Chapter 13: Reporting
Tulala pa rin ako hanggang sa makarating ako dito sa room. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng aking puso? Tuwing tinutulungan niya ako, bakit nanlalambot ang tuhod ko?
Bakit? Bakit? Bak--"Hoy! Saan ka nagpunta ha? Tapos mo na report mo? Tara, turuan kita" nagising ang diwa ko dahil sa sigaw sakin ni Claire.
"Tapos ko na"
"Ay wow! Totoo? Paano? Alaka ko ba hindi mo alam?" diretsong tanong niya.
"Tinuruan ako ni pink" nakapalumbaba kong sabi.
"Naku, naku! Ikaw ha, may hindi ka sinasabi sakin" ngumiti siya ng nakakaloka.
Sumubsob ako.
Sasabihin ko ba kay Claire na nagugustuhan ko na si pink? Kaya lang nakakahiya, asarin pa ako neto pero mahirap itong itago.
"Hoy! Share ka naman diyan oh" kunyaring pagtatampo niya.
Inangat ko ang aking ulo.
Naiinis ko man sabihin ito pero talagang,
"Nagugustuhan ko na siya" pikit kong sabi."Si pink? Ayiiieeut!" sinundot-sundot niya ako sa aking tagiliran.
"I think I like him, swear" bulong ko.
"Gusto mo na siya pero hindi mo naman alam pangalan niya, so sad" pang-aasar niya.
Don't worry, wala akong balak na kilalanin siya. Mawawala rin ang nararamdaman kong ito bukas.
"Describe mo nga siya yiiiee, malay mo I know him" nakangisi niyang sabi.
Napatitig ako sa kanya.
"Morning class! Are you ready?" bungad niya samin.
Siniko ako ni Claire.
"Kwento mo sakin mamaya" bulong niya at sapat na rin ito para marinig ko.
"No Sir"
"Hindi pa Sir"
Wala ako sa aking sarili habang ang aking mga kaklase ay walang sawang nagrereklamo. Hindi ako makasabay sa kanila. Pilit ko pa rin iniisip si pink.
Nagsimula nang bumunot ng class number si Sir kung sino ang mauuna sa reporting.
"B-14, punta na dito sa harap. Faster"
Napahinga ako ng maluwag, buti na lang.
"Hahahah, Go Karl! Kaya mo 'yan!"
Tumitig na lang ako sa harapan. Maybe, aaliwin ko na lang ang aking sarili.
Pinagmasdan ko si Karl na naglalakad papunta sa harap. Natawa ako dahil halatang kinakabahan siya.