Mike..........."Yesss!! Finally..nakausap ko na rin si Jayeanne". Excited na sabi ko. Na may kasama pang pasuntok- suntok sa hangin. Pinagtitinginan tuloy ako. Para kasi akong baliw sa ginagawa ko. This is now my big chance na matuloy ang pangliligaw ko sa kanya. But of course hinay-hinay lang. I'm going to make it one step at time. "Siguro makikipag friend muna ako sa kanya. To know each other well. Yun ang magandang first step na gagawin ko. Tama!!!. Bright idea" telling myself habang pabalik na ako sa school. Uuwi na rin ako. Papunta ako sa parking lot para kunin ang kotse ko. Meron nga pala akong kotse. Regalo ng Daddy ko for my birthday last year.
I feel so happy while I'm on my way home. Di ko ma-explain ang feeling. Sa wakas after so many years. Di ko akalain na magkikita pa kami ulit. Hinanap ko si Jayeanne sa fb pero iba yata ang gamit nyang pangalan kaya di ko rin nakita. And then dito lang pala kami ulit magkikita. Ang kapalaran nga naman.
While I'm in my room. Lying in my bed. Trying na makatulog agad kasi final exam na namin. Madugo pa naman ang exams ko. It's all about math solving. Pero di ako dalawin ng antok. Siguro dahil sa nangyari kanina. Excited lang naman ng marami. Kinuha ko ang cellphone ko and I scroll her name sa phonebook ko. Then, "Tawagan ko kaya sya o text na lang". Habang pinag-iisipan kung anong dapat gawin. I decided na.....
Mike: Hi. Good pm. Are you still up?
After 2 minutes she replied.
Jayeanne: Yap. I'm sorry I didn't notice your text. Why?
Mike: Nothing. Sorry also to disturb you. I just cannot sleep. You don't mind if I ask.
Jayeanne : What is it?
Mike : After the exam can I ask you out? Pero kung hindi pwede ok lang. Well, just asking.
Jayeanne : Hindi ko alam. Siguro. Busy pa kasi ako. Marami akong project ngayon. Baka next time.
Mike : Okay lang sa akin. Marami pa namang pagkakataon. Pasensya ka na talaga sa istorbo.
Jayeanne : Uy, okay lang. Maliit na bagay. Kasing liit ko. Busy lang talaga ako ngayon. Lalo na at malapit na ang bakasyon.
Mike : Oo nga eh. By the way. Thank you sa time mo. Hindi ko na patatagalin 'to. Goodnight and good luck to your exam. Bye. Sweet dreams.😊
Jayeanne : It's okay. Thank you. Good luck too. Goodnight.
Nakatingin lang ako sa last message nya. Sumisipa-sipa na nakahiga. Akala ko hindi sya magreresponse sa message ko. Para akong nanaginip ng gising. Ito na ang simula.
Makakatulog na rin ako. Tapos na rin naman akong mag review. Sa palagay ko. Marami akong masasagot sa exam bukas. Inspired by eh.
Exam day......
"Good morning class. Here are your test papers. Pass it on and take one piece each. Get a two sheets of yellow paper for solving the problem. Only the answer will be written on the test paper. Is it clear?" Prof. Gomez instructions. " Yes sir" sabi naming lahat. "And one thing more. Isasama sa test paper ang yellow paper na ginamit nyo para makita ko kung anong formula that you used. Okay? lagyan ng number para alam ko kung para sa anong question. That's all. You can start now. No cheating". He said lastly.
After ng isa't kalahating oras. Natapos na ang lahat ng classmates ko sa exam namin. Ako kasi kanina pa tapos. Naghihintay na naman kami ulit ng another exam sa next subject.
At last. Naka survive na ako sa lahat ng exam. Makakapahinga na rin. Bukas is the last day of exam. Full relaxation na. Malapit na ang bakasyon. "How about Jayeanne. Tapos na kaya sya sa exam nya.". Thinking about her. I really wanted to text her. But, baka nagti-take pa sya ng exam at this time. Maka istorbo pa ako.
"Mike....bro". Si Dexter tinatawag ako. Nakatitig kasi ako sa cellphone ko. "Ano yun bro?". Tanong ko. "Wala naman. Napansin ko lang na tulala ka dyan. Ano ba o sino ba ang iniisip mo? Parang ang lalim kasi eh. Hindi ko maabot". Pang aasar nya at akala mo may kinukuha sa floor na hindi maabot-abot. Nakakaloko talaga. Pero problema ito. Alam kong type ni Dexter si Jayeanne. Paano ko sasabihin sa kanya na nakita at nakausap ko na si Jayeanne at paano ko ipapaliwanag kay Dexter na kilala ko at nililigawan noon pa si Jayeanne. Paano nga ba?
I just shake my head sa tanong ni Dexter. "Gusto mo bang sumama sa amin ng tropa. Pupunta kami sa bahay ni Suzie. Birthday ng sister nya. Sama ka ba?"."No thanks bro. May exam pa bukas. Baka may inuman dyan. Pass ako. Next time na lang. Paki sabi na rin kay Suzie. Uuwi ako ng maaga. Kailangan ako ni Mommy sa laundry shop. Pasensya na". Tinapik ko ang balikat nya to apologize. Tumango lang si Dexter. Naintindihan naman nya ang reason ko. Sabihin na nating kilala nya talaga ako. Tinatanong lang talaga nya ako baka daw kasi minsan gusto kong maki jamming sa tropa at least nayaya nya ako. We're not that close. But we get along together. Walang pressure sa pagiging magkaibigan. Ang nakaka pressure ay yung sitwasyon ko ngayon between me, Jayeanne and Dexter.
***************************
Happy reading everyone.....
😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊***"***********************
BINABASA MO ANG
Mr. Torpe meets Ms. Mahiyain (Completed)
De Todo....Jayeanne isang simple at mahiyaing typical teenager. Paano sya makaka cope up sa bagong buhay nya bilang Manila girl turn into a Probinsyana girl and sa anong paraan will this Mr. Popular guy but sobrang torpe have to cross their path together i...