Chapter 16: Where are you?
Lutang na lutang ako nang buksan ko ang pinto ng bahay. Agad akong bumalik sa huwisyo nang makita kong naglalampaso si Sabel sa sahig. Mabilis akong pumunta sa kanya upang tulungan siya.
"Tumayo kana diyan, ako na lang ang gagawa ne'to" kinuha ko ang bunot na hawak niya.
"H-hindi a-ate" nagulat ako nang bigla siyang humikbi.
"Oh bakit?" mahinahon kong tanong.
"Papalayasin daw tayo kapag hindi ko matatapos ang gawaing ito" tuloy-tuloy na ang pag-agos ng kanyang luha.
Kumuyom ang kamao ko at tumayo ako. Mabilis kong tinungo ang kusina para hanapin si kabit.
Nang natatanaw ko na siya ay pinalakas ko ang aking loob na lumapit.
"Ano bang ginawa namin sayo upang ganituhin mo kami?" matigas kong tanong. Pilit kong nilalabanan ang aking kaba.
"Aba! Sinusumbatan mo na ako ha?!" tumawa siya ng sarkastiko.
Lalo akong nagalit.
"Sino ang nagpapakain sa inyo? Saan kayo tumitira? Sino ang nagpapa-aral sa inyo ha?!" galit niyang tanong.
Natauhan ako sa kanyang sinabi. Sana hindi ko na lang ito ginawa baka lalo niya kaming pahirapan.
Humakbang ako palayo sa kanya. At hinila ko patayo si Sabel.
"Punta kana sa kwarto" blangko kong sabi.
Tumango siya.
Umupo ako para ipagpatuloy ang nasimulan ni Isabel. Nilampaso ko lahat ang mga sulok.
---
Alas-onse na ng gabi at pilit ko pa rin hinahanap si antok pero talagang hindi ako makatulog.
Lumilipad pa rin sa isipan ko ang ginawa ko kay kabit kanina. Paano kaya kapag lalo kaming saktan? Wala pa naman ako lagi sa tabi ni Sabel.
Pati 'yung sinabi ni pink kanina ay bumabagabag rin sa aking isipan. Ngayong tuluyan na akong nahulog sa kanya, saka naman magkakaganito.
Dahil sa aking kakaisip, hindi ko namamalayang inaantok na pala ako.
---
Kasalukuyan akong nagwawalis dito sa room ng bigla akong tapikin ni Claire.
"Hi bes, umagang-umaga nakabusangot ka. May problema ba? Ano pala ang nangyari kahapon sa auditorium? Sorry ha umuwi agad ako" diri-diretsong aniya.
"May sasabihin ako sayo mamaya" sabi ko.
"Ngayon na, bakit mamaya pa?"
Napatigil ako sa pagwawalis.
"Kasi nga, mamaya"