Chapter 6

9.9K 127 5
                                    


     It's monday today...kaya maaga akong nagising.  Nakaluto na si Mama ng almusal kaya kakain na lang kami ng sister ko.  Eto yung masarap na gigising ka sa umaga may nakahain ng almusal.  Hay..iba talaga kapag may kasamang magulang na nag aasikaso. 

     Nakarating kami ng school ng maaga pa. So ito nakapila na kami para sa flag ceremony.  After that, start na ng klase.

     And this time.....ang pinaka paborito ng lahat ng mga students na subject is.... recess time.  Tambay muna kami sa labas ng room.  Dun sa ilalim ng puno ng mangga na nasa loob ng school playground namin.  Malaki talaga sya.  Masarap tambayan kasi malamig na at presko ang hangin.  Habang nakaupo kami ni Nat.  Nakita ko yung isa kong friend na patakbo papunta sa amin.  Ang sarap pa naman ng kain namin ng banana cue at  palamig habang nag babasa ng lecture namin after ng recess.  Ugali kasi ng mga teachers yung surprise quiz.  Susubukan ka kung nag aaral ka talaga at nakikinig sa mga tinuturo nila.

     "O, bakit ka tumatakbo dyan?" Tanong ko.  "Pwede ka namang mag lakad, wala naman yatang humahabol sa'yo?". Tinuro ko yung upuan sa gilid ko at pinaupo ko sya.

     Pinalo ako ni Venus sa hita at sabay sabing " Ikaw
ha..may pa secret secret ka pa.  Ang dami ko ng naririnig na tsismisan tungkol sa'yo."

     Nagulat ako sa sinasabi nya na secret.  Ano yun?  Kaya tinanong ko sya.  "Anong secret ang sinasabi mo ? Ito ngang si Nat kanina pa kami dito wala naman syang tintanong sa akin at wala rin naman akong secret na sinasabi sa kanya.  Bakit ano bayang tsismis na yan tungkol sa akin? At sa pagkakaalam ko, wala naman silang dahilan para pag tsismisan nila ako.  Hindi ko maintindihan.  Paki explain sa akin.  Baka ikaw alam mo ang dahilan." pag uusisa ko sa kanya. 

     Teka lang.  Before mag flag ceremony.  I noticed something odd na eh.  I just don't mind it.  Kasi wala naman kong dapat pansinin sa kanila.  Baka...ito na yun.  Dapat kong alamin.

     "Spill it my friend, ano yun?" sabi ko sa kanya habang nakatingin kaming dalawa ni Nat at inaabangan kung anong sasabihin nya.  "Ganito kasi yun.  Sabi nila may boyfriend ka na daw."   "Ano!!!!????"  Duet naming tanong kay Venus.  Na shock talaga ako. Kasi buti pa sila alam nilang may boyfriend ako pero ako hindi ko alam.  Nakakaloka.  Tinanong ko sya kung sino ang nag sabi nun at ikinalat pa talaga ha.  Sabi nya " Si Loraine yung kasama mo sa sayaw. Kasi nakita daw nya na pumunta sa bahay mo si Mike nung saturday.  Yung escort ng classmate nya." "Ahhhh....okay" Yun lang ang nasabi ko sa kanya.

     Tawa naman ng tawa si Nat kasi alam nyang umakyat nga yun ng ligaw sa akin.  Pero one time pa lang.  Grabe talaga ang mga tsismosa.  At napag alaman ko pang na crush pala nya si Mike kaso di sya type.  Pero sa totoo lang maganda naman sya at matangkad.  Samantalang ako cute daw kasi maliit ako.  Pero di naman ako pangit.

     I told the real story to Venus.  Naliwanagan naman sya.  At "Hello" bawal pa kong mag boyfriend pwede daw magpa ligaw at maayos kong tanggapin yung mga gustong manligaw.  But at the end, i have to say in a good way na. Bata pa at pag aaral muna ang uunahin ko at kung kaya nilang hintayin ako kung kailan ako ready it's up to them. But still future ko muna ang uunahin ko.

     By the way.  Okay lang naman daw. At least they try.  Oo nga naman.  Wala naman kasing mawawala. Yung experience of both person and also, you express your feelings to that person is enough.

     Kaya sabi ko sa cousin kong si Nat at sa friend kong si Venus.  Hayaan na lang sila kung anong gusto nilang isipin. I didn't hae to explain anything. Kasi wala namang dapat ipaliwanag. If it's true or not, na boyfriend ko si Mike.  Mainggit na sila.

     Sabi ko nga. Wag nilang sasabihin o ipapaalam dun kay Mike na boyfriend ko na sya kasi pag nalaman.  Eh di wala na akong boyfriend.  Meaning, hindi alam ni Mike na boyfriend ko na sya. Kakaloka ano?

Mr. Torpe meets Ms. Mahiyain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon