Chapter 4: Ball

22 9 0
                                    

Chapter 4: Ball

"Good morning bes! Black again?" bati sakin ni Claire.

"Sexy kaya tignan ang black" chin up kong sabi.

"Hahaha matry nga sa susunod. Teka" nagulat ako nang hawakan niya ang aking baba.

"Umiyak ka ba?" naningkit ang mata niyang tanong.

Iniwas ko ang aking mukha.

"Hindi a, puyat lang" pagpapalusot ko.

Pero mukhang hindi siya naniwala dahil lalong naningkit ang mga mata niya.

"Kung may problema kasi kayo, sabihin niyo. Makikinig naman kami" pagpaparinig niya habang paupo siya sa kanyang upuan.

Natawa na lang ako at unti-unting nagsidatingan ang aking mga kaklase. Nagsimula na naman silang mag-ingay.

"Ang gwapo talaga ni Kuya Azer!"

"Oo nga! Mabait pa!"

Bumulong ako kay Claire na nakasubsob sa upuan.

"Bakit lagi na lang nilang bukam-bibig 'yung Azer" curious kong tanong.

Umangat si Claire at ngumisi.

"Bakit selos ka ba? Huh? Huh?" umangat-angat ang kilay niyang tanong.

"Nagseselos? Ne hindi ko nga kilala 'yun" iling-iling kong sabi.

"Ows? Pero nakita mo na siya?"

"Hindi"

"Hindi?" nanlaki ang mata niyang tanong.

"Hindi nga, bakit? May dapat ba akong makita sa kanya?" I raised my left eyebrow.

"Oo! Mukha niyang gwapo! Pansin ko nga e, lagi ko na silang nakikita dito sa building natin e noon naman ay hindi" sabay hawak niya sa kanyang baba halatang nag-iisip.

"Siyempre baka nandito din sila sa business department na 'to kaya nakikita mo siya" sabi ko.

"Hindi! Nandoon 'yung room nila sa kabilang building, sa engineering department"

Ang engineering department ay malayo dito sa aming building kaya bakit naman sila pupunta dito? Ang pagkakaalam ko, may canteen, library, mini mart, laboratory, at computer room naman sa building nila.

Mr. PinkWhere stories live. Discover now