CHAPTER 4: ANNIVERSARY

6 2 0
                                    


Matapos nung eksena na ginawa namin ni Ainnika sa clubhouse kanina, dali-dali ko na syang hinila paalis don.

Shocking... Bat ko ba nakalimutan na may possibility na nandon lang sa tabi tabi si Neon? Baka mamaya pagnagkita kami asarin na naman ako non.

"Friend, dito na ko magbibihis ha. Para sabay na tayo mamaya paclubhouse. Baka mamaya maisipan mo na namang di sumipot ei maiwan ako mamaya sa ere."

Binaliwala lang ni Ainnika ang masamang tingin ko sa kanya.

"Naninihurado lang." pagkikibit balikat nya at kinalkal na ang laman ng aparador ko.

Anything daw kasi na may touch ng White ang motif ng party. Kung ako lang masusunod ei hindi ako pupunta.

"ORAYT!!!!! Eto na frienyyyy!!" tili ni Ikay habang hawak yung off shoulder dress ko na halo ang peach at white na kulay.

Above knee lang sya na kulay puti ang upper part and ung skit nya ei kulay peach.

"Lalo lang mamumutla ang kulay ko jan." balewalang sagot ko.

Minsan ko lang kasi ung naisuot at di ko na inulit. Lalo lang kasing tumingkad ang kaputian ko kaya inaasar nila akong multo.

"Ah basta, eto ang isusuot mo. Tatamaan ka sakin pag hindi." sabi nya.

Lukaluka tlga kahit kelan.

"Bahala ka BOSS." sarcastic na sabi ko.

Nginisihan lang ako ng bruha at sapatos ko naman ang ni- run sack.

Isang flatshoes na dirty white ang inilabas nya at itinabi sa isusuot ko daw mamaya.

"Ano nga palang kakantahin natin?" naisipan kong itanong.

Tae. Baka magkalat kami mamaya. Yung kanina kasi tyambahan lang kaya maganda.

"Bahaykubo para cute." I said.

"Ahaha.. Nakakatawa Friend."

"Ikaw na mag-isip. Go lang ng go."

"Sige. Alam ko na."natatawang sabi nya. Kunot-noong tiningnan ko sya.

"Ano na naman yan?"

"Ferris wheel na lang."

"Yung kay Yeng?"

"Yup."

"Try natin. Practice tayo."

Hinayaan ko munang hanapin ni Ikay yung chords at lyrics habang nagluluto ako ng pangtanghalian namin.

Maya-maya pa ei nakarinig ako ng mga katok sa pinto. Hindi na ko nag abala panglumabas dahil alam ko namang nandon na si Ikay.

"Friend! May bisita ka." sigaw nya mula sa labas. Nasa kusina kasi ako.

"Pauwiin mo na." sagot ko.

"Gaga ka talaga Friend." natatawang sabi din nya.

Saglit na nagpunas ako bago lumabas.

"Anong ginagawa nyo dito?" Kunot noo kong tanong kina Neon na petiks lang sa tabi.

"Makikikain?"

Wow. Ang saya at ang galing nila. Imagine, si Neon, Travis, Melo, Zian at Azrael.

"Makikikain? Talaga? Wala kayong bahay?" tanong ko kay Neon na agad akong sinimangutan.

"Alam mo ikaw, ang sama ng ugali mo. Naamoy kasi namin na mabango kaya sinundan namin yung amoy." paliwanag nya.

"Kelan pa kayo naging aso?" tanong naman ni Ainnika.

"Alam mo Ikay, isa ka pang mapanghusga sa kapwa." Melo said.

"Alam mo din Melo, sa laki ng intestines mo idagdag pa yang baga kasama mo, mahirap kayong pakainin."

"Di na kita iboboto sa eleksyon."

"Kelan naman ako kumandidato?"

"Oo nga noh?"

Argh... Ang ingay...

"Ainnika, shut up." supladong sabi ni Travis na matagal nang crush ni IKay. Highschool pa lang ata kami.

"Ooo-kay." Ikay said sabay pacute.

Di naman sya pinansin ni Travis na nakatingin lang kay Neon.

"Pasalamat ka nakiusap ka pare." narinig kong sabi nya bago sya nahila ni Azrael at tinakpan naman ni Zian ang bibig nya.

"What did he said?" tanong ko kay Neon na namumutlang napakamot sa batok. Ok lang ba sya?

"Ahhh, yon? Wala lang. Wag mo intindihin yan. Minsan tlga may topak yan."Sabi nya.

"Parang ikaw?" natatawang gagad ko.

Mabilis na nakalapit sya sakain at inakbayan ako. "Anong niluto mo?"

Yung totoo? Kelan nga ulit kami naging close?

"Sweet and spicy adobo."

"Kaya pala mabango. Tara kain na tayo." yun lang at nahila na nya ko. Kasunod namin sina ikay at ang mga kaibigan nya.

Maingay at magulo ang lunch namin. Good thing agad din naman silang umalis. May bigla kasing tumawag kay Travis ei.

"Ikay? Kinakabahan ako. Baka pumiyok ako." Nako conscious na sabi ko.

"Talaga ba? Kinakabahan ka kasi Anniversary o dahil kay Neon?" tanong nya na ikinasamid ko.

"W-hat the hell?"

"Seriously Frieny, nitong mga nakaraan balitang balita kayo dito sa subdivision."

"And?"

Bat may ganon tapos di ko alam?

"Alam mo bang ang gf nya ngayon ei pinsan mo?"

Dun talaga ako natigilan. Totoo? Una yung ate ko tapos ngayon yung pinsan ko? Kaya ba lumalapit sya sakin para kunin ang loob ko at magpalakas sa pinsan ko?

"Sino sa mga pinsan ko?"

"Si Erika. Yung model."

Erika is one of my prettiest cousin next to my sister. Kaya pala. Of course, Neon the ultimate player would not be contented to someone na basta basta lang.

Someone na kagaya ko lang------Holy Shit!!! Ano bang iniisip ko? Erase!!!!!!!Erase!!!!!!!!

Wala yon okay?

"Hoy!---"

"Kabayong pink!"

"Busy na sa conference mo sa hangin?" Tanong ni Ainnika.

"W-wala to. Tama. W-wala lang to." Tiningnan nya lang ako na parang ang weird-weird kong tao.

Melody naman kasi. Nananaginip ka na naman.

Im Inlove with the PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon