Tahimik na ko lalo na nung makarating kami sa isa sa mga kwarto sa unit ni Trev.
Ibinaba ako ni Neon paupo sa kama at tinitigan ako. Nag iwas naman ako ng tingin at huminga ng malalim.
"Why did you brought me here?" mahinang tanong ko.
Pilit talagang naghuhumiyaw ang ingay nung sinabi nya kanina lang at ang sakit din non.
Twice in a row ba naman. Pede bang isa isa lang. Di kaya ng kalaban ei.
"Melody."
"Im sorry Neon if im being a nuisance to you. Hindi ko alam. I know concern ka lang dahil pinsn ko si Erika kaya ganon pero please, k-kaya ko naman ang sarili ko. Thank you but i can manage." mahina pa ring sabi ko at hindi sya tinitingnan.
"Melody look at me."
"No."
"Isa Melody." nagbabnta na ang boses nya kaya napilitan akong tingalain sya.
"I didn't mean it that way."paninimula nya pero nag iwas ako uli ng tingin.
Napapitlag ako ng bigla na lang nyang hampasin ang pader at mukahang frustrated na talaga sya. Yung totoo? Ano bang problema nya?
" Pwede ba makinig ka naman salin Melody? Bago ka mag isip ng kung ano ano ei matuto ka munang makinig."
Minabuti ko nang di na lang magsalita. Mas lalo lang napapasama ei.
"Matagal ko nang gustong sabihin to. Matagal na kong nagtitiis at nakokontento sa pagtingin lang sayo sa malayo kasi parang ang hirap mong abutin. Hindi pala parang. Mahirap ka talagang abutin."
Ano daw?
Anong ibig sabihin non?
"Mula ng makita kita unang beses ng bisitahin ko ang kapatid mo sa inyo. Nakita kita looking so innocent at all. Hindi ko alam kung anong meron ka at hindi ka mawala sa isip ko----"
" W-what do you mean?" nauutal kong sabi.
" MAHAL KITA NOON PA MELODY-----------"
*PAK!!!
Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa muka nya dahil don sa sinabi nya.
Sunod-sunod na din ang pagpatak ng luha ko.
"A-ang kapal ng mukha mo Neon.
Girlfriend mo ang pinsan ko at ex mo ang ate ko tapos sasabihan mo ko ng ganyan?Mahiya ka naman.""Melody-----"
"Tumahimik ka na. Kung wala ka rin lang sasabihing matino manahimik ka. Please lang."i said while sobbing. Dali dali akong pumunta sa pinto at lalabas na sana pero pinigilan nya ko.
" ANO PA BANG GUSTO MONG GAWIN KO HA? PANO KA BA MANINIWALA NA MAHAL KITA? KAHIT SINONG TANUNGIN MO MASASAGOT YAN!!!ALAM NILA. KASI SILA NAKAKARAMDAM...IKAW LANG NAMAN ANG MANHID EH." He burst out.
Ewan ko kung maniniwala ako o hindi sa kanya. Pero natatakot na ko ei. Sobra.
At saka, hindi kami bagay. Hindi ako kasing galing at kasing ganda ng kapatid ko o ni Erika. Walang wala ako kung ihihilera sa kanila.
"Tumigil ka na please. Makontento ka na lang kay Erika." mahinang sabi ko.
"Gusto mo ba ko?" he asked suddenly.
"H-hindi." I said. Mabilis na nag-iwas ako ng tingin at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Nadaanan ko pa sina Ainnika na nagkalatuwaan parin.
Natigil lang sila ng makita ako pero di ko na sila pinansin. Dire-diretso na kong lumabas sa unit ni Trevor.
Tinatawag nila ako pero di ko na sila nilingon pa. Kahit sino sa kanila.
Nasa taxi ako nung tumawag si mommy para pauwiin ako sa bahay.
At dahil ayoko munang makita kahit na sino sa mga taga subdivision namin, napilitan akong umuwi sa bahay ng mga parents ko.
"Melody anak?" salubong sakin ni mommy.
Nanghihinang yumakap ako sa kanya.
"Anong nangyari?" nag aalalang tanong nya.
"None. I just missed you and Dad." Sabi ko.
"Really? Come here and let me hug you bunso." tawag ni Dad na hindi namin napansin na nasa likod na pala namin.
"Dad!!!"
Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap sya.
"And you keep telling us that your not young anymore?" natatawang pansin nya.
Magkakasabay na pumasok kami at mabilis aking napahiwalay sa kanila ng daluhungin ako ng mga pamangkin ko na naglalaro pala sa sala.
"Tita Mommmmyyyyyyy!!!!" Tili ng kambal.
Basta na lang silang dumamba sakin at niyakap ako.
At dahil alam ko na kung san sila nagmana. Walang iba kundi sa nanay nilang nakikigan din sakin.
"Aray!!"
"Madeline loves, naiipit si Bunso." natatawang sabi ni Kuya Cyrus sabay buhat sa pabebe nyang asawa.
"Miss you bunso." Ate Madeline said sabay pingot sa ilong ko.
"Nako, mapaglilihihan pa ata." Dad chuckled na sinundan din ni mom.
"Buntis ka ulit!!?" gulat na tanong ko.
Lahat sila ngumiti lang ng makahulugan sakin.
BINABASA MO ANG
Im Inlove with the Player
FanfictionPink Melody Sebastian is known for having a good heart. She is the crowd's favorite since she is soft and gentle with everything. But meeting the jerk and a playboy John Neon Santibañez who happens to be her neighbor makes her peaceful world upside...