Chapter 15: Practice
Binitawan niya ako nang huminto na kami dito sa tapat ng, wait!--
"Dito tayo magpractice" sabi niya.
Tinitigan ko nang mabuti ang nakabukas na pintuan. Hindi pa rin nagsisink-in sa akin na nandito kami ngayon sa isa sa pinapangarap kong mapuntahan, music room.
Matagal ko nang gustong pumunta dito dahil curious na curious ako kung anong itsura nito. Tuwing pumupunta kami sa laboratory at napapadaan kami dito ay gustong-gusto kong huminto at pumasok.
Pero hindi ko magawa-gawa kasi naaalala ko si Mama. 'Music reminds me her presence.'
"Tara na sa loob" tawag ni pink.
Nagdadalawang-isip ako kung papasok ba ako, o aalis na lang. Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin papasok.
Nang tuluyan na akong makapasok ay tumambad sa akin ang napakaraming instruments, mini-stage, at kaunting upuan.
Aalis na sana ako pero, may umagaw ng atensiyon ko ang kumikinang na black piano. Lumapit ako sa pwesto nito saka ako umupo.
"Marunong ka niyan?" tanong ni pink sa likuran ko.
"Hindi"
Narinig kong kumuha siya ng isang mono black chair saka siya lumapit dito sa pwesto ko. Umusod ako palayo sa kanya. Masyadong mainit at nakaka-ilang.
Pinagmasdan ko siya kung paano niya galawin ang open button nitong piano saka siya nagsimulang tumugtog.
Now playing:
Bakit ba ikaw (Michael Pangilinan)Nang nagsimula na siya ay tumindig ang mga balahibo ko at nararamdaman kong lumulundag na ang aking puso sa kilig. Ang galing!
~Mula nang aking masilayan~ ~Tinataglay mong kagandahan~
~Di na maawat ang pusong sayo ay magmahal~
~Laman ka ng puso't isipan di na kita maiiwasan~Nang sinabayan na niya ng lyrics ay lalo akong namangha. Ang lamig nang boses, nakakalambot ng puso, nakakainlab.
~Bakit pa ikaw ang naiisip ko at di na mawala-wala pa~
~Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba~
~Ayaw ng paawat nang aking damdamin tunay na mahal ka na~
~Sanay hayaan mong ibigin kita~
~Maghihintay parin at aasa~