Arghhh. Another day of tiis ganda na naman. Wala pa kong tulog honestly. Masakit na ang ulo ko pero kaya pa. Marami p kasing idea ang napasok sa utak ko. Kaya nga kahit anong pagod at antok ko di ko mabitawan ang pagsusulat. Oras kasi na huminto ako, wala na naman akong matatapos.*ding.... dong... ding... dong
Tskk. Anak ng gums talaga. Sino bang anak ni galema ang istorbo na ito?
*ding... dong... ding... dong...
"Saglit! Nanjan na." medyo inis na sigaw ko.
Nakasimangot na lumabas ako sa kwarto ko para pagbuksan ang nasa labas.
"S-sino ka b-------- Neon?" anong ginagawa nya dito?
"Hi neighbor." Nakangiting bati nya sakin.
"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.
Muntik pa kong mapasinghap nung magkamot sya ng batok at nakangiting tiningnan ako.
"Ano kasi, wala akong kasabay kumain. Pwede ka ba?" tanong nya.
"Kumain? Ng?" For goodness sake. 2:30 na ng madaling araw ei.
"Charannnnnn..." parang batang sabi pa nya sabay lahad ng malalaking cup noodles na kanina pa ata nya itinatago sa likuran nya.
" Noodles?" di ko alam kung mapapakunot noo ako o matatawa sa kanya. Seriously?
"Oo ei. Kadarating ko lang kasi galing trabaho. Di naman ako inaantok so naisip kong kumain na lang. Kaso nakakawalang gana kumain ng walang kasabay kaya eto, naghanap ako."
"At ako ang nakita mo? Why me? Ei di nga ako lumabas buong araw." totoo yon. Ngayon lang ako actually tumayo sa kinauupuan ko sa harap ng computer ko.
"Oo ei. Nakita kong may ilaw pa sa kwarto mo."
"Kauuwi mo lang? Edi di ka pa nakakakain?"
"Kaya nga may noodles ako diba?"
Don na ko napakunot noo. "Masama magpalipas ng gutom."
"Kaya kain na tayo." at saka ako hinila. Akala ko nga tatawid pa kami sa bahay niya pero hindi pala. Sa likod ng sasakyan nya kami pumwesto.
"Compartment talaga?"natatawang tanong ko.
" Para maiba."nakangising sabi nya.
Napailing na lang ako sa kalokohan nya. Parang timang talaga.
Nagsimula syang ayusin ang pagkain namin at saka iniabot sakin. "Thanks."
"Your welcome." nakangiti nyang sabi.
Ilang sandali rin kaming tahimik bago ko naisipang magbukas ng mapag uusapan.
"Hmnn... Neon?" tawag ko na parang ikinahinto nya saglit.
"Yes?"
"Sorry sa pagtatanong ko nito ha but, where are your girls? Bat hinahayaan ka nilang magtrabaho at magskip ng pagkain?" parang gusto kong kaltukan ang sarili ko sa tanong ko. Arghh.. Ano ka ba naman Melody?
"Makapagsalita ka naman parang sobra akong babaero.." natatawa nyang sabi.
" bakit hindi ba?"
"Akin na nga yang noodles." at akmang aagawin nya sakin yun pero nilayo ko na.
"Nakainan ko na ei."
"Bayaran mo."
Sinimangutan ko lang sya at inirapan. Damot nito. Im just being honest lang naman.
"Actually Melody, i just got tired of those things. Parang gusto ko na lang magbago."
"May sakit ka ba? Mamamatay ka na?----- aray!!!"
Mamingot daw ba?
"Akala ko ba mabait ka at soft spoken? Bat ganyan ka?"
"Wala lang. Kumain ka na nga lang jan. Go, wag ka na mahiya."
Nakangiting tiningnan ko sya... Nakasimangot lang at halatang napipikon na.
BINABASA MO ANG
Im Inlove with the Player
FanficPink Melody Sebastian is known for having a good heart. She is the crowd's favorite since she is soft and gentle with everything. But meeting the jerk and a playboy John Neon Santibañez who happens to be her neighbor makes her peaceful world upside...