Chapter 20

5.3K 105 4
                                    

       Dito ako ngayon sa school. Busy sa pag aasikaso at follow up ng mga projects ko. To make sure na magiging okay na ang lahat. Matatapos na ang 2nd sem. Final exam is finally over. Konting ayos na lang ng mga kailangan sa school at okay na ang lahat. Makakapag relax na rin ako.

      "Ang tagal naman dumating ni Eliz.  Tapos na ako dito sa school. Siya wala pa". Naisipan ko na lang na pumunta muna sa library para doon na lang magpalipas ng oras. Magbabasa na lang ako kesa naka tunganga ako dito. Gusto ko yung medyo tahimik na lugar.

      Nasa loob na ako ng library at pumunta na sa novel section. Pagkapili ko ay naghanap na ako ng table na pupwestuhan ko. Konti na lang ang pumupunta ng library kasi magbabakasyon na. Yun naman ang gusto ko. Konting tao lang. Ang sarap ng pakiramdam everytime I'm here. Peaceful and relaxing. Nawawala ang worries ko. Paborito ko kasing magbasa. Kahit ano binabasa ko and it depends on my mood.

      I'm into my reading at actually nawawala na ang attention ko sa real world. Ibig sabihin, focus na focus na sa binabasa ko.

     Suddenly, hindi ko namalayan may ka share na pala ako sa table ko. Wala kasi akong naririnig kasi may suot akong headset. Hobby ko na kasi ang magbasa while listening to the music.

      Just ignoring kung sino man siya. Basta ako masaya na sa ginagawa ko. I don't even look o sulyapan man lang. Free naman kahit saan mo gustong umupo basta ba walang istorbohan.

     Maya-maya lang naramdaman kong parang ang lapit-lapit na niya sa tabi ko. Nagtataka ako wala namang maraming estudyante dito. Bakit kailangan niyang sumiksik sa tabi ko.

     Nagulat ako ng biglang tanggalin ang headset ko sa tenga at bumulong...."Hoy, nandito ka pala buti na lang at alam ko kung saan ka tumatambay. Sorry ha..lowbat ako di kita na text. Nakalimutan ko ng i-charge ang cp ko kamamadali".

     "Akala ko naman kung sino". Napahawak ako sa dibdib ko. Nagulat talaga ako. "Ikaw talaga Eliz. Lagi mo kong niloloko. Ang tagal mo. May aayusin ka pa ba?". Tanong ko.

     "Meron pa. Ikaw tapos ka na?"

     "Oo. Kanina pa. Tagal mo eh. Nauna na ako sa'yo. Sayang ang oras eh".

     "Buti naman. Akala ko hihintayin mo pa ako. Siya sige. Iwanan na lang muna ulit kita dito. Ayusin ko muna itong ipapasa ko. Dito na lang kita ulit babalikan pagkatapos ko. Tapos merienda na tayo. Okay lang sa'yo?". Tanong niya sa akin.

     "Oo okay lang ako. Sige umalis ka na para matapos ka kaagad". Pang tataboy ko sa kanya. Ang kulit talaga ng babaeng ito. Hayun at deretso ng lumabas ng library.

     It's been an hour and a half simula ng iwan ako ni Eliz dito sa library. Halos matatapos ko na rin ang binabasa ko.

     Nakatutok na naman ako sa binabasa ko. Nang may naramdaman akong dahan-dahang may tumabi sa akin. Wala namang iba kundi si Eliz lang naman yun. Kaya deadma lang. But, bakit ako naging conscious? Iba ang feeling. I stop reading and look who's beside me. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagulat ako. I never expected na makikita ko siya ulit. Andito siya at katabi ko pa. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sa sobrang lakas, kahit yung tugtog sa headset ko hindi ko na marinig at hindi ko na rin maintindihan kahit opm song pa ito. Ganun ang kalagayan ko ngayon.

     "Hi...sorry.... nagulat ka ata sa ginawa ko". Paumanhin niya.

     "Ha? A..eh..o - o - okay lang". Natataranta kong sagot sa kanya. "Nice to see you again". Sagot ko.

     "Nice to see you too. Hindi ba ako nakaka istorbo sa ginagawa mo?". He ask me.

     "Hindi naman". Sinasagot ko siya habang nakatingin sa book na binabasa ko.  Ayaw ko siyang tingnan.  Naiinis ako sa kanya pero heto sinasagot ang tanong niya.

     "Jayeanne...pwede ba kitang makausap ngayon.  Pero kung hindi at nakaka istorbo ako.  Okay lang".

     "Nagbabasa lang ako.  Pampalipas oras.  Actually hinihintay ko lang si Eliz.  Nauna na kasi akong mag asikaso ng mga projects namin.  Late na kasi siyang dumating". Sabi ko sa kanya at dagdag ko pa.  "Bakit gusto mo akong kausapin at anong pag uusapan naman natin?"

     Halatang biglang naging awkward si Mike sa sinabi ko.  Alam kong pinipilit lang ang sarili niya na makausap ako.  Di siya kasi mapakali sa pagkakaupo niya.  At ako naman tumitingin lang kapag hindi siya nakatingin sa akin.

     "Gusto ko sanang pag-usapan ang tungkol sa atin".

      " Sa atin?  Anong meron sa atin?.  Ang pagkakaalam ko wala naman tayong commitment sa isa't-isa.  Were just friend".

     Ayan tuloy na friend zone ka.

    
***************************
😳😳😳😳😳😳😳😳😳😳😳

Vote and comment

Godbless you all......

💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜

@morningstarJB

Mr. Torpe meets Ms. Mahiyain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon