Chapter 14: Partner
Matapos akong kumain ay bumalik agad ako dito sa room.
"Bes, lahat daw ng nag-audition ay pupunta na ngayon sa auditorium" lumapit sa akin si Claire.
"Hays, tinatamad ako"
Tumaas ang kilay niya.
"Ulol! Punta na. Samahan kita? Tutal wala naman na tayong klase e"
Tumango ako.
"Tara"
Nagsimula na kaming maglakad pero itong si Claire ay busy sa pagcecellphone.
Maraming estudyante ang nandito ngayon sa loob ng auditorium. Luminga-linga ako sa paligid at bigla akong nataranta nang mahagilap ko ang isang napakafamiliar na lalaki, si pink. Nakatayo siya habang patuloy na nagpapaypay. 'Ang hot niya!' Namula ako sa sarili kong komento.
Agad akong umiwas ng makita kong gumalaw siya. Baka mahuli niya ko.
"Bes sorry mauuna na pala ako. Ihahatid daw ako ni Ivan" malungkot niyang sabi.
"Oh sigi"
Ngumiti muna siya bago naglakad palayo.
Nagkibit-balikat na lang ako. Mag-isa na naman ako."Salamat sa inyo dahil dumalo kayo dito sa auditorium. Pinatawag namin kayo dahil nextweek ay intramurals" principal said.
"Nextweek na ang intrams?"
"Waaahhh nakakaexcite!"
Anong connect? Anong kinalaman namin diyan sa intrams? Walampake diyan, di naman ako maglalaro.
"As I've said, intrams niyo na next week at ngayon, kayong mga nandito ay kailangan namin para sa mga mag-iintermissions"
Lahat ay nakatuon sa harapan.
"Tutal marami naman kayo, naisip-isip namin na idivide kayo into two" sabi ng principal.
"Luuhhhh!"
"Yiieeee sana makagroup ko si kuya crush!"
"This is it!"
Nakarinig ako ng mga bulungan sa palagid. Divide into two? Luminga-linga ako at nagbabakasakaling may kakilala akong nandito at aanyayahin ko siyang maging kapartner ko. Ano ba 'yan, wala?
"Choose your partner. Go!" utos ng principal.
Aminadong wala akong magiging kapartner kaya naglakad na lang ako papunta sa bleachers upang maupo.