong kabahan. Para kasing may ibang gustong iparating ng mga tingin nya.

Pinilit kong basahin ang mga emosyon sa mata nya pero wala. Dammit... I am the writer here. Dapat alam ko ei. Dapat madali ko lang maintindihan pero hindi ei... Napakahirap nyang basahin. Ewan ko ba. Sa kanya lang naman.

Then i remembered the last time na nagconfess sya sakin. Parang gusto kong itanong sa kanya kung totoo bang mahal nya ko.

Kaso pinangunahan na naman ako ng takot ko. Baka laro lang sa kanya to. Baka masaktan lang din ako. Baka iwan din nya ko.

"Di ka pa rin ba naniniwala na mahal kita Melody?"he asked sadly.

Nag iwas lang ako ng tingin at saka ko sya narinig na bumuntong hininga.

" Fine. Time? Space? Yun ba kelangan mo? Okay... Bibigay ko sayo. Im sorry Melody. Kung nagugulo na kita... Sige na. Magpapasa ka pa ng novel diba?" Pinilit nyang ngumiti kahit sobrang lungkot na ng mga mata nya.

Bat nasasaktan ako?

"Neon?"

Sabay pa kaming napalingon sa pinanggalingan ng malambing na boses na yon.

Erika.

"Ahm.. Nakakaistorbo ba ko?" Alanganin pang tanong nya.

"Nope. Paalis na din si Melody." Neon answered coldly.

Nakayukong naglakad ako palayo. Ang sakit pala talaga. Mahal nya ko pero parang di ko magawang maniwala. Kasi kung oo bat nandito ngayon si Erika?

Bat parang bigla na lang syang naging malamig sa pakikitungo sakin.

At bakit ba ko nag iinarte ng ganito? Ei ako naman may gusto nito. This is my choice. Dapat lang na panindigan ko to...

Im Inlove with the PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon