"To all the students and guests you can now take your seats. The program will start for about 5 minutes. Thank you."
Malapit na magsimula. Dito kami ng grupo ko sa backstage. Preparing our equipments to cover the show and para na rin makapag interview ng mga kasali sa contest and of course para na rin sa organizer ng program.
"Excuse me Miss." Habol ko sa isang student na may hawak na papel. "Are you one of the staff of this event?" She nod at me. Ay, salamat. Jackpot ako kasi may mai-interview ako. She told me everything about it.
Now I know. Kaya pala ganun na lang ang excitement ng mga estudyante about this event. Kasi mga naka boxer shorts ang mga contestants aside sa formal dress nila. With talent and question and answer portion. Hindi lang papogian kundi pautakan din.
"Ladies and Gentlemen here are the candidates for Mr. Engineer of the Year."
Isa isa ng rumampa ang mga boys sa sa stage na naka boxer shorts lang. Kaya naman ang lakas ng hiyawan ng mga girls at syempre ng mga feeling girl. Ang sakit sa tenga, sobrang ingay talaga. Yung iba kinikilig at kunwaring hinihimitay pa.Dahil sa dami ng nanonood. Hindi ko na nakita ang kasamahan ko. Okay lang naman. Nagawa ko na ang trabaho ko. Kailangan ko na lang mag observe para sa isusulat ko na mga mangyayari around me at sa contest.
Habang ang sarap na ng panonood ko. Someone caught my attention. Looks familiar. Pero hindi ko sigurado kung sya nga yon. Then, one by one they introduce themselves wearing their barong. And that moment, napag alaman kong I really know him. He looks different. More mature and shockingly sumali sya sa ganitong event. Na hindi ko alam na kaya nya. Mas malakas pa ang loob nya na tumayo sa stage kaysa manligaw.
Final announcement..."The winner for tonight and will be crown as Mr. Engineer of the Year is........." Drum roll...
Biglang nag vibrate ang cellphone ko. "Hello, bakit?" Tanong ko habang nakatakip sa isa kong tenga ang aking kamay. Dahil sa sobrang ingay hindi ko marinig. "Lumabas ka muna. May importante tayong pag-uusapan. Bilisan mo ha..." Pinatay na ang cellphone may itatanong pa sana ako. Walang talagang kailangan kong makalabas agad dito. Patakbo, sisingit sa mga nakatayong audience, yuyuko. Lahat na ginawa para makalabas agad. Ano kaya nangyayari. Sa isip ko lang. Bakit kaya may emergency meeting?. Emergency meeting ba talaga?
Palinga-linga. Kanda haba na ang leeg ko kahahanap sa kanila. Saan na kaya sila. Ayun may kumakaway banda run. Patakbo akong lumapit sa kanla. "Bakit tayo andito?" Tanong ko, sabay tingin sa kanila isa-isa. "Bakit? May problema ba?"
"Wala naman. Kaya lang, pinagbawalan tayo ng event organizer. Sila na lang daw ang magbibigay ng info about the event and even the pictures and videos. Para daw sigurado na walang bawas at dagdag ang info at legit." habang umiirap na sabi nya. "Nakakainis akala mo naman eh. Pang international ang pageant na yun. Daming kaartehan." dagdag pa nya. " Halika na kayo lumayas na tayo dito. Ano pang gagawin natin kung iaabot na lang sa atin. Eh di ba wala na. Tayo na uwian na. Nagsayang lang tayo ng effort." Talagang nanggigil siya sa nangyari.
"Ano ba yan? First assignment ko ito bilang school reporter. Tapos ganito lang ang mangyayari. Talaga naman." sabay sabay na kaming umalis.
Nagawa na namin ang school newspaper. At pati na rin yung tungkol sa event. Nakumpleto na lahat at iri-release na next week ang newspaper. Sana magustuhan ng mga schoolmate namin. Halos bago kasi ang member kasama na ako dun.
***************************Sorry for the slow update. Busy lang po.
Thank you again to those who read and voted.
🎅 Greetings to all of you..
Merry Christmas and Godbless you always and your family.z🎅🎅🎅🎄🎄***************************
BINABASA MO ANG
Mr. Torpe meets Ms. Mahiyain (Completed)
Acak....Jayeanne isang simple at mahiyaing typical teenager. Paano sya makaka cope up sa bagong buhay nya bilang Manila girl turn into a Probinsyana girl and sa anong paraan will this Mr. Popular guy but sobrang torpe have to cross their path together i...