Chapter 17: Hospital

24 7 1
                                    

Chapter 17: Hospital

Mabilis kong tinungo ang gymnasium at nang makarating na ako dito ay pumasok  agad ako sa loob. Bumungad sa akin ang napakaraming basketball players at mga nag-eensayong muses para sa gaganaping pageant sa intrams.

Agad na hinanap ng mata ko si Claire. Nakita ko siyang nakaupo na mag-isa sa bleachers, lumapit ako.

"Oh bes? Pawis na pawis ka ha? Anong ginawa niyo doon sa music room? Kamusta kayo ni pink yieee" pang-aasar niya.

Hindi ko magawang sagutin ang kanyang tanong. Nakafocus ang mata ko sa mga naglalaro ng basketball.

Lahat ng barkada ni Ivan ay kulay pink ang jersey. Sinuri ko sila isa-isa pero wala talaga si pink. Nadismaya ako, akala ko makikita ko na siya dito.

Nakita ako ng mga barkada ni Ivan kaya kumaway sila sakin kumaway rin ako pabalik.

"Ano? Kamusta kayo ni pink?"

Napatingin ako kay Claire.

"Ewan" kibit-balikat kong sagot.

"Liar. Siguro kinikilig kana naman sa kanya noh" ngumisi siya ng nakakaloka.

Hindi ako nakaimik. Kinuha ko na lang ang aking phone sa bag. Nag-online ako at mabilis kong inistalk si Ivan Grey, manliligaw ni Claire.

Hahanapin ko si pink sa friend lists niya. Gusto kong tanungin kay Claire kung anong pangalan ni pink pero huwag na lang. Dapat ako ang gagawa ng paraan para makilala ko siya. At heto nga, iniistalk ko si Ivan malaman ko lang pangalan niya.

"Hephephep!" nagulat ako nang inagaw ni Ivan ang aking cellphone.

Literal na nanlaki ang mata niya.

"Stalker" natatawa niyang aniya.

Napatingin ako kay Claire at kumunot ang noo niya. Shit! No!

"Bakit moko iniistalk?"

Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso ang mukha ni Ivan. Sasabihin ko ba? Kapag hindi ko sasabihin ang rason, paghihinalaan ako ni Claire na gusto ko si Ivan.

"Ye iniistalk kita kasi may hinahanap akong pangalan sa mga friends mo" kinakabahan kong aniya.

"Si pink ba?"singit ni Claire.

Tumango ako.

"Haahahaha. Okayyy, pero teka" sabi ni Ivan habang hinahalungkat phone ko.

Napatingin ako kay Claire at siya'y ngumisi.

"Tsk, tsk, tsk. Inlove kana nga bes" may halong saya na sabi ni Claire.

Tipid akong ngumiti at binaling ko ang tingin ko dito kay Ivan. May hawak na siyang dalawang phone, ewan ko kung sino ang may-ari nung isa.

"Haahaha, done! Ito na oh Chenaniah" sabay abot niya ng phone ko.

Anong ginawa mo dito sa phone ko? Tinignan ko ang recent apps, pero nabura lahat. Nagkibit-balikat na lang ako.

Pinagmasdan ko na lang ang mga nag-eensayong muses. Sa kalagitnaan ng aking panonood ay biglang nagvibrate ang aking phone. Agad kong binasa ang bagong mensahe.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. PinkWhere stories live. Discover now