Hay!Finally makakapagbakasyon na ko.Wala na kong iintindihin.
"Melody!"
"Ayy palaka."
Kunot noong nilingon ko ang tinamaan ng magaling na yon. Then i saw Neon na tumatakbong lumapit sakin.
"Problema mo?" I asked.
"May gagawin ka?"nakangiting tanong nya.
" Meron."
"Ano?"
"Wala lang. Bakit?"
"Ang labo mo talaga kahit kelan. Samahan mo ko sa Cafe." aya nya.
"Bakit?"
"Mag-aalmusal ako."
"Bat di na lang ikaw mag-isa? Kelangan kasama pa ko? Kaya mo namang kumain ng ikaw lang-----"
"Lumalabas na naman ang masamang ugali mo Melody." Napipikong sabi nya.
Napakagat labi naman ako lalo na nung magsimula syang lumakad palayo.
Nagkakamot na naglakad din ako ulit pakabilang direction naman. Di ko alam gagawin ko ei. Baka nagalit talaga sya at kasalanan ko yun.
"San ka pupunta!!?"bigla na lang may humablot ng kamay ko at iniharap ako sa kanya.
" N-neon...galit ka?"
Hindi sya umimik at hinawakan lang ang kamay ko saka ako hinila paalis.
Nakarating kami sa Cupid's Cafe na akala mo palengke sa sobrang ingay.
Parang mga hindi mayayaman ang mga nakatira dito.
"Neon!!!Tol!!"
"Grabe mga tropa mo ha. Ngayon lang ulit kayo nagkita?" natatawang tanong ko.
Makatawag naman kasi ang mga siraulo ei parang mga galing ibang bansa.
"Maldita ka talaga." Iling na lang nya saka ako hinila papunta kina Melo.
"Uy, bagay talaga kayo." Zian said. Sa kanila sya ang pinakamabait at palangiti lang.
"Sige pa. Biruin nyo pa kami." tatawa tawa lang na sabi ni Neon.
Mabilis na inginudngod ko yung phone ko sa bibig nya. Kung ano anong pinagsasabi ng halimaw na to. Baka mamaya umasa ako--este sila pala.
"Akala ko ba nagugutom ka? Mag-order ka na. Nagha hallucinate ka na." sabi ko sa kanya sabay tingin kay Zian ng masama."Manahimik ha."
"Ok po." mabait na sabi nya sabay akto pa na nagsi-zip ng mouth.
Diba sabi ko sa inyo ei. Sya ang pinakamatino.
Walang imik na tumayo si Neon para siguro pumunta sa counter pero napakunot noo ako ng lumihis sya ng lakad at papunta na ngayon sa entrance ng C.C.
Saka ako parang sinaksak when i saw my cousin enters at agad na sumilay ang kakaibang ngiti ni Neon. Shocks, i never saw him smile like that. Ngayon lang.
"That's your cousin right?" Travis asked.
Ewan ko pero hindi ko maialis ang mata ko kina Neon at Erika na magkayakap na ngayon. They look so perfect together and i dont think na magiging ganon din ba kami kaganda tingnan ni Neon kung sakali bang ako ang nasa posisyon ni Erika ngayon.
"Hey." napalingon ako kay Melo at nagtatanong ang matang tiningnan sya.
"We are asking you."
"Ng?"
"Bakit ganyan ka makatingin kina Neon?" Azrael asked.
"W-wala...ahm..kasi.. Iniisip ko lang kung anong pwede kong gawin kay Neon once na saktan nya ang pinsan ko." Pilit ang ngiting sabi ko.
I am a good actress diba? Bakit parang di ko magamit yon?
"Are you sure?"nakakunot noong tanong ni Travis.
" oo naman."
This time nagawa ko nang ngumiti ng hindi nila nahahalatang apektado ako. Sana.
"Couzzz!!" patiling sabi ni Erika nung makita ako.
Tumango lang ako at kumaway.Mukang excited syang lumapit salin kaya muntik na syang matalisod.
Pero agad syang naalalayan ni Neon at halos magdikit ang mga muka nila ng lumingon sya kay Neon.
Napaiwas na lang ako ng tingin. Why do it suddenly hurts like this? Bakit ang sakit-sakit sakin habang tinitingnan ko sila ngayon?
"Are you okay?" narinig kong tanong ni Neon kay Erika.
"Yes. Thank you love." sagot naman ni Erika. Pwedeng umalis na lang ako?
Masakit na ei.
"Couz, how are you? Hindi ka daw nadalaw kina tita." Erika said ng makalapit.
"Yeah. Ive been busy. Ayaw akong pakawalan ng trabaho ko." sagot ko matapos makipagbeso.
"Hectic?"
"Oo ei. Napabisita ka?" Tanong ko. Di ko na nilingon si Neon na alam ko namang katabi lang ni Erika.
"Si Neon kasi ei, naglambing. Gusto daw akong makita at maipakilala sa madla." she gigled. She's really beautiful.
"As if walang nakakakilala sayo.?" Kunwari ei natatawang irap ko.
"Dont you find it sweet couz?"
"Well, im not you so i should be the one asking you that."
"Well he's so sweet--------"
Naputol ang sasabihin nya ng mag ingay ang phone kong nakalapag lang sa table.
Ryker Calling..... with matching picture pa nyang nakabalandra sa screen ng phone ko.
Bakit kaya.
"Hello?" pagsagot ko. Sumenyas lang ako sa kanila na ikinatango nila.
"Melody, gosh! Where are you right now? Susunduin kita----"
"Ry? Calm down. Ano bang nangyayari?"
"May problema sa set. Kelangan kita."
"Pero on leave ako-----"
"Matter of life and death babygirl."
Wala na kong nagawa kundi mapabuntong hininga. No choice.
"Im sorry babygirl."
"Its fine. Pupuntahan na kita. San ka na ba?"
"Look outside."
Tiningnan ko muna sina Neon na nakakunot noo na sakin ngayon bago ako tumingin sa glass wall ng Cupid's Café.
At halos mapanganga ako lalo na nung makita ko sa Ry na nakangisi lang sakin habang nakasandal sa kotse nya.
Shit! Ang gwapo ng Bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Im Inlove with the Player
FanfictionPink Melody Sebastian is known for having a good heart. She is the crowd's favorite since she is soft and gentle with everything. But meeting the jerk and a playboy John Neon Santibañez who happens to be her neighbor makes her peaceful world upside...