Chapter 15

6K 134 3
                                    

   
       "Sa wakas friend tapos na lahat ng exam natin".  Nag-iinat na sabi ni Eliz.  "Kamusta na kayo ni Mike?". Binabangga bangga pa niya ang balikat ko.  In short, balikat to balikat kami. 

     "Wala lang". Sabi ko.
     "Anong wala lang".  Nagtatakang sabi nya. Tiningnan pa akong nakataas ang kilay.

     "Wala lang talaga.  Sa text lang kami nag-uusap.  Kung anu-ano lang.  Di naman kami pa ulit nagkikita.  Busy sa exam di ba?".  Pagdidiin kong salita sa kanya.  Sabay taas din ng kilay.

     Ang lakas ng tawa naming dalawa dahil dun. "Shhhi...uy! Tama na mamaya nyan pagalitan tayo ng katabi nating room.  Baka may nagkaklase".  Saway ko.  "Walang nagkaklase dyan.  Mga tambayers lang din.  Katulad nating dalawa".

     Hanggang napag-usapan namin kung saan kami magbabakasyon.

     "Dito lang siguro kami sa bahay.  Wala pang napagmimitingan kung saan.  Gastos lang din yun".

     "Kami sabi ni Kuya dun daw kami sa kanila sa Nueva Ecija.  Para naman daw maiba.  Kasi taga-doon yung hipag ko".  Eliz said.

     "Buti ka pa makakalayo pansamantala sa polusyon at ingay ng Manila.  Na-miss ko tuloy ang Bicol". Naka kulong-baba kong sabi.

     Bigla na lang na sinabi Eliz.  "Sama ka kaya sa amin.  May sasakyan naman.  Wala kang gagastusin.  Sige na".  Na nakanguso.  Parang nagmamaka-awa.

     "Hindi pwede eh.  Di ako papayagan nila Mama.  Sorry ha".

     "Hindi ka pa nagpapa-alam.  Hindi agad papayagan.  Baka naman ayaw mo lang".  Pairap-irap pa sya.

     "No!, Hindi sa ganun.  Kasi syempre makaka-istorbo pa ako sa family bonding nyo.  Tapos aasikasuhin mo pa ako kung kasama ako.  Maaabala ko pa kayo.  Lalo ka na". Hinawakan ko ang kamay​ ni Eliz.  To apologize.

     "Ikaw ang bahala.  Ayaw mo talaga?". Pag-uulit nyang tanong".

     "Oo nga...ang kulit lang ha.  Pero thank you sa invitation mo.  May next time pa naman di ba.  Malay mo".  Sabi ko.

     "Let's go.  Kain na lang tayo.  Ililibre kita".  Yaya nya.

      Tumayo na ako at lumabas kami ng room habang magka-abresyete kaming dalawa.  Pumunta kami ng canteen tiningnan kung anong pwedeng  mabiling snack.  Sa di kalayuan nakita ko si Mike kasama si Dexter at ang tropa nya na kumakain din.  Kinalabit ko si Eliz at bumulong.  Tumingin si Eliz sa sinabi kong lugar kung saan sila kumakain.  Nagmamadali kaming bumili para di kami makita. 

     Dito na kami sa room ulit.  Take-out na naman ang aming pagkain.  Iniiwasan ko talagang magtagpo ang landas namin ni Mike dahil kasama si Dexter.  Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Dexter kapag nalaman nyang mas nauna kong nakikilala si Mike.  At wala pa rin namang nakukwento si Mike sa akin na alam na ni Dexter ang tungkol sa amin.  Kaya mahirap na magkita-kita kami.

Mike......

     Masaya kaming nag-uusap usap ng mga tropa tungkol sa outing namin sa summer vacation.  Pinag-uusapan namin kung saan naman kami pupunta sa Boracay ba o sa Palawan.  Para makapag budget na ng maaga. 

     Habang nagbibigayan ng kanya-kanyang gagawin.  Pag kagat ko ng bananacue ko.  Napatingin ako sa entrance ng canteen.  Napansin kong papasok si Jayeanne at ang friend nya.  Deretso sa food display ng canteen.  Palinga-linga.  Siguro naghahanap ng mauupuan at napatingin sa pwesto namin.  Yumuko ako at nakisali ulit sa usapan para di nya mapansin na nakita ko na sila.  Dali-dali silang bumili at lumabas na.  Di ko sya nilapitan o kawayan man lang nung nakita ko.  The reason is, kasama ko si Mike.  Hindi ko pa nasasabi sa kanya. Kaya pinabayaan ko nalang na makaalis sila Jayeanne. 

     "Ano? Final decision.  Saan tayo pupunta?" Isa-isa ko silang tiningnan.
     "Voting na lang ang gawin natin mga katrops.  Para walang reklamo.  O ano guys.  Start na". Dexter suggested. 

     Lahat naman ay sumang-ayon.  Kanya- kanya ng taas ng kamay kung anong lugar ang pupuntahan.  So decided na.  Confirm na ang location.  Ready for booking para mas madali at makakamura pa.  "Si  Jayeanne saan kaya mag spend ng vacation?  Pag mumuni-muni ko. "Hoy bro! Tulala ka na naman.  Halika ka na.  Tapos na ang meeting.  May klase ka pa ba?"  Pangiistorbo ng isa kong tropa.

     Nagulat pa ako ng slight lang naman.  "Wala na bro. Uuwi na ba kayo lahat?". Tanong ko.

     "Ako uuwi na.  Yung iba gigimick daw sila.  Pampaalis stress ng exam natin.  Sige bro, mauna na ako sayo".  Paalam nya.

   "Sige ingat.  Uuwi na rin ako maya-maya". Kinamayan ko at tumalikod na. 

     Pupunta muna ako sa library.  Isusuli ko yung mga books na hiniram ko.  Nagbabaka sakali ring makita ko si Jayeanne.  "Saan na kaya sya. Nakalimutan ko kung saan ang room nya". Naisuli ko na ang mga books.  Damaan ako sa Accounting Department.  Kasi Accounting ang course na kinuha ni Jayeanne.  Baka makita ko sya dito.

     Luckily nakasalubong ko ang friend nyang si Eliz. I approach her.  "Hi Eliz".  Kinawayan ko.  "Nakita mo ba si Jayeanne o she's with you?  Nakita ko kayo kasing magkasama sa canteen kanina eh".

     "Umuwi na.  Pagkatapos naming mag-snack umalis na. Nag text yung sister nya. Nagpapasamang bumili ng gagamitin para sa school project".

   "Ganun ba.  Sayang hindi ko naabutan.  Thank you anyway sa info".

    "Mag text ka na lang kaya". Suggest nya.

     "Oo nga eh.  Kaya lang lowbat na ako eh.  Nakalimutan ko pa yung charger ko sa bahay.  Sige.  It's okay.  Pag-uwi ko na lang.  Pauwi na rin naman ako.  Sige.  Thank you ulit.  Bye".  Nag bow ako sa kanya at umalis na.

Abangan.....

***************************
Maraming salamat sa inyong lahat.
Sana hindi kayo magsawang abangan ang updates ko.  Kahit medyo natatagalan.

Sa lahat ng nagbabasa at bumoboto.  Salamat.

Ganun din sa mga message at mga tanong. Salamat.

I'm very happy to have conversation with you guys.

Still. Please comment and vote to my story. 

Again.  Thank you very much😘😘😘💜💜💜💜
***************************


    

Mr. Torpe meets Ms. Mahiyain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon