Matapos ng naging eksena namin ni Neon na akala mo ei commercial kami ng cup noodles, di na ulit nagtagpo ang landas namin. Siguro naging masyado akong busy sa mga istoryang ginagawa ko at mukang ganon din sya. Di ko rin kasi sya nakikita sa subdivision namin sa tuwing may pagkakataon akong lumabas.
" Melody!!!"
Agad akong napalingon sa boses ni Ainnika at nakita kong humahangos syang lumapit sakin.
"Bakit?"
"Busy ka ba?" hinihingal na tanong nya.
"Hindi naman na. Katatapos ko lang sa series ko. Bakit?"
"Tugtog tau mamaya." excited na sabi nya na ikinakunot ng noo ko.
"Saan?"
"OHMYGOSH!!!!! MELODY, WALA KA NG ALAM NA BALITA!!!!!"
"OA lang bes?"
"Lumabas ka din kasi ng lungga mo minsan. Try mo magkaroon ng exposure sa subdivision natin para di ka late news LAGI.!!"
Napakamot na lang ako ng ulo. Totoo naman. Halos di kasi ako naglalalabas kaya wala akong kaalam alam sa mga balita ngayon. Pasensya na. Laban para sa ekonomiya muna.
"Arghh...lika na ngang babae ka. Gigil mo ko ha." sabi nya na ikinatawa ko habang hila hila ako papuntang club house.
"Anong meron? Bat may decoration ang club house?" tanong ko.
Ang ganda kasi. Para akong nasa ibang bansa since puting puti ang clubhouse.
"Bongga. Ang ganda."namamanghang sabi ko. Napatingin ako sa unahang bahagi ng clubhouse kung saan may nakaset up na instruments.
Nakangising nilingon ko si Ainnika.
" Anong meron?" I asked.
" 10th year anniversary nitong Subdivision. Mamayang 8:30 ng gabi."
"Ay tarush..."
"Kaya nga sabi ko tugtog tayo ei."
"Sure. Pedeng itry?" Matagal tagal na rin akong hindi nakakahawak ng gitara. Ewan ko ba kung marunong pa ko. Baka pumalya.
Lagi kasi kaming duet ni Ainnika dati. Natigil lang nung maging busy kami sa kanya kanya naming career.
"Oo ba. Alam mong eto ang pinaka favorite kong trip natin."
she said.Nakalimutan ko na ang mga nandito din at nag aayos nung mahawakan ko ang gitara. Tig isa kami ni Ainnika saka ako nagstrum.
Ako:
Nagsimula sa aking pusong humihiling
At nung ika'y nakita di makapaniwala
At nung nakilala ayaw na kitang mawala
Oh, alam mo ba gusto kong sabihin na....Gusto kitang makasama sa habang buhay
Pero kelangan munang maghinayhinay
Kahit araw ko ay malungkot
Kahit puso koy kumikirot
Di ko kelangan ng gamot
Dahil aking mahal,
Ikaw lang sapat na....
Ikaw lang sapat na....
BINABASA MO ANG
Im Inlove with the Player
FanfictionPink Melody Sebastian is known for having a good heart. She is the crowd's favorite since she is soft and gentle with everything. But meeting the jerk and a playboy John Neon Santibañez who happens to be her neighbor makes her peaceful world upside...