CHAPTER 10: SICK

5 1 0
                                    

"Buti naisipan mo ding umuwi." Nakasimangot na sabi ni Ikay ng maabutan nya kong nakatunganga sa court ng subdivision.

Kakauwi ko lang kagabi at ang sakit ng ulo ko. Para akong tatrangkasuhin na ewan.

"At ang init init pero nakajacket ka. Anong pauso mo? Para ba yan sa bago mong nobela?" dagdag pang tanong nya.

Tiningnan ko lang sya at ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa mga naglalaro ng basketball na mga bata.

"Tingnan mo tong babaeng to. Ang lakas mang snob. Ganda ka te? Di ka namamansin jan."sabi nya with matching irap pa.

Napangiti na lang ako at umiling pero wrong move pa ata dahil mas lalong sumigid ang kirot sa ulo ko.

" Anong nangyari----"hindi natapos ni Ikay ang sasabihin nya dahil may nakaagaw ng atensyon nya maging sakin.

Grupo ng mga kalalakihan mula sa subdivision namin. Kasama si Neon. Naka Jersey sila at mukang maglalaro din ng basketball.

"Loveeeeee!!!" si Ryker ata yun.

Sya lang naman ang may lakas ng loob na isigaw yon.

Hanggang sa lahat sila ei magsilapitan samin ni Ikay. Hindi ko nga lang magawang maifocus sa kanila ang tingin ko kasi nahihilo na nga ako.

"Melody." I know that voice. It's Neon's voice.

"Hmnn?"

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero bago ko pa magawang tumingin ei nakaakbay na sakin yung sino mang katabi ko.

Para akong nakaramdam ng ginhawa kaya minabuti ko na lang na sumandal sa kung sino man yon.

"Holy shit! Mainit ka Melody." Neon shouted.

"Hmnn." Nabibinging ungol ko. Ayoko na magmulat ng mata.

Ramdam kong nagkakagulo na sila pero hinayaan ko na. Mas masarap dito sa pwesto ko kaya mas lalo pa kong sumiksik sa katabi ko.

"Ang sweet." I heard Ikay said.

Yun lang ang narinig ko bago ba ko tuluyang mawalan ng malay.

Neon's POV

Damn! Napahigpit ang pagkakayakap ko kay Melody ng tuluyan na syang makatulog.

Mabilis na binuhat ko sya at dinala sa clinic ng subdivision. Nakasunod naman sakin ang mga kapitbahay naming likas na ata ang pagkatsismoso't tsismosa.

"Anong nangyari kay Melody?" Kunot noong tanong ni Zayne ang resident doctor namin.

"Diba doctor ka? Bat tatanungin mo pa kami ng ganyan?" Azrael asked.

"Excuse me lalaking tubol, model ako." sarcastic na sagot naman ni Zayne.

"Dammit guys!!! Mamaya na kayo magLQ!! Si Melody muna intindihin nyo!" asik ko na agad naman nilang sinunod.

Ganito pala pag nag aalala ka. Parang sasabog ang dibdib mo sa kaba at takot na baka may mangyaring masama sa kanya.

Habang tinitingnan ko ngayon si Zayne parang gusto ko syang sigawan na bilisan nya dahil----

"Dont you dare shout at me Santibañez. Baka ikaw ang sumunod na mahiga dito. Hindi ko pwedeng madaliin to dahil hindi ko sya matitingnan ng maayos kung mamadaliin ko to." mataray na asik ni Zayne pero hindi sya nag angat ng tingin sakin. Tuloy lang sya sa pagchi check kay Melody.

"Madali lang namang tingnan si Melody. At hindi mo talaga maaayos yan kung titingnan mo lang." narinig kong bulong ni Azrael.

Tiningnan ko sya ng masama at ganon din si Zayne kaya natahimik sya.

"She's sick,Neon." Zayne said.

Mabilis na napalapit ako sa kanila at mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Melody.

"Oh God, Melody, please... Gumising ka. Hindi ko pa nasasabing mahal kita. Oh, nasabi ko na pala. Hindi ka lang naniwala pero please. Bigyan mo ko ng pagkakataon. Wag mo muna kong iwan. Mahal na mahal kita. Torpe ako at gago pero please Melody, Hindi ko kakayanin pag nawala ka. Please." Pagmamakaawa ko.

"Ahh, Neon? Anong ginagawa mo?" nakatangang tanong ni Zayne sakin. Pati sina Ainnika, Trevor,Ryker, Aldanielle at ang mga kaibigan kong sina Travis, Azrael, Melo at Zian ei nakatanga lang din.

"You said she's sick----"

"Oh my gaddddd besty!!!!" biglang palahaw ni Ainnika at lalapit sana pero hinapit sya agad ni Travis sa bewang.

"Argh, ang oa nyong dalawa. Why don't you let Zayne explain her findings first?" naiiritang tanong ni Aldanielle samin ni Ainnika.

"Thank you Al." Zayne said.

"W." Al answered.

Nawala ang hinahon ni Zayne nung tumingin sya sakin. "Siraulo ka no? Sabi ko may sakit sya. May sakit lang dude. Hindi pa mamamatay. Nilalagnat lang sya na malamang stress ang dahilan at anong ginawa mo nag inarte ka na ng ganyan. Nakakawala ka ng poise." talak nya na ikinangiwi naming lahat. Seriously, wala bang matino dito sa subdivision namin?

Ako at si Melody lang ata ei.
Bagay talaga kami.

Biglang naghagalpakan ang mga kasama namin dito sa clinic.

"Tangina ka tol, ang drama mo don."-Zian

" Pang FAMAS! "-Azrael.

"Shocks, luha na lang kulang ei."-Melo.

" Tsk."-Travis.

"Oa."-Ryker

" Hayst, last mo na yan ha."-Trevor.

"Torpe kasi."-Aldanielle.

" Ahm, Oa mo nga don Neon."-Ainnika. Nagmalinis sya din naman kung makapag react kanina.

"Ang iingay nyo. Ang sakit nyo sa ulo."

Sabay sabay na nilingon namin si Melody na nakaupo na at nahawak sa ulo nya. Nakapikit parin which is good atleast di nya nakita ang pamumula ng muka ko.

"Bat ka pa bumangon?magpahinga ka muna." kahit hiyang hiya ei nangibabaw pa din ang pag aalala ko.

Kunot noong tiningnan nya lang ako and what she did next shocks the hell out of me. Sumubsob lang naman sya sa leeg ko at ramdam ko ang labi nya at ilong sa leeg ko.

Heaven. Sana ganito na lang sya lagi kalapit at kadaling abutin.

"Yun oh, tara na nga. Hayaan na muna natin ang mga to dito."

"Oo nga. Pero paalala lang, clinic to ha hindi motel. Pero kung rerentahan nyo ei negotiable naman. Basta wala akong lug-------"

"Tara na Zayne. Ang bastos ng bibig mo. Kababae mong tao."

"Aray ko Azrael!!!"

Wala na kong narinig pa mula sa kanila. Siguro nakalayo na yung mga yon. Naiwan naman kami ni Melody dito.

"Nagugutom ka ba? Gusto mong bilhan kita ng makakain-----" napahinto ako sa sasabihin ko nung marinig ko ang hikbi nya.

"Neon? Ang sakit ng ulo ko."

"Hush. Nandito lang ako... Mawawala din yan okay? Matulog ka lang." I said at dahan dahang minasahe ang ulo nya.

"Dont leave." parang batang pakiusap nya.

Wala sa sariling napangiti na man ako."Yeah. I wont. Not in this lifetime." sagot ko na Hindi ko alam kung narinig ba nya. Tuluyan na kasi syang nakatulog.

A/N:
Hi! This is actually my longest chapter since it contains 1060 words po. Tnx sa support. Godbless.

Im Inlove with the PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon