Chapter 19

5.3K 107 3
                                    


Mike........

     "It's almost a month na pala.  I miss our conversation together.  Pero kailangan kong umiwas".   Suzie warned me about Jayeanne.  She doesn't like her.

     Everyone sa tropa ko alam nilang may gusto sa akin si Suzie.  Humantong pa nga na she stalked me.  Anywhere I go she was there.  Pinagsabihan lang ng tropa na pangit tingnan kasi kababaeng tao habol ng habol sa lalake.  Kaya medyo nabawasan ang pag stalk niya sa akin.  Hanggang huminto na rin.  Palibhasa tropa nakikisakay na lang ako sa trip niya.  At dumalang ang pag-sama sama ko sa kanila.  Paraan ko para makaiwas na rin.

    
     Pauwi na ako ng biglang.  "Mike pwedeng makisabay sa'yo.  Nasiraan kasi ng car si Dad eh.  Male-late daw siya ng sundo.  But I don't want to stay here so long.  Kaya sabay na lang ako sa'yo.  Pleasssse...." Pakiusap niya.

     Even I dont want to.  Nakakahiya namang tumanggi. Her place is just on my way home.  Kaya okay lang. "Yes, no problem. Ok, let's go".  Nagpaalam na kami sa tropa at lumakad na papuntang parking.

     Nakalabas na kami ng campus.  Bago pa kami makalabas sa highway medyo matraffic na. Pagliko ko, malayo pa lang may nakita akong nakaabang sa sakayan ng jeep.  Halatang naiinip na siya sa kahihintay.   Napansin kong punuan ang mga jeep.  I have this urge na lapitan at isabay na lang pauwi but may hindrance.  Suzie is with me.  I don't have a choice. Malapit na kami sa tapat ng kinatatayuan niya ng bigla namang huminto ang mga sasakyan sa unahan ko.  Kaya eksakto sa harapan ni Jayeanne the car stop.  Eventhough I didn't look at her I know that she saw me and unfortunately with Suzie. Gustung- gusto ko syang lingunin at batiin pero pinigilan ko ang sarili ko.  Hindi maari.  I'm going to pretend that I didn't notice her.  Para hindi na pag-initan pa ni Suzie​ si Jayeanne. I don't want that  to happen again.

     Buti na lang at hindi nagtagal at umusad na rin ang mga sasakyan.  Nakahinga ako ng maluwag at frustrated din at the same time. But there's nothing I can do.

    I brought her home first before I go ahead and headed home.  Nag baka sakali ako and I call Jayeanne. It rings but just keep on ringing at biglang huminto.  I call her again pero she refuse to answer me.  Alam ko iniiwasan na rin niya ako.  Alam ko rin na nakarating na sa kanya ang balibalitang girlfriend ko si Suzie. I really wanted to talk to her noon pa about this rumor pero buwisit kasi 'tong sarili ko eh.  Dahil sa katorpehan ko inaabuso ako ng isang babae at may nasasaktan akong babaeng importante sa akin.

     I wanted to apologise and explain everything about what happened. "Sira-ulo ka kasi.  Bakit ka gayan? Hahayaan mo na lang ba na mabalewala lahat ng na simulan mo?".  Naiinis na tinanong ko ang sarili ko.

     Riiiinnng!!!...."hello??" Dexter answering the phone.

     "Tol, sorry to disturb you.  Kailangan ko lang ng makakausap.  Masisiraan ako ng ulo kung wala akong pagsasabihan nito eh".   Pang-iistorbo ko sa kanya.

    "Ikaw pala Mike. Akala ko kung sino. Anong problema tol?  Bakit? Anong oras na ba?".

     "Quarter to twelve na tol.  Pasensiya ka na talaga".

     "Okay lang tol, ikaw pa.  Bihira ka namang humingi ng pabor sa akin.  Ako nga madalas.  O anong maipapayo ko sa'yo?".

     "Alam mo naman di ba ang sitwasyon ko ngayon.  Nakita kami ni Jayeanne kanina pag-uwi na kasama ko si Suzie sa kotse ko.  And then after kong ihatid si Suzie sa kanila tinawagan ko si Jayeanne...."

     "And then anong nangyari. Sinagot ba?".

     "Yun na nga ang problema ko.  Hindi nya sinasagot.  Alam kong iniiwasan na niya ako.  She also unfriended me in her fb and messenger.  Even sa text hindi na siya nag rereply.  Siguro tol nalaman na niya yung kumakalat na gf ko si Suzie".  Pagkatapos nun napa buntong-hininga na lang ako.

     "Mag-explain ka sa kanya.  Hindi ko rin siya masisi tol.  Kasi bago pa tayo nag sem break iniwasan mo na siya.  Ikaw ang unang nagparamdam sa kanya nun.  Nagtampo yun sa'yo. Tapos mababalitaan pa na kayo na.  And you even don't bothered to deny or make any comment in that rumor that is not true.  Wala kang ginawa. Malaking problema mo.  Hinayaan mong kumalat pa". Panenermon ni Dexter sa akin.

     "Alam ko tol.  May kasalanan talaga ako.  Tinolerate ko ang pagkakalat ng tsismis ni Suzie. Paraan niya daw yun para layuan ako ng kahit sinong babae na magugustuhan ko.  Hinayaan ko siyang gawin yun. Kahit alam kong pina iikot at minamanduhan ang buhay ko.  I let her do that to me.  Ang tanga tanga ko tol"

     "Ikaw na ang may sabi niyan.  Bakit kasi ang bait-bait mo.  Pwede ba tol kahit minsan magpakalalake ka naman". Sabi ni Dexter.

     Medyo tinamaan ako sa sinabi ni Dexter. "Magpakalalake ka naman". Yan ang mga salitang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. Naging duwag ako sa lahat ng pagkakataon.  Tinatalo ako ng pagiging torpe ko sa mga babaeng nakakaharap ko.  Lalo na kung alam kong may gusto sa akin at sa mga babaeng nagugustuhan ko din. May nasasaktan na ako at may umaasa sa wala.  Mali eh.  Kailangan ko ng ayusin ito. Para hindi na umabot pa sa hindi maganda.

     "Sige tol.  Maraming salamat sa advice.  You open my eyes in something na hindi ko nalalaman na nakakasakit na ako ng damdamin  sa ganitong paraan ko.  Akala ko kasi sa sobrang mapagbigay at pakikibagay ko ay hindi magkakaroon ng conflict.  Yun pala the worst ang mangyayari. Sige na tol, tulog ka na.  Maaga pa tayo papasok sa school bukas.  Thank you again tol.  Alam ko na ang gagawin ko.  Ok bye at goodnight na rin." Paalam ko.

     "Wala yun tol.  Malakas ka sa akin eh.  Sana maayos mo na yan. O sige bye.  Goodnight din".  Paalam di niya.

     Tomorrow I will make a change.  It's time.

***************************
💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜
To all the readers.....
             Thank you........

Please vote and comment.

@morningstarJB.  😊😊😊

***************************

Mr. Torpe meets Ms. Mahiyain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon