Chapter 3: Our life
Pagkababa ko ng jeep ay tumakbo na ako papasok sa bahay. Tinanggal ko muna ang aking sapatos bago ko binuksan ang pinto.
"Ikaw talagang bata ka! Wala kang silbi!" rinig kong sermon ng stepmother ko sa aking kapatid. At bago pa man niya paluin ng tsinelas si Isabel ay nagsalita ako.
"Huwag mong saktan ang kapatid ko. Wala kang karapatan na gawin ito" matigas kong sabi habang nakakuyom ang kamao ko.
Una, nagsusuot ako ng black kasi nagbibigay ito ng lakas. Lakas ng loob para kaya kong harapin ang aking problema kahit deep inside basag na basag na ako.
"At sino ka naman para utusan ako? Huh? Akala mo kung sino kang bata ka! Pareho kayo ng kapatid mo, mga walang silbi! Kung gusto niyong kumain ay dapat bumili muna kayo ng yosi at alak ko! Bilis!" pagtataboy niya samin.
Lumapit ako kay Isabel at mabilis ko siyang niyakap. Humikbi siya sa aking balikat.
"Oo nga pala, iyong pera niyo muna ang pambili niyo! Wala na akong pera! Naubos na ng dahil sa inyo!" duro niya sa amin.
Agad kaming umalis doon at umakyat na sa taas. Umupo ako para mapantayan ko si Isabel.
"Sorry, sorry, sorry" haplos ko sa kanyang buhok.
"A-ayos l-lang ako a-ate" hikbi niyang sagot.
"Sinaktan ka ba niya ha?" naiiyak kong tanong.
"Eto lang oh" sabay pakita niya sa kamay niyang pulang-pula.
Pangalawa, nagsusuot ako ng black kasi ang kulay na ito ay nagpapatatag ng loob ko para lumaban at lalong-lalo na para sa kapatid ko. Ayaw kong nakikita niya akong mahina.
"Umupo ka muna dito ha. Babalik rin ako saglit" sabay tayo ko at lumapit ako sa aming drawer.
Tumalikod ako sa kanya at binilang ko ang ipon naming pera habang ako'y lumuluha. Ipon namin ito ng aking kapatid. Nagtratrabaho kami minsan sa aming kapitbahay. Kami'y naglalaba, naglilinis, at kung ano-ano pa. Kahit ganoon lamang ang ginagawa namin ay may naiipon naman kami kahit konti.
Kumuha ako ng 200 pesos at mabilis akong bumaba. Nadatnan ko pang nanonood ng TV 'yung kabit ni papa habang nakataas ang kanyang dalawang paa sa lamesa.
Bago pa man ako pumunta sa tindahan ay kinuha ko muna ang payong.
---
"Auntieee, pabili nga po" tawag ko sa tindera.
"Ano 'yun Cheng?" tanong niya.
"Isang kaha nga po ng yosi tsaka po alak" sabi ko sabay bigay ko ng aking bayad.