"Hay...umaga na nga pala. Mag aayos pa ako ng breakfast naming magkapatid."
By the way, ako nga pala si Jayeanne but my friends call me Jay for short. At grade 9 student dito sa Bicol. Kilala sa tawag na CamSur ang aming probinsya. Kasama ang aking sister na si Malou na nasa grade 7 naman. Transferee kami dito. Taga maynila kami pero kailangan naming lumipat dito. Kasi di kami maaasikaso ng aming mama. Nakatira kami sa mga Lolo at Lola namin. Parents sila ng mother ko.
Mahirap na may kasamang adventure ang buhay sa province. Syempre manila girl kami. But eventually we can manage.
" Wow..ang sakit sa mata." "Huwag mo kasing idukdok ang mata mo dyan malapit sa lutuan. Paypayan mo lang, masakit talaga sa mata ang usok ng kahoy na gatong." Sabi ng lola ko. "Ahh..kaya pala," sabi ko sa sarili ko. "Ate ligo ka na!" Sigaw ng sisteret ko. "Oo, saglit lang maluluto na 'tong sinaing at kakain na tayo.
"Ate!, bilisan mo na ang lakad flag ceremony na. Di tuloy tayo makaka attend. Habang hingal nyang sambit. Samantalang ako naman ay lutang. Kasi di ko maintindihan kung ano yung nararamdaman ko. Habang papalapit kami sa school.
Nagpapasukan na lahat ng mga estudyante sa kani-kanilang room. At ako naman sumusunod lang sa isang grupo na papasok sa room na papasukan ko rin. Pagpasok ko, naghanap agad ako ng mauupuan ko. I saw a vacant chair on the second row. I toss my bag on the chair and sit quitely. I think walang nakakapansin sa existence ko pero in the back of my mind. Obviously meron kasi I'm new here. I just don't want to notice it sa sobrang kaba.
Someone is approaching. Siguro yung teacher na. Sabay, "Good morning class" she said. "Good morning Mrs. Demencio". Sabi ng mga bago kong classmates. She replied, "I'm Mrs. Demencio to those who didn't know me yet. I will be your class adviser and your english teacher. I have the list of your names here and I saw a name that is not familiar to me. We have a transferee and can you please stand up and introduce your self to us please."
While standing up. My legs began to shake and my hands become sweaty. Slowly I walk in front of the class and look at them and to my new teacher beside me. I inhale deeply and hold my breath and exhale. Pampalakas ba ng loob bago mag salita. This is it pansit. Bakit pa kasi may ganito pa eh. Okay ito na. "Good morning Teacher Demencio, Good morning classmates. I'm Jayeanne Vergara, 15 years of age. Formerly studying at St. Joseph High School Manila." Habang nagsasalita narinig kong nagbubulungan sila. Taga Maynila daw pala ako. I don't know what they are thinking, so I just continue. " Just me and my sister were here. Presently we're living with our grandparents together with my cousins. That's all." I vow my head and pumunta na ako sa upuan.
Patuloy na umusad ang klase namin. Di ko namalayan na hapon na pala. Ngayon ko na experience yung halos uminit ang pwet ko sa upuan at focus ako sa lahat ng subject na pinag aralan namin. Masarap pala yung feeling almost everything na tinuro eh, pumasok lahat sa isip ko at matatandaan mo lahat ng tinuro ng teacher. Feeling genius di ba?
Krinnngggg!!!!!. Hay..tapos na uwian na. Palinga linga, "Nasan na kaya ang sisteret ko. Labasan na rin kaya nila". Ayun nakita ko na kumakaway may kasamang ng tropa agad agad. Tinalo talaga ako. Kasi naman hindi ako gumagalaw gaano sa upuan. Kahit man lang nga lumingon sa katabi di ko ginawa. Parang di ko pa kasi feel makipag chika chika sa kanila eh. Sa mga teacher ko muna ako makikinig.
Pinakilala nya sakin mga bago nyang friends. Close kami ng sister ko. Hindi katulad ng iba nag iinggitan. Kami hindi. Bilang panganay kargo kong pangalagaan ang ang kapatid ko at bilang ate habang malayo kami sa poder ng mga magulang ko, ako magga guide sa kanya. Makulit sya pero ginagalang at sinusunod naman nya ko bilang nakakatanda sa kanya. We have the same interest of hobbies. Mahilig kaming mag basa, kumanta, at magsayaw. Hindi naman sa pagyayabang isa ako sa dancer ng dati kong school sa manila. Sabi ng family ko sobra akong mahiyain pero pag pinasayaw kahit solo performance sumasayaw ako. Hindi ko rin alam. Pero yun ang totoo, masyado akong self conscious sa totoo lang.
Naglalakad na kami pauwi ng may, "Pinsan pasabay naman pag uwi..." Sabi nya. Nilingon ko sya kasi pinsan daw. Namumukhaan ko sya classmate ko. Pero di ko alam kamag-anak ko sya." Di mo ko matandaan ano? Magpinsan ang lolo natin kaya mga 4th cousin na tayo. At saka bihira naman kayong mag bakasyon dito sa Camsur maliliit pa nga tayo nun. Kaya di mo na ako mamumukhaan. Ako nga pala si Natalie. Bukas tabi tayo ng upuan makikipagpalit ako dun sa katabi mo. Papayag naman yun. Okay lang sayo?"sabi nya. "Sige, okay lang para may kachikahan ako bukas. Enjoy pa nga kasi classmate na, pinsan pa di ba?" Sabay apiran kaming dalawa.
Masaya kaming nagkukwentuhan habang binabaybay namin ang mahabang kalsada patungo sa aming bahay. Nalaman ko rin magkatabi lang pala ang bahay namin.
*****************
Please keep reading....
Comment
Vote and Like
♥♥♥♥♥♥♥
BINABASA MO ANG
Mr. Torpe meets Ms. Mahiyain (Completed)
De Todo....Jayeanne isang simple at mahiyaing typical teenager. Paano sya makaka cope up sa bagong buhay nya bilang Manila girl turn into a Probinsyana girl and sa anong paraan will this Mr. Popular guy but sobrang torpe have to cross their path together i...