EPILOGUE

4 2 0
                                    

"Girl? Yung jowa mo nasan?" Tanong sakin ni Ainnika.

"Di pa nakakabalik. Nasa Singapore pa dahil sa business meeting." Sagot ko habang patuloy sa pagpili ng mga damit na maaari kong bilihin.

Nasa mall kasi kami ngayon. Ewan ko pero bigla na lang nag aya tong si Ainnika sakin.

"Sure ka?" parang nananantyang tanong nya.

"Oo nga. Bakit ba?"

"Sino yun? Kakambal nya?" She asked. Sabay turo sa dalawang pares na masayang namimili ng kung ano sa jewelry shop.

Parang piniga ang puso ko nung makita ko si Neon na masayang nakaalalay sa matangkad na babaeng kasama nya. Parang singsing ata ang tinitingnan nila at sabay pang nagtatawanan.

Nanginginig na kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng bag at tinawagan sya.

"Baby? I missed you------"

"Nasan ka na? Kelan ang balik mo?" God please...sana maging honest sya... Just this once.

"Still in singapore. Bukas pa ng gabi ang uwi ko." sagot nya. Hindi ko na napigil ang paghikbi ko at mula sa kinatatayuan ko, I saw him stiffened.

"W-what happened love? Are you crying?" He asked.

"Liar. You promised me Neon. Pero ayos lang. M-mag enjoy ka. B-break na tayo. Ayoko na sayo." Humihikbing sabi ko.

"What? Melody wait!!!" Kita ko ang panic nya pero di na ko nagsalita. Pinatay ko na ang tawag "let's go Ainnika."

"Friend di mo ba sya iintaying magpaliwanag----"

"Let's go Ainnika!" Malakas na sabi ko.

Tuloy tuloy na kong umalis ng walang lingon likod.wala din akong pakialam sa nagtatakang tingin ng mga nakakasalubong ko.

"MELODY!!! LOVE WAIT!!" sigaw ni Neon sakin. Hindi ko sya pinansin pero hindi nya ko tinantanan hanggat hindi nya ko naabutan.

"ANO BA!??" alam kong nakakaagaw na kami ng atensyon. Bakit ba hindi ei nasa gitna kami ng mall.

"Love, please magpapaliwanag ako." Nagmamakaawang sabi nya. Gusto ko syang sampalin pero di ko magawa. Ayaw ko syang saktan ei.

"P-paliwanag? Para ano? P-para saan? Magsisinungaling ka? Magdedeny ka? Kitang kita na ng mga mata ko. Akala ko ba mahal mo ko? Bat sinasaktan mo na naman ako? Ayoko na Neon. Maghiwalay-------hmppp..." Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi hinalikan na nya ko.

"Sabihin mo na lahat wag lang yon please... Mahal na mahal kita baby."

"Mahal? Sino yun? Bat kelangan mo magsinungaling? Singapore? Totoo bang nanggaling ka don? O pati yon nagsinungaling ka na naman?" I asked.

"Mag e explain ako. Please."

"Wag na. Ayoko na----" akmang tatalikod na ko pero bigla na lang syang lumuhod sa harap ko.

"3 days. I've been preparing this for 3 days and it seems like everything is messed up already. Dapat mamaya pa tong gabi pero ayoko ng patagalin. Ayokong mawala ka sakin. Ayokong nakikitang naglalakad ka palayo sakin. Masakit Melody. Sobrang sakit." He said. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko lalo na ng ilahad nya sakin ang singsing na may kumikinang na bato.

Hindi lang ang pagsinghap ko ang narinig ko kundi pati na din ang singhapan sa paligid ko.

"Pink Melody Sebastian, i love you so much and God knows how much you means to me. Ayokong mawala ka. Ikamamatay ko. Para sakin ka. Tulad ng para sayo lang ako. Mahal na mahal kita. Will you marry me?"

Omg. Totoo ba to? Totoo ba tong naririnig ko sa kanya?

"P-pero? Yung babae kanina?"

"Wedding planner natin. Asawa sya ng pinsan ko sa father's side. Sya si Dianne."

Omg ulit! Umiyak ako sa wala? Nakakahiya!

Akmang tatalikod na ko nung pigilan nya ko. Still, nakaluhod pa din sya. "San ka pupunta?" He asked. "Sagutin mo muna ko please. Wag mo kong takasan." He added.

"Oo na. Pakakasalan na kita!!" Nagpapanic na sabi ko at ng akmang tatakbo na ulit ako palayo nung pigilan na naman nya ko. But i was stunned when i felt his lips on mine.

"Thank you Love. Akin ka na. Wala ka ng kawala."

"Pero kasi-------" di ko na natapos ang sasabihin ko nung halikan nya ulit ako kasabay ng paglalagay nya ng singsing sa daliri ko at ang palakpakan at sigawan ng mga tao.

"Let's run away? Alam kong nahihiya ka na. Pulang pula ka na ei." he chuckled.

"Tara na. Ikaw kasi ei." naiinis na sabi ko sabay kurot ng pino sa kanya.

"Selosa kasi." Bulong nya at bago pa ko nakapagreact ei hinila na nya ko paalis ng mall na yon.

Im Inlove with the PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon