CHAPTER 13: PASIMPLE

7 2 0
                                    

5 days.

Limang araw na mula nung huli ko syang makita. This time, sya na din ang naiwas. Pareho kaming nag iiwasan.

Hindi ko alam pero nasasaktan din ako. Nahihirapan din kaya nga para pansamantalang makalimot, tumakas na naman ako.

At ngayong araw na ang pagbabalik ko. Nakakainis. Ayoko pa ei. Pero kelangan ako ni Annika. Kelangan ako ng bestfriend ko ngayon ei.

Anyways, habang papasok sa village namin ang sasakyan ko ei nakaramdam ako ng panlalamig. Yung totoo, ano kayang magiging reaksyon ko pag nakita ko ulit sya?

Nawala pansamantala ang iniisip ko ng marinig kong tumunog ang phone ko. Paliko pa lang ako sa street namin ng sagutin ko ang tawag.

"Hello."

"Nasan ka Melody?" Seryosong tanong Al sakin.

"Pauwi na. Bakit?"

"Diretso ka dito sa clubhouse. Nag-iinaso na naman tropa mo." Yun lang ang sinabi nya at pinatayan ako ng phone. Gaga talaga to kahit kelan.

Imbis na huminto ako sa bahay ko ei idiniretso ko na lang sa clubhouse ang sasakyan ko and malayo pa lang ako, kita ko na sina Trevor, Ainnika, Ryker at Aldannielle na nagkakagulo ata.

Sa kabilang side naman ei nandon ang taong kanina pa gumugulo sa isip ko kasama ang mga kaibigan nya.

Once again ei nagdalawang isip na naman akong magpakita kung di ko lang talaga napansin si Ainnika na kasalukuyan ng nagsasayaw sa gitna.

Lasing ba to?

Dali dali akong bumaba at kumaripas ng takbo papunta sa pwesto nila.

"BES!!!"

"MELODY!!!!"

"BABYGIRL!!!"

Yung totoo? Miss nila ako no? Halatang halata.

At bago pa man ako makapaghanda ei tinalon na ko ni Ainnika. Buti na lang mas mabilis na nakalapit sakin sina Trevor at Ryker, nasalo na nila ako bago pa man kami matumba.

"Gagi ka bes. Muntik na tayo don----lasing ka?" Nakangiwing tanong ko kay Ikay.

Humagikgik lang sya and right then, alam ko na. Lasing nga si gaga.

I helplessly looked at Ryker para senyasan syang kunin na si Ainnika.

"Let's go. Ipaliwanag nyo sakin ang nangyayari." I said at naglakad na papunta sa sasakyan ko.

Kasunod ko naman sila Ikay at pasimple pa kong sumulyap sa gawi nina Neon at muntik na kong mapasinghap nung makita kong halos magkayakap na sina Erika at Neon.

Damn. Once again, andito na naman yung pamilyar na sakit.

"Wag mo nang tingnan kung nasasaktan ka na." Ryker whispered.

Malungkot na ngumiti lang ako kasabay ng pag-akbay nya sakin ay sya namang paghilig ko sa balikat nya.

"Oy baka gusto nyo maghiwalay. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa kayong todas."  Al said saka sumingit sa pagitan namin.

"Huh?" Sabay na tanong namin ni Ryker.

Tiningnan lang kami ni Al at di na nagsalita.

"Weird." Naiiling na sabi ko.

Pagdating pa lang namin ei nakita ko na ang pag iyak ni Ainnika sa loob ng sasakyan ko.

Damn. May problema nga sya...

"San tayo?" I asked nung makasakay ako sa driver's seat.

"S-sa pinuntahan mo. Yung malayo dito. Malayo sa sakit na nararamdaman ko ngayon bes." She sobbed.

Parang gusto ko na ding maiyak habang nakatingin ako sa kanya na inaalo nina Al at Trevor.

Damn pain. Bakit naimbento ka pa?

Tiim bagang na binuhay ko ang makina ng sasakyan ko pero bago ko pa man mapaabante iyon ay humarang na di Travis sa unahan.

Anong problema nito?

Kunot noong umibis ako ganon din si Trevor... Halatang halata ang inis nya para sa kuya nya.

"Anong problema mo?" Walang kangiti ngiting tanong ko.

"Let me talk to Ainnika." He said.

"No." Trevor answered firmly.

"Dammit Trevor!!!"

"Damn you too Kuya. I already gave you the chance. I didnt pursue her kahit gustong gusto ko sya. At alam mo yun. Pero anong ginawa mo?"

Fuck, is this some kind of revelation?

" Hindi ko kelangang magpaliwanag sayo. Hindi ikaw si Ainnika." Sagot pa ni Travis.

" Ayaw ka na nyang makita."

Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa maamoy ko ang pamilyar na bango na mula sa likuran ko. Nanayo din bigla ang balahibo ko.

Pasimple akong lumingon sa gilid ko para lang mapasinghap ng makita ko si Neon na sobrang lapit sakin.

Dahan dahan akong naglakad palayo sa kanya pero di rin naman ako nakalayo ng sobra dahil sa mga brasong pumigil sakin.

"A-nong-----"

"San ka nanggaling?" He asked.

"Neon!"

"Buti naman kilala mo pa ko. How nice of you." Sarcastic na sabi nya.

Oh God. How I miss him. Masyadong matagal ang limang araw para sakin na hindi sya makita but I'm not gonna tell him that.

"May gagawin pa ko." Kunwari'y malamig na sabi ko ngunit ang totoo, nanlalambot na ko.

"Hey!"

Bago pa man ako makapagreact ei nabuhat na nya ko palayo sa mga nagkakagulo kong mga kaibigan.

"T-teka naman Neon. San ba tayo pupunta?"

"Stay still." He said firmly.

Dumiretso sya sa sasakyan nyang nakapark di kalayuan sakin. Nice. Ang bango talaga ng kotse nya.

"San tayo pupunta?" I asked.

"Sa lugar na di mo ko maiiwan ulit." He answered.

"Neon."

"Akala ko kaya kitang bigyan ng space Melody. Pero hindi pala. Sawang sawa na ko sa pasimpleng pagtingin tingin sayo at pagpapalipad hangin na alam ko namang napupunta lang sa wala.Ayoko na Melody.Tapusin na natin tong taguan na inumpisahan mo. Fuck!!! Sorry if i have to do this."he said and before I knew it, may itinakip na sya sa ilong ko at saka ako nawalan ng malay.

Im Inlove with the PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon