Chapter 9: Luto
Nagising ako nang biglang sumigaw si kabit sa labas ng pinto.
"Ano na? Wala kang balak na labhan 'yung mga damit? Baba kana dito!"
Nagunat-unat ako.
"Teka lang po, bababa na"
Kinuha ko lahat ng mga damit namin ni Isabel na kailangan nang malabhan bago ako bumaba.
Pumunta ako sa labas at tumambak sa akin ang napakaraming labada. Bumuntong-hininga na lang ako.
Pero bago ako maglaba ay napatingin muna ako sa langit, ang ganda. Napakaraming bituin at ang liwanag ng buwan. Kay gandang pagmasdan.
Nilagyan ko ng tubig 'yung palanggana at washing machine. Una, kinusot-kusot ko muna 'yung mga maruruming damit bago ko nilagyan ng sabon 'yung washing machine. Buti na lang may ganito kami, upang sa ganoon ay may katulong ako sa paglalaba.
Kasalukuyan na akong nagsasampay pero napahinto ako nang mahawakan ko ang panyong binigay sakin ni pink.
Pink talaga favorite color niya huh? Natawa na lang ako ng maisampay ko na. Ibabalik ko na lang ito sa Monday.
Nakahinga ako ng maluwag nang tapos na ako sa paglalaba. Nagunat-unat ako.
---
Pagkatapos kong maglaba ay umakyat na ako sa taas. At mabilis kong gisining si Isabel.
"Isabel, gising na. Kain na muna tayo" tumabi ako sa kanya.
"O-ok p-po ate" nahihirapan siyang bumangon.
Kinapa ko ang leeg at noo niya.
"Dito kana lang, dadalhan na lang kita ng pagkain. Higa ka muna"
Ang init niya! Kinabahan ako.
Dali-dali akong bumaba at pumunta sa kusina. Kumuha muna ako ng tray para panlagyan ng pagkaing dadalhin ko sa taas.
Binuksan ko ang palayok at napangiti ako nang makita ko ang paborito naming ulam, sinigang.
Nang natapos na ako sa paglalagay ng mga pagkain dito sa mangkok ay binitbit ko na ito pataas.
"Isabel, umupo kana muna"
Umupo naman siya at mabilis kong binigay sa kanya 'yung pagkain.
Pinagmasdan ko siya habang kami'y kumakain. Nag-aalala ako sa kanya, sana magaling na siya bukas. Takot na takot ako.
Nang natapos na kaming kumain ay pinainom ko agad siya ng gamot. Binantayan ko muna siya na makatulog bago ako bumaba para makapaghugas.
Nadatnan kong naghaharutan si Papa at kabit dito sa sala. Sana ganyan si Mama at Papa ngayon kung wala ka kabit!
"Oh anak, kumain na kayo?" tanong sakin ni Papa.
"Opo pa"
Tumingin ng masama sakin si kabit. Tss, hindi ko aagawin sayo si Papa!
Nagsimula na akong maghugas. Buti na lang at kaunti lamang ang aking huhugasan. Makakapagrelax na ako!
Pinagmamasdan ko ngayon si Isabel. Hindi ako makatulog, kinakabahan ako.