Chapter 12: Sweet
Tinutok ko ang aking mata dito sa lalaking papalapit sa akin. Nang maramdaman kong tutulo na naman ang aking luha ay nagsalita siya.
"Oh" sabay abot niya ng tissue.
Napatingin ako dito sa tissue bago sa kanya.
"Kunin mo na" tamad niyang sabi.
Kinuha ko naman ito.
"Ito pa" sabay abot niya ng tubig.
Pinunasan ko muna ang natuyong luha ko saka ako tumingin ng seryoso sa kanya.
"Paano ko 'yan makukuha, e ang rami kaya ng hawak ko"
"Tss. Talikod ka" utos niya.
Nagkibit-balikat ako bago tumalikod. Narinig kong binuksan niya ang zipper ng bag ko at dito niya inilagay 'yung tubig.
Humarap ako sa kanya.
"Salamat" sabi ko.
Tumingin siya ng seryoso sa akin.
"Napanood kita, ang galing mo"
Nanood siya? Magsasalita sana ako nang bigla niya akong hilahin.
'Tara, libre kita" aniya.
Hawak niya ang aking braso habang kami'y naglalakad. Lahat ng nadadaanan naming estudyante ay napapatingin sa amin.
"Aw, pwede bang bitawan mo na ako" reklamo ko.
Huminto kami sa paglalakad at binitawan naman niya ang aking braso.
"Shit. Sorry. Masakit ba?" nag-aalalang tanong niya.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Konting-konti na lang mahuhulog na ako sayo. Huwag ganito please.
"Ok na" sagot ko.
"Mauna kana maglakad dito lang ako sa likod mo"
Tumango na lang ako. Mas mabuti na rin 'to kaysa kinakaladkad niya ako.
Nang makarating na kami dito ay agad siyang lumapit sa akin.
"Maupo ka muna, bibili lang ako ng pagkain mo" aniya.
Tumango na lang ako at nagsimula na akong maglakad papunta sa mga upuan.
Nagpalumbaba akong tumitig sa kanya. Nasa ganito na naman akong lagay, nasa tabi ko na naman siya.
Nang makuha na niya ang kanyang binili ay lumapit siya sakin.
"Oh" abot niya ng ice cream na kulay pink.
Kinuha ko ito.
"Kapag malungkot ka, strawberry ang kainin mong ice cream" seryosong aniya.
Curious akong napatingin sa kanya.
"Why?" tanong ko.
Umupo siya sa harapan ko.