Chapter 6: Kanta

25 8 0
                                    

Chapter 6: Kanta

Pagkatapak ko pa lang dito sa room ay sinalubong agad ako ni Claire.

"Bes, bes, nagtext sakin si Ivan! Kyaaah!" kinikilig niyang sabi.

"Ingay mo" sagot ko at nagdiretso na kami sa aming upuan.

Sabay kaming umupo at biglang lumapit samin sina Angela at Jasmine.

"Claire, kailan tayo magprapractice ng dula-dulaan?" tanong ni Angela.

Nakapalumbaba kong pinagmasdan si Claire na nag-iisip.

"Chenaniah, okay lang ba kung practice tayo mamayang hapon? Sa library" tanong sakin ni Claire at napatingin naman sakin sina Angela at Jasmine.

"Oo naman" sagot ko.

"Sige, sasabihin na lang namin kay Xander" sabi ni Angela at umupo na sila sa kani-kanilang upuan.

Tumango na lang ako at sumubsob sa aking upuan.

"Good morning class!" rinig kong sabi ni Sir Tolentino.

Tumayo naman kami at sabay-sabay na bumati.

"We have an activity class. Doon tayo sa computer room para makapagsearch kayo" sabi ni Sir.

"Ok sir"

"Yes! Dadaan tayo sa classroom nila kuya Azer!"

I took my bag at lumapit ako kay Claire.

"Tara" sabi ko sa kanya.

Isinabit na rin niya ang kanyang bag at sabay kaming lumabas.

Ang computer room naming mga taga business department 02 ay malayo sa mismong building namin. Marami kaming madadaanan na buildings bago kami makarating doon.

Habang kami'y naglalakad ay pana'y kwento ng kwento si Claire tungkol kay Ivan at tango na lang din ako ng tango.

At ngayon ay nasa engineering building na kami. Napatingin ako sa nilalakaran naming hallway at ni isa ay wala man lang akong makitang nakakalat na estudyante kumpara sa building namin.

"Bes, tingin ka dito oh" kalabit sakin ni Claire.

"Saan?"

Tumingin ako sa harapan at halos lahat ng aking kaklase ay huminto dito sa tapat ng engineering department 01. Huminto din kami ni Claire. Napatingin ako sa loob ng classroom na ito. Anong meron dito?

"Bes, nandoon si Ivan oh" turo niya sa lalaking nakikinig sa harapan.

"Ssshh, nagklaklase sila" sabi ko.

Napatingin ulit ako sa loob at naningkit ang mata ko nang makita ko si pink. Nakapout siyang nakatingin sakin.

Kinilabutan ako kaya hinila ko na si Claire.

"Bes naman, hindi pa ako nabusog e" tantrums niyang sabi.

"Busog saan?" nakataas ang kilay kong tanong.

Mr. PinkWhere stories live. Discover now