Isang nakabibinging katahimikan ang sumalubong sakin ng idilat ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko galing ako sa isang mahabang pagkakatulog kaya medyo masakit pa ang ulo ko.
"Gising ka na pala."
Halos mapalundag ako ng marinig ko ang boses na yun ni Neon. Damn.
And once again, wala akong nagawa kundi ang mapasinghap na lang ng makita ko ang pinakagwapong lalaki na nakatayo ngayon sa hamba ng pintuan ng kwarto na kinaroroonan ko.
"N-Neon? Anong---nasan ako?" naguguluhang tanong ko.
"Sa rest house ko."
"Rest--- REST HOUSE? baliw ka ba? Ibalik mo ko sa village. Kelangan ako ni Ainnika!!!"
"Wag kang makialam sa problema ng iba... Yung iyo ang intindihin mo."
Bat ganon? Parang wala lang sa kanya?
"Problema? Ako? Kelan pa? At ano yun?" I asked sarcastically.
Dahan-dahan syang lumakad palapit sakin dahilan para mapaurong ako pasiksik sa headboard ng kama.
"Ako. Tayo. Yun ang problema mo. Ang patuloy na pagtakbo sa pagmamahal ko sayo imbes na umamin at tanggapin na lang ako at ang pagmamahal na meron ako para sayo!"
Galit ba sya? Saka pagmamahal? Nakakatawa. Ei pag nandyan si Erika halos hindi na ko maalala.
"Alam mo Neon, akala ko noon nagbago ka na. Pero mali pala ako. Playboy ka pa rin. Playboy ka talaga at higit sa lahat, wala ka ng pag asa pang magbago." matigas na wika ko.
Galit ako. Galit na galit ako. Masyado syang mapaglaro. Buti ba sana kung sa ibang babae ei. Pero puro mga babae bg pamilya namin ang napa ugnay sa kanya.
"Ganon pa rin ba ang tingin mo sakin Melody? Sa tagal ba ng pagsasama natin ganon lang ang tingin mo sakin? Masyado mo na kong nasasaktan." he said seriously.
Medyo natakot ako sa ipinapakita nyang reaksyon but i remained silent while sugar coating the calmness I have. Kahit pa nga ba ang totoo, gusto ko ng umiyak.
"Seriously Melody? Ganon ba ko sayo? Kahit man lang ba sa kaloob looban ng puso mo wala yung pakiramdam na sumasalungat jan sa iniisip mo na kung sino ako? Nakakasakit ka alam mo yun? Simula noon mahal na kita. Unang beses pa lang na makita kita Melody. Please, maniwala ka naman kahit saglit lang."
Hindi ko alam kung pano magrereact sa mga binitawan nyang salita ngayon lang. Para bang gusto ko syang abutin at yakapin upang matanggal ang pait na nakikita ko sa mga mata nya.
"Bat di mo subukang ipikit yang mga mata mo habang puso mo ang ginagamit mo sa pakikinig sa mga sinasabi ko? Minsan kasi hindi sapat ang tenga lang ang gagamitin sa pakikinig kung di mo rin naman magawang maintindihan."
Masyado na kong nalulunod sa mahika ng mga mata nya kaya nga kusang pumikit na lang ang mga mata ko.
Shit! Marupok na ba ko?
Hanggang sa maramdaman ko ang malambot na bagay na padampi dampi sa labi ko. Agad akong napadilat ng mata only to find out na hindi pala yun isang bagay kundi labi ng lalaking pinakamamahal ko.
Tuluyan ko nang hinayaan ang sarili kong mahulog na sa kanya ng tuluyan. Kasabay ng pagpikit ko ng mga mata ko ang pagtanggap sa katotohanang mahal ko nga talaga sya. Na kung mamarapatin, susubukan ko. Susugal ako kahit buong pamilya ko ang makakalaban ko.
"Now what?" he asked after that magical moment.
Wala akong nasabi. Nakatitig lang ako sa kanya at inaantay ang mga gagawin pa nya.
"Let's give it a try?" he whispered.
Napakagat labi na lang ako. Bat ganon. Wala akong masabi. I am just mesmerized by the sight of him. Ganon ba talaga kami karagal na hindi nagkita para tungangaan ko sya ng ganito?
"Well, silence means yes baby...i love you." he said at hinalikan akong muli. This time, ramdam na ramdam ko ang pananabik at pagmamahal sa mga halik nya.
"Neon." mahinang tawag ko.
"Please." nakikiusap na sabi nya matapos ang halik. Nakadikit ang noo nya sa noo ko habang paulit ulit nyang kinikiskis ang mga ilong namun.
"Paano si Erika?" nagawa kong itanong.
"What about her?" He asked back.
"G-girlfriend mo sya."
I saw him smile at me bago patakan ng magaang na halik ang mga labi ko.
Nakakarami na itong lalaking to ah.
"Hindi ako nagkaroon ng girlfriend na tulad ng iniisip mo." sagot nya.
"Sinungaling. Ang ate ko? Si Erika?"
"Hindi ko sila naging girlfriend. Oo niligawan ko ang ate mo but while on the process, nakita kita. Right there and then, hindi ko nq pinursue ang ate mo... Lagi akong nasa inyo not because of her but because of you. Ginagawa ko lahat ng ginagawa ko para makita mo ko. Sinubukan ko na lahat. I made myself a certified Playboy kahit hindi naman. Inasar kita ng inasar kasi nagpapapansin ako sayo. And thank God it worked."
Oh my God. Hindi pa ba tapos ang rebelasyon nyang to?
"Hindi mo naging girlfriend si ate? Kung ganon? Si Erika-----"
"Bestfriend ko."
"Best-----what? May bestfriend bang naghahalikan? Wagas kung maglambingan at kulang nalang magkapalit ng muka sa sobrang dikit sa isat isa." Inis na sabi ko. Sobrang nagseselos ako. Nakakaasar.
"Hindi namin ginawa yun. Oo umaakto kami pero wala lang lahat yon. Para lang sa isang palabas. Para lang mapaamin kita at makita ko kung may pag asa ba ko. Kaso, wala. Mas lalo ka lang lumayo. But now Melody, im sorry to say this pero kahit makiusap ka na bitawan kita? Wag ka na umasa. Hinding hindi ako aalis sa tabi mo. Mahal na mahal kita baby."
Unti-unting nagsipatakan ang mga luha ko. Kusa na ding umangat ang mga kamay ko para abutin sya at yakapin ng mahigpit.
"I-I love you too Neon." mahinang sabi ko.
Mabilis na lumayo sya sakin at bakas sa mukha ang pagkagulat na tinitigan ako.
"W-what?"
"Di ko na uulitin." nahihiyang sabi ko.
"No. Wag kang madaya Melody."
"Neon, nasabi ko na. Bahala ka kung hindi mo narinig."
"Tayo na? Yung totoong tayo?" he asked. Bakas sa mukha ang kasiyahan.
Tumango lang ako bago nakangiting tinugon ulit ang halik nya.
Well i think, i own this playboy now.
BINABASA MO ANG
Im Inlove with the Player
FanfictionPink Melody Sebastian is known for having a good heart. She is the crowd's favorite since she is soft and gentle with everything. But meeting the jerk and a playboy John Neon Santibañez who happens to be her neighbor makes her peaceful world upside...