-Melody's Pov-
"Im fine mom. No need to worry. I'll pay you a visit next week." napangiti ako ng magreklamo na naman si Mom na bat daw ba hindi pa ngayon.
Well, as much as i wanted to i cant since im busy with the manuscript of my new novel. Deadline na kasi at kelangan kong umabot. Kundi malalagot ako sa boss ko.
"I'll hang up na Mom. Nasa grocery po kasi ako. Namimili ng stocks."
"Ganon ba? May sasakyan ka bang dala? Baka hindi mo kayanin ang pagbubuhat ha."
"I brought my car Mom."
"Okay good. Take care sweetheart. I love you."
"I love you too Mom. Bye."
Napabuntong hininga na lang ako. Im living alone na kasi for four years. After kong makagraduate ng business administration, isang taon din akong nagtrabaho sa isang company but sad to say, hindi ko mafeature ang sarili ko sa kompanyang yon so nagresign ako.
Sa ngayon, 3 years na kong writer sa kilalang publishing company as a romance writer. And finally, nakita ko din ang totoong magpapasaya sakin. Eto na kasi ang passion ko noon pa na kinailangan kong iforget dahit napakalayo sa course ko.
Honestly, gamit ng mga ipon ko at sa kinikita ko sa mga naisusulat ko, nakapagpundar na ko ng bahay at sasakyan.
"Hey, are you going to get it or not?"
Gulat na binalingan ko ang nagsalita hanggang sa makita ko ang isang taong pilit kong iniiwasan pero kahit anong iwas ko, lagi ko pa ding nakikita.
Kunot noong binalingan ko ng tingin ang hawak ko na hawak din nya. Ung soap na ginagamit ko.
"Ahm, oo ei." Mahinahong sagot ko. Kahit naman gusto ko syang iwasan, maayos parin naman dapat akong makiharap sa kanya diba?
"Akala ko kasi wala kang balak kunin since kanina mo pa tinititigan."
"Ahm, may naisip lang ako."
"How lucky."
"Lucky ng ano?"
Anong swerte don? May nabanggit ba kong iba?
"Nang iniisip mo. Sana ako na lang yon." Bigla kong nabitawan ang hawak kong soap kaya bumagsak yon sa paa ko na ikinasinghap ko. Im wearing a sandals and open yon so kitang kitang agad na namula ang daliri sa paa ko sa nangyari.
"Damn soap. Are you ok?" mas ikinagulat ko pa ng bigla na lang syang lumuhod at inspeksyunin ang paa ko.
"Ah, ok na sige. Tumayo ka na jan. Madudumihan pa yung slacks mo."
"Madaling labhan to."
"Oo nga. Pero tumayo ka na. Nakakaagaw na tayo ng atensyon." tama. Kasi nakikita ko lang naman ang mga nakangising tingin ng mga kapitbahay namin na nagkataong namimili rin.
"Sure kang ok ka?" tanong pa nya.
"O-oo. Sige. Salamat" yun lang at dali-dali ko ng hinila ang sabon mula sa kanya sabay tulak ng cart ko papuntang counter.
Shit. Kinabahan na naman ako.
"Hi Melody." bati sakin ni Beth na syang tao sa counter.
"Hello. Kumusta?" nakangiting sagot ko.
"Ayos naman. Malakas kita. Daming naggogrocery."
"Haha. Kesa naman lumabas pa kami ng subdivision para lang maggrocery ei kompleto naman tong village natin."
"Oo nga. Pero girl, ang ganda ng bagong labas na story mo. Hanggang ngayon kinikilig pa din ako. Nakailang beses ko nang binasa ng paulit ulit."
"Naku salamat ha."
"Pero parang mas bet ko ang eksena nyo ni Neon kanina."
Pakiramdam ko namula na naman ako dahil ibinalik nya ang issue na yun. Nakakahiya. Ang dami ngang nakakita.
"S-sira. Jan ka na nga. Una na ko ha." paalam ko saka nagmamadali na namang umalis.
"Hindi naman mainit pero bakit namumula ka?"pahabol nya na di ko na lang pinansin at tuloy tuloy ng lumabas.
What a day.😅
BINABASA MO ANG
Im Inlove with the Player
FanfictionPink Melody Sebastian is known for having a good heart. She is the crowd's favorite since she is soft and gentle with everything. But meeting the jerk and a playboy John Neon Santibañez who happens to be her neighbor makes her peaceful world upside...