Chapter 10: Punishment
Walang pinagka-iba ang aking sabado at linggo, nakakapagod.
Kasalukuyan akong naglalakad dito sa hallway ng university nang biglang may humawak sa aking kamay.
"Hi bes, black na naman?" bungad ni Claire.
"Ye" tipid akong ngumiti sa kanya.
Umiling-iling siya saka kami nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating na kami dito sa room ay sabay kaming umupo. Dumukdok ako sa aking upuan.
"Bes, may sinabi sa akin si Ivan" kalabit ni Claire sakin.
"Ano?" inangat ko ang aking ulo.
"Kyaaahh! Liligawan niya raw ako kyaa--"
Mabilis kong tinakpan ang kanyang bunganga nang makita kong papasok na dito si Sir Buenaventura.
"Good morning class! Get a one fourth sheet of yellow paper so that, we begin the quiz"
"Tangina hindi ako nakareview!"
"Ano ba 'yan!"
Marami akong naririnig na reklamo dito sa mga kaklase ko habang kinukuha ko ang aking yellow paper.
Hindi rin ako nakapagreview! Hindi pa ako nakapaghanda!
"Sir, pwedeng magreview muna kami?" tanong ng aking kaklase.
"K, five minutes is enough"
"Five minutes lang!"
"Huhu 'yaw ko na talaga dito sa earth!"
Lumapit ako kay Claire.
"Bes, pwedeng makireview sa notes mo?" tanong ko.
Napatingin siya sakin saka tumango.
"Hays, hindi kana naman nagtakenotes. Jusko!" pagalit niyang sabi.
Hindi ko na lang siya pinansin. Sabay naming nireview ang kanyang notes.
Walang pumapasok sa aking isipan. Pumikit ako at pilit na finafamiliarize ang mga meanings.
"Time is up! Number one--"
"Sir, how many items?" tanong ng isa.
"Ten, No cheating!"
Nagsimula na ang quiz at hindi ako sigurado dito sa mga answers ko.
Nasa number ten na kami, ako'y kinakabahan. Binasa ni Sir ang question at pilit kong inaalala ang aking nireview habang nakapikit ang aking mata. Walang pumasok na hint sa aking isipan kaya hindi ko na lang ito sinagutan.
"Exchange with your opposite row. Faster!" Sir commanded.
Pinasa ko na ang aking papel pero sinuri muna ito ni Claire.