Chapter 2: Payong

33 13 0
                                    

Chapter 2: Payong

Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang makarating ako dito sa room. Nakakainis! Bakit ba nila sinasabing tomboy ako? Porket heh nevermind!

Umupo na ako sa aking upuan at mabilis na tumabi sakin 'yung mga seatmates ko. Tumingin ako sa kanila.

"Chenaniah, bakit hindi ka nag-audition?" tanong sakin ni Angela.

"Oo nga. Magaling ka pa naman" pagsang-ayon naman ni Jasmine.

"Audition ng?"

"Hala! Hindi updated! Audition para sa sayaw" umangat-angat ang kilay na sabi ni Angela.

"Kailan nila sinabi 'yan? Mukhang hindi nga ako nainform" tanong ko.

"Kahapon" sagot naman ni Jasmine.

"Absent ako kahapon"

"Ahh oo nga pala hehe" sabay nilang sabi at pumunta na sila sa kani-kanilang upuan.

Nagpalumbaba ako. Kaya pala may pasayaw sa auditorium kanina dahil may audition.

Habang patuloy pa rin ako sa pag-iisip bigla kong naalala, may assignment pala kami! Shit! Agad-agad kong binuklat ang notes ko.

"Huhu bes, sorry na oh" hingal na hingal na pumunta sa harapan ko si Claire.

Tumigil ako sa aking ginagawa at ngumiti ako ng malapad sa kanya.

"Sigi pero assignment mo muna" natatawa kong sabi.

"Hahaha wait" umupo siya sa katabi kong upuan at kinuha niya 'yung kanya.

Pinagmasdan ko siya habang nagkakalkal siya ng kanyang bag.

Matalino, maganda, mayaman, mabait. 'Yan si Claire Tores. Habang ako, hindi gaanong matalino, hindi rin mayaman, hindi rin gaanong mabait, pero ubod naman ng kagandahan.

"Heto bes, bilisan mo" inabot niya sakin 'yung assignment niya.

Agad-agad kong kinuha ang aking ballpen.

"Good morning class! Pass your assignment!" umalingaw-ngaw ang boses ni Sir Buenaventura sa room.

Napatingin kami sa isa't-isa ni Claire at umiling-iling siya.

Shet! Wala akong assignment! Paborito pa naman akong sermonan ni Sir! Kasi naman sa bahay e, nevermind.

Isinauli ko na ang assignment ni Claire at tipid akong ngumiti sa kanya.

"Sino ang walang assignment? Stand up!" napatayo ako dahil sa paraan ng pagpalo ni Sir sa kanyang lamesa.

Tumingin siya ng masama sa akin pero hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya yumuko na lang ako habang nilaro-laro ko ang aking ballpen.

"You! Lagi na lang Chenaniah Madrid! Four years na lang gagraduate ka na ng kolehiyo! Be responsible naman class!" ramdam ko ang galit sa boses ni Sir.

Mr. PinkWhere stories live. Discover now