Chapter 5: Napkin
Nang makabalik na ako dito sa room ay nagdiretso agad ako kay ma'am saka binigay 'yung past slip.
"Ok sitdown" sabi niya.
Naglakad na ako papunta sa aking upuan.
"Bakit ang tagal mo?" mahinang tanong sakin ni Claire.
"Tanginang pink na 'yun" mahina kong sagot sabay upo ko.
"Pink? Sino ba kasi 'yun?" curious niyang tanong.
"Wala"
Hindi na siya nagtanong kaya tumitig na lang ako kay ma'am na busy sa pagdidiscuss.
"May bago kayong performance task" sabi niya.
"Na naman?"
"Nakakasawa!"
"Ma'am ano 'yun?"
Maraming umangal at marami rin ang sumang-ayon sa sinabi ni ma'am.
"Magdula-dulaan kayo. At dapat bawat member ay makikicooperate" paliwanag niya.
"Ma'am paano ang groupings?" tanong ni Claire.
"By line lang" sagot niya.
"Yes!"
"Buti naman hindi counting kasi nakakasawa na rin"
Natawa na lang ako dahil sa mga naririnig ko mula sa aking kaklase.
"Meeting na kayo ng mga kagrupo ninyo" sabi ni ma'am.
Agad-agad naman kaming nagpabilog kasama ang aking kagrupo. Buti na lang kagrupo ko si Claire.
"Group 3 tayo" sabi ni Angela.
Tumango na lang kami.
"Class ilan kayo sa grupo ninyo?" tanong ni ma'am sa klase.
"Lima ma'am" sabay-sabay naming sabi.
"Ok, pumili na kayo kung sino ang magiging leader ninyo tapos punta dito" sabi ni ma'am.
Napagkasunduan naming magkakagrupo na si Claire ang leader. Mabilis na nagsibunutan ng topic ang mga leaders.
Bumalik agad dito si Claire ng nakabunot na siya.
"Claire, anong nabunot mo?" tanong ni Jasmine.
"Pamilya" tumingin sakin si Claire.
"Yes! Madali lang 'yan!" sabi naman ni Xander.
Hindi ako umimik. Hindi ko alam ang sinasabi nilang pamilya. Masaya ba ito? Kasi ang alam kong pamilya ay malungkot, gaya namin. Sumubsob ako sa aking upuan at mabilis na tumulo ang luha ko.