Chapter 7: Panyo

15 9 0
                                    

Chapter 7: Panyo

Dinala ako ng aking mga paa dito sa isang bench na malapit sa gymnasium. At patuloy pa rin umaagos ang aking mga luha.

Sana hindi na lang ako kumanta, sana hindi na lang. Tinaas ko ang dalawa kong paa at sinubsob ko ang aking mukha dito.

Napakainit dito sa pwesto ko pero wala na akong pake. Hinilamos ko ang palad ko sa aking mukha.

"Mainit diyan" sabi ng isang familiar na boses.

Inangat ko ang aking ulo.

"Go away"

Pero hindi niya ako pinakinggan bagkus umupo siya sa tabi ko.

"Heto" sabay abot niya ng panyong pink.

Tinitigan ko lang 'yung panyo at wala akong balak itong kunin. Sumubsob ulit ako sa aking mga binti at narinig kong huminga siya ng malalim.

"Hays, magaling ka namang kumanta pero bakit ka umiiyak? Huwag mong sabihing iniyakan mo 'yung kanta?"

"Oo! Iniyakan ko 'yung kanta. May mali ba doon?" diretso kong sagot at tumayo na ako pero bago ako makaalis ay hinawakan niya ang aking braso.

"S-sorry"

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Bitawan mo ko" madiin kong sabi.

Nang binitawan na niya ako ay kumaripas agad ako ng takbo. Bakit tuwing nasa mahina akong lagay ay palagi siyang nandiyan na handang dumamay?

Napahinto ako sa pagtakbo nang makasalubong ko sina Claire at Ivan.

"Bes, okay ka lang?" lumapit sa akin ang nag-aalalang Claire at mabilis niya akong niyakap.

Napahikbi ako sa kanya.

"Ssshh, nandito naman ako--"

"Kami kamo a" paglilinaw ni Ivan.

"Ay kami pala hehe sornaman" pagtatama naman ni Claire.

Napangiti na lang ako sa dalawang 'to.

"Tara na nga" sabi ko sa kanila.

Sabay silang ngumiti sa akin kaya gumaan ng kaunti ang aking pakiramdam.

"Tara sa canteen, my treat" sabi ni Ivan.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Gwapo naman ng lalaking 'to.

"Sure ka? Baka mauubos pera mo niyan. Matakaw pa naman kami" natatawang sabi ni Claire sa kanya.

"Ok lang, basta para sa ikabubuti ng kaibigan mo" banat niya kay Claire.

"Sus, tara na nga" sabay hila sakin ni Claire.

Nauuna kaming maglakad ni Claire at si Ivan naman ay nasa likuran namin, sumusunod.

Mr. PinkWhere stories live. Discover now