Finally, naka survive ako sa parada para sa Nutrition Month. Natapos na rin ang mga exams namin.🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁
After 3 years. Ito Grade 10 na. Marami na ang nagbago. Naging active ako sa mga school activities kasi nasa top ten ako at kabilang sa mga honor students. Kailangang maintain ang grades at magkaroon ng additional grades na galing s mga curricular activities na sinsalihan ko. Sayang din yun di ba?.
While in class. Kinalabit ako ni Sandy. Isa sa mga classmates. Di kami close pero nakikipag ngitian naman ako sa kanya pag nakakasalubong ko sa labas at loob ng klase.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Sabi pala ni Arlene. Mag perform ka daw sa coronation night ng Miss Campus Beauty. Para daw s kanya." Sabi nito.
Si Arlene is also my classmate na nanalo bilang Miss Campus Beauty. She's one of my friend. Kaya siguro ni request nya mag perform ako. Ang problema wala akong kasama na sasayaw.
"Yun ba?"sabi ni Sandy.
"Oo"
"Walang problema. Yung grade 9 student na dalawa sa pilot section sasali daw friend din sila ni Arlene. Kaya kayong tatlo ng sasayaw. At may magtuturo pa." Excited nitong sabi.
"Ganun pala eh. Di mo agad sinabi. No problem na pala. Okay ako dyan....paki sabi kay Arlene okay na, ha?"
Nag thumbs up sign sya. Tapos bumalik na sya sa upuan nya.
****************
Coronation day.
Time to shine. Nagsimula na ang program. Rumampa na ang mga kandidata kasama ang kani-kanilang escort. Kasabay ng nakapanginig ng tuhod ko sa sobrang kaba. Dahil nalalapit na ang pagsayaw namin ng mga kasama ko sa kalagitnaan ng coronation program. One bybone was given their respective awards. But one of my cousin who's with me that night was eyeing for someone. Kinalabit nya ako and pointed someone on the stage. He is one of the escort."Insan, ang pogi nung escort ng number 9, tisoy ang puti."
Ang sabi ko sa kanya ay ok lang. Yun lang. Wala syang dating sa akin kasi iba ang iniisip ko. Yung presentation namin mamaya.
After a while. Natapos na ang consolation awards para sa ibang candidate. After that, kami na susunod. Naghihintay na lang kaming tawagin ng MC. We're at the backstage getring ready. Feeling excited and nervous kasi gusto ko yung gagawin ko ang mag perform. Kahit mahiyain ako. Pag dating naman sa sayaw at pag perform dito lumalabas ang self confidence ko. Kasi I know to myself na this is my forte.
Finally tapos na talaga pati na rin ang pagkorona sa bagong reyna ng school namin. After the program may pasayaw o pa party ng school sa lahat ng mga students.
Except me, ako yung taong hindi mahilig makipag sayawan. Lalo na kung love songs ang tugtugan. Ayoko ko kasing hinahawakan sa bewang lalo na kung lalaki pa. Okay lang yung sayaw na walang body contact. Pero di ko talaga hilig yun. Mas gusto kong nanonood lang. Na nag eenjoy ang mga friends ko at schoolmates.
"Jay!!!, May gustong magpakikilala sayo. At kungbpwede daw na isayaw ka nya." Sabi ng isa kong classmate.
Nagulat pa ko nung tapikin nya ako sa balikat. Ang tanong ko kung sino yun. Sabay turo nya sa lalaki na nasa likod nya. Well gwapo naman sya. Medyo tisoy. Yun lang.
Sabi ko naman, " Bakit ako, ang dami namang magaganda dyan. Ako talaga ang gusto nyang makikilala? Bulong ko sa classmate ko.
"Ikaw ang tinanong sa akin. Ang galing mo daw sumayaw kanina." Sabi nya. "Gusto nyang makikilala ka. Sige na pagbigyan mo na dayo lang yan dito taga kabilang bayan pa yan at napakiusapan lang na mag escort sa pinsan nya. Sige na..." Pangungulit nya sa akin. "Sige na. Okay na.. kulit mo." Sabi ko.
Nakita kong kinawayan nya yung nasa likuran nya at naglakad na papunta sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Torpe meets Ms. Mahiyain (Completed)
Random....Jayeanne isang simple at mahiyaing typical teenager. Paano sya makaka cope up sa bagong buhay nya bilang Manila girl turn into a Probinsyana girl and sa anong paraan will this Mr. Popular guy but sobrang torpe have to cross their path together i...