Melody's POVHindi ko alam pero pakiramdam ko may nanunuod sakin habang natutulog ako.
Unti unti kong iminulat ang mata ko at nakita ko ang pinakamagandang pares ng mga mata sa tanang buhay ko.
"You okay?" nag-aalalang tanong ni Neon.
"N-Neon?"
"Hmnn?"
"Anong ginagawa mo dito? Saka bat ako nandito?" nagtatakang tanong ko.
"Hinimatay ka sa court dahil narin siguro sa sama ng pakiramdam mo. Kaya dito ka namin dinala."
"Bat nandito ka pa?"
May mali ba sa naging tanong ko? Bat parang nalungkot ang itsura nya?
"Ahm, binantayan kita pero since ok ka na, mauuna na ko." he said at saka humakabamg palayo.
He seems so reluctant to walk away pero wala syang choice. Gusto ko rin syang pigilan pero wala ei, wala akong karapatan.
Nung mawala sya sa paningin ko ei saka ako dahan dahang bumangon. Medyo nag aadjust pa ko pero naka cope up din ng mga ilang segundo.
"Gising ka na pala."
"Ay kabuteng bakla." Gulat na sabi ko.
"Hoy Melody, gusto mo sapok? chineck up na nga kita tapos tatawagin mo pa kong bakla? Sa ganda kong to?" reklamo ni Zayne sabay simangot.
"Sorry. Nanggugulat ka kasi. Magkano pala ang charge fee ko dito?" I asked.
"Naayos na ni Neon kaya wala ka ng iintindihin. At saka nga pala. Eto, kabilin bilinan nya. Kumain ka daw at uminom ng gamot. Wag kang magpapalipas ng gutom at magpahinga ka daw."mahabang sabi nya.
" weh?"
"Gaga ka. Ang haba ng sinabi ko weh lang sagot mo?"
"Ano pala dapat?"
"My god Melody, dont you find him sweet? Napaka caring kaya nya sayo lalo na kanina."
Naiiling na nag iwas ako ng tingin saka hinablot ang gamot ko na hawak nya. Kelangan kong hanapin si Neon para magpasalamat.
"Makaalis na nga. Masyado kang maingay Zayannara." I said na agad nyang ikinasimangot. Ayaw na ayaw pa naman nyang tinatawag sya sa buo nyang pangalan.
"Che!!!!" Tili nya na hindi ko na pinansin. Lumabas na ko at tinahak ang daan papuntang court. Nagbabakasakali lang na kung sakali ei nadon sya.
As always, maingay na naman sa court sa pangunguna ng mga bunganga ng mga siraulo naming kapitbahay. Yung totoo, ilang taon na ba tong mga to? Mas matino pa ata ang mga batang naglalaro sa park kasama ang mga yaya nila.
"O Pink... Bat nandito ka? Ok ka na ba?"tanong ni Jaime na kasalukuyang may hawak ng bola.
"Hinahanap ko si Neon."sagot ko.
" Ay, kaaalis lang. Sinundo ni Bette." sagot naman ni Shawn.
Agad namang nangunot ang noo ko.Bette? Sinong Bette?Parang wala akong matandaang Bette na kapitbahay namin.
"Ewan. Basta sya daw si Bette at kelangang pakasalan daw sya ni Neon ngayon din kung hindi ei gagahasain nya si Neon."
"WHAT!???"
"Aray!!! Wag ka namang sumigaw Pink-------"
"Melody ako!!!!" Tili ko.
Unti-unti akong nakakaramdam ng inis sa narinig ko sa kanila.
"Nasan na sila?" Inis na tanong ko.
Nagkatinginan lang sila saka nagngisihan pero di ko na pinansin yon. Kelangan kong mapuntahan si Neon at baka kung san na naman dalhin yon ng kung sinong magdalena.
Nakakainis. Di pa naman yon marunong tumanggi.
"Narinig ko, dadaan daw muna sila kina Neon para kumuha ng damit ni Neon tapos magtatanan sila-------Melody san ka pupunta?"
Hindi ko na sila nilingon. Dirediretso lang ako sa paglalakad papunta sa bahay ni Neon. Nako makita ko lang talaga ang lalaking yon, masasampal ko sya.
Busangot na busangot ang mukha ko habang naglalakad nung makasalubong ko sina Ikay.
"San ang punta mo?" She asked. Hindi ako sumagot at dire diretso na lang.
Mukha namang nacurious din sila kaya naglakad sila pasunod sakin.
Ilan pang mga kapitbahay namin ang nakasalubong ko pero tulad ng mga nauna, wala akong binati pabalik ni tinanguan man lang sa kanila.
"NEON!!!" malakas na sigaw ko sabay kalampag sa gate nya. Makasira na kung makakasira. Naiinis lang talaga ako.
"JOHN NEON SANTIBAÑEZ!!!" sigaw ko pa.
"Ahh, bes? Baka magiba mo yan." nag aalangang sabi ni Ikay.
"Oo nga naman.GG ka na agad ah." Al said.
Sinamaan ko sya ng tingin at dali dali naman silang nagpakabusy sa kung ano ni Ikay.
"Neon!!!!!"
Bat ba ang tagal nya lumabas?
"John Neo---------fuck." Oh no....mabait ako ei. Di dapat ako nagmumura kasi tinuruan ako ni mommy.Pero sa itsura ngayon ni Neon...
"Bes Eng sherep nemen nye..." Sino pa bang lokaloka sa mga kaibigan ko? Malamang lahat sila. Pero lamang talaga si Ikay ng isang paligo.
"Sweet ng abs. Pede patouch?" Al asked. Isa pa to. Argh.
Once again i gave them a warning look na ikinatahimik nila.
"Anong problema Melody?" Kunot noong tanong ni Neon.
Pinilit kong ibaling sa mukha nya ang paningin ko. Omg. Ang hirap. Pero teka magtutuos pa kami.
Mabilis ko syang itinulak at saka parang susugod sa giyera na naglakad papasok ng bahay nya.
"W-what?" Naguguluhang sumunod naman sya sakin."Anong meron Melody?"
BINABASA MO ANG
Im Inlove with the Player
FanficPink Melody Sebastian is known for having a good heart. She is the crowd's favorite since she is soft and gentle with everything. But meeting the jerk and a playboy John Neon Santibañez who happens to be her neighbor makes her peaceful world upside...