Chapter 11: Dula-dulaan

17 6 0
                                    

Chapter 11: Dula-dulaan

Pagod na pagod ako nang makarating ako dito sa room. Isinauli ko muna ang walis at dustpan sa pwesto nito tapos lumapit ako kay tulalang Claire.

"Musta ang date?" sabay upo ko.

"Ayun, perfect! Kyaahhh!"

Natawa ako saka ako tumingin ng seryoso sa kanya.

"Oh bakit? Ikaw, kamusta ang punishment?" natatawa niyang tanong.

"May tumulong sa akin"

Nanlaki ang mata niya.

"Sino? Sino? Sino?" tinulak-tulak niya ako.

"Si pink" diretso kong sagot.

Napaface-palm siya.

"Sino ba kasi 'yung pink na 'yun?" kunot-noong tanong niya.

"Hindi ko alam pangalan niya"

"Eh? Babae?" tanong niya.

Umiling ako.

"Lalaki?"

Tumango ako.

"Baduy ng pangalan! Seryoso pink?" natatawa niyang tanong.

"Pink lang ang tawag ko sa kanya kasi, halos lahat ng nakikita ko sa kanya ay may pink"

"Lalaking favorite color ang pink, so cute! Kyaaahh!" tumili siya.

Bumuntong-hininga ako.

"Bakla yata 'yun e. Diba pambabae lang ang pink?" tanong ko.

"Hindi a! Unisex kaya!" pamimilit niya.

"Pambabae" sagot ko.

"Alam mo ba, na karamihan sa ating mga babae ay favorite color ang pink?"

"No" tamad kong sagot.

"Kasi black ang favorite color mo? Makinig ka, we know women adore pink. It appears they've always loved it even, when it was considered masculine" paliwanag niya.

Hindi ako sumang-ayon sa kanyang sinabi.

"Pink, masculine? Nakakatawa hahaha" tawang-tawa kong sabi.

Napapoker-face siya.

"Women like men in pink some even say, they love them! Simply because they're attracted to pink!" tumayo siya.

Napahinto ako sa aking narinig. Women attracted to a guy whose wearing a pink cloth.

To be honest, noong una ay wala akong pake sa lalaking 'yun, pero noong tumatagal ay naaattract ako sa kanya. It is like, there is something magical about him.

Mr. PinkWhere stories live. Discover now