Chapter 1: Pink
Umagang-umaga ganito agad ang bumungad sa akin,
"Chenaniah, black na naman? Hay nako! Wala ka bang ibang kulay na damit bukod diyan? Nakakaumay ha" kunot-noong sabi sakin ni Claire (kaibigan ko).
"Kasi nga maganda ako" natatawa kong sagot sabay flip ng aking buhok.
"Tara na nga sa auditorium!" naiinis niyang sabi sabay hila niya sa akin.
"Teka nga lang, bakit ka ba nagmamadali ha?"
Humarap siya sakin saka ngumiti ng napakalapad.
"Kasi nga sasayaw daw sila crush kyaaaahhh!"
Napatakip ako sa aking tenga. Sinali pa talaga ako sa kalandian niya huh?
"Psh. Sino naman 'yun?" tanong ko.
Baka iba na naman, papalit-palit pa naman siya ng crush. Kapag may nakita siyang gwapo 'yun na 'yun.
"Si Mr. Nike! Kyaaahh!" sabay hila niya ulit sakin.
Tangina! Bago na naman? Teka, Nike? May ganung pangalan? Astig ha! Nagpatianod na lang ako. Curious rin ako e.
"Ate, excuse me" sabi ni Claire dito sa mga nakakasalubong namin.
Hila-hila pa rin niya ako hanggang sa makarating kami dito sa harapan. Nagpaypay ako gamit ang aking bimpo. Hoo! Ang init!
"STUDENTS, PLEASE GIVE A WARM OF APPLAUSE TO BOY DANCERS!" sigaw ng emcee.
"Bes, buti na lang nakaabot tayo! Kyaaahhh!" sigaw niya sabay lundag at palakpak niya.
Natatawa akong tumango at tumitig na lang sa stage.
Now playing:
Despacito (by Justin Bieber)~Come on over in my direction~
~So thankful for that, it's such a blessin', yeah~
~Turn every situation into Heaven, yeah~
~Oh, you are~Tumunog lang ang music ay halos dumagundong na ang auditorium dahil sa mga hiyawan. Napatakip ako sa aking tenga.
~You fit me, tailor-made love, how you put it on~
~Got the only key, know how to turn it on~
~The way you nibble on my ear, the only words I wanna hear~
~Baby take it slow so we can last long~Titig na titig ako sa mga sumasayaw at hindi ko matigilang hindi mamangha. Ang gagaling nila at ang gwagwapo! Shet!
~Despacito~
Quiero respirar tu cuello despacito
Deja que te diga cosas al oído
~Para que te acuerdes si no estás ~conmigo~