Chapter 8: Mama

16 7 0
                                    

Chapter 8: Mama

Nag-aabang ako ngayon ng jeep. At gaya nga ng sinabi ni pink, medyo madilim na pero marami pa rin ang mga estudyanteng nakakakalat dito.

"Nakasalubong ko kanina si Azer! Ang gwapoo! Lalo na 'yung chinky eyes niya!"

"Swerte mo naman. In fairness, ang galing niya kanina"

"Oo nga ihh"

Kahit saan man ako magpunta 'yung Azer pa rin ang naririnig ko. Azer everywhere! Psh.

Tinignan ko ang aking cellphone. Bakit kaya hindi nagtetext si Isabel? Imposibleng wala siyang load, e kaloload lang namin kahapon. May nangyari ba sa kanya? Huwag na nga, baka lowbat lang.

Tumingin ako sa kalsada. Bakit ni isang jeep ay wala akong makita? No ba naman 'to. Pumunta ako sa gilid para makadaan 'yung ibang estudyanteng may kotse.

Tuwing nakakakita ako ng kompletong pamilya na sumusundo sa kanilang mga anak ay hindi ko maiwasang hindi mainggit. Hindi ko maiwasang ikumpara ang aking sarili sa kanila. Sa dinami-dami ng ibang tao, bakit kami pa?

Humarap ako sa loob ng university kasi kanina ko pa napapansing may nakamasid sa akin. Wala ng estudyante ang natira dito, ako lang at itong kotseng kulay white. Pinagmasdan ko ito at naramdaman kong parang nakatitig sa akin 'yung taong nakasakay doon.

Bigla akong kinabahan at kinilabutan. Kaya 'nung biglang may dumaan na jeep ay pinara ko na ito. Natataranta akong sumakay at pinagkibit-balikat ko na lang. Pilit kong sinasabi sa aking isipan na, praning lang talaga ako.

---

"Buti naman nakauwi kana! Kanina pa naghihintay ang mga labahan mo!" bungad sakin ni kabit.

"Pwede po bang ipapabukas ko na lang? Pagod po kasi ako"

Pilit kong pinapakalma ang aking sarili.

"Aba! Susuotin ko 'yung iba bukas kaya dapat ngayon kana maglaba!" galit na galit niyang sigaw.

Tumango na lang ako at baka ako'y masaktan pa.

Nang makapasok na ako dito sa kwarto ay hinanap agad ng mata ko si Isabel. Lumapit ako sa may kama at napansin kong nakakumot siya dito.

"Isabel" mahina kong sabi.

"A-ate n-nandiyan kana pala" paos na paos niyang sagot.

Tinanggal ko ang kanyang kumot saka mabilis na hinawakan ang kanyang noo.

"Ang init mo ha. Kailan pa 'to?" diretso kong tanong.

"Kanina l-lang ate"

Mabilis akong pumunta sa aming drawer at hinanap 'yung mga iba't-ibang klase ng gamot. Nang nakuha ko na ang mga 'to ay lumapit na ako sa kanya.

Mr. PinkWhere stories live. Discover now