CHAPTER 7: BUSY

7 1 0
                                    

"Agad-agad?" gulat na tanong ko.

Mula sa bintana ng sasakyan nya ei nakita kong nakasilip at nakangisi pa don sina Ainnika Trevor-na kapatid ni Travis at si Aldanielle na nagwawagayway ng canvas nya.

"Are we really going to the set?" Nagdududang tanong ko.

Kita ko kung papano sila ngumisi ng sabay sabay. Now meet my set of friends. Mga baliw at addict pero never pang natutukhang.

"Yes....ahmm...no?" Sagot ni Ryker. Naningkit ang matang tiningnan ko sya bago ko binaba ang tawag at nilingon sina Neon.

"Im sorry Couz. I need to go." Sabi ko sabay tingin kina Travis-na hanggang ngayon ei nakatingin pa din kina Ainnika-,Zian, Azrael at Melo. Maging kay Neon na nakatiim bagang na ngayon.

"Ganon ba? Sayang naman. Ngayon lang ulit tayo nagkita." malungkot na sabi ni Erika.

"Dont go Melody." Neon said.

Masyadong seryoso ang pagkakasabi nya to the point na halos maniwala akong gusto nya nga akong mag stay...kasama sya...sa tabi nya. Pero sino bang niloko ko?

"I cant. I...im busy...pasensya na ha..."sagot ko sabay tayo na.

" ingat ka ha. Txt me pag nakauwi ka na."bilin ko kay Erika sabay halik sa pisngi nya. Muka talaga syang stress na malungkot na disappointed na ewan. Parehong pareho sila ng muka ni Neon.

"Una na kami neon...kumain ka na. Di ka pa nag aalmusal sabi mo diba? Sige na. Bye." nagmamadali na kong lumabas bago pa magbago ang isip kong wag umalis at siguraduhin munang makakakain sya.

Pagkalabas ko ay agad akong sinalubong ni Ryker at hinalikan sa noo.

"I know that look. You're hurting." he stated.

Pilit na ngumiti ako sa kanya at sumakay na sa sasakyan nya.Ayokong makita ng kahit sino na nasasaktan ako. Dahil lingunin ko man o hindi alam kong nakasunod ang tingin ng lahat sakin.

"You okay friend?" Nag aalalang tanong ni Ikay.

"Of course." sagot ko saka nag iwas ng tingin.

"Yeah. Perks of being inlove." sabi naman ni Al na nakapangalumbaba sa bintana.

"Ayos lang yan tol... Ako nga oh, nasisikipan dito pero cool lang. Bakit ba kasi mga hindi marunong magsipag diet tong mga babaeng -------aray!! Ang bigat kaya ng kamay nyo.!!!"

"Masyado kang maingay Trevor." Sabay sabay na sabi namin as Ryker drove his car away from this place.

Matapos nila akong puntahan at kuhanin sa C.C., wala naman kaming inatupag kundi gumala, kumain, manuod ng movie at mag videoke sa unit ni Trevor.

Alasnuebe na ei naatungal pa sila habang kami nina Al at Ikay ei kumakain na.

"Wuhhhh. Go Trev ang ganda ng boses mo. Pang gising sa tulog mantika." Sigaw ni Ainnika na ikinahalakhak namin.

"Pati sayo Ryker.... Rocker na rocker....ang sakit sa gums!!!" dagdag pa ni Aldanielle.

Pinakyuhan lang kami nung dalawa na nakatanggap naman samin ng pagbato ng beer in can.

Then bigla na lang tumunog ang doorbell ng unit ni Trevor at dahil ako ang pinakamalapit, ako na nagbukas para lang mapanganga nung makita ko sina Travis,Neon at Melo na nasa labas.

Baskas din ang gulat sa mga mukha nila lalo na nung makita nilang isa sa mga damit ni Trevor ang suot ko.

"What the fuck----" hindi na naituloy ni Neon ang sasabihin nya nung tinakpan ko ang bibig nya.

"No cursing." I said at inirapan sya.

"Uminom ka? " he asked.

Tumango lang ako at pinapasok na sila."tara, maingay masyado at may paanaking baboy dito."

Saka lang nila naintindihan ang sinabi ko nung pagpasok nila ei mapatakip agad sila ng tenga.

"Fuck. Buti sound proof ang unit ni Trevor." Travis hissed na ikinatawa ko.

"Natake nyo tong nakakaeskandalong ingay na to?"tanong ni Melo.

" pagkaibigan mo, tanggap lang ng tanggap."sagot ko naman saka naupo sa tabi ni Al na bagsak na ata.

"Oy Kuya!!!" naka mic na tawag ni Trevor kay Travis.

"Shut up!" Travis hissed and Ainnika giggled.

"Anong ginagawa nyo dito?" takang tanong ni Trev.

"Mag-i-sleep over. Maaga kasi dapat kami sa convention namin bukas." paliwanag ni Travis.

Ah, kaya pala. Im wondering. Ano kayang oras umuwi ang pinsan ko?

"So dito ka busy?" mahina pero matiim na tanong sakin ni Neon.

Kahit medyo nanlalabo na ang mata ko at mukahang tinamaan na ko ei nilingon ko pa rin sya.

"Yes.BUSY ako. Kuha mo?" natatawang tanong ko.

"Lasing ka na Melody.Anong oras kayo nagsimula dito?" he asked.

Nagsimula na namang kumanta sina Ryker at Trevor kaya napainom na naman kami ni Ainnika. Wala ei bagsak na si Al na ngayon ei nakaunan sa lap ni Melo na mukang hindi alam ang gagawin.

Kunwari akong nagbilang sa kamay ko saka nakangising iniharap sa kanya yung bilang ko gamit ang mga daliri ko. "6pm sharp. Aren't we great?" natawa ako nung magsayaw si Ryker sa harap ko at tatayo na sana ako ng hilahin ako ni Neon palayo kay Ryker.

"Travis, pagamit ng kwarto." narinig kong sabi nya at bago pa ko makapagprotesta ei nabuhat na ko paakyat sa kung saan.

"Neon---"

"Stay still Melody. Napipikon na ko." he even cursed pero di ko na naintindihan. Nasusuka na ko kasi ang galaw nya.

"Neon-----"

"I said shut up. Hirap na hirap na ko sayo ha. Naiintindihan mo ba?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko kaya natahimik na lang ako.

Okay.Pahirap na pala ako sa kanya.

Pero sa paanong paraan? Parang hindi ko matandaang pinahirapan ko sya. Kelan nga ulit yon?

Im Inlove with the PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon